Friday, March 30, 2007

ANG MGA PATALASTAS

Hmm, mukhang sampung taon na naman mula nang huli akong mag-post dito. At walang ibang dahilan bukod sa tinatamad ako at walang maisip na ilagay. (At oo, hindi mawawala diyan ang kagila-gilalas na karamihan ng mga pangangailangang gawin sa eskuwelahan!!) At ngayong tapos na ang lahat-lahat, as in lahat-lahat, as in second sem, at pupuwede na akong chumorva ng kung anuman, heto na akong muli.

Matapos akong ma-praning, mawala sa huwisyo, at magtatanong ng sangkatutak na mga tanong, medyo nawala yata ang misyon ko sa buhay na manlait nang manlait. Pero huwag mag-alala, 'di na kita gagambalain, alam ko namang ngayon, may kapiling ka nang iba.... Tanging hiling ko sa'yo.... et cetera, et cetera, et chusa. Huwag mag-alala, heto ako uli at balik na sa di-maiiwasang since birth na panlalait. [Tingnan mo 'yang katang 'yan, walang saysay ever. Suriin mong maigi, at baka ma-praning ka.]

Election period na naman. At as usual, puputaktihin na naman tayo ng sandamukal na mga patalastas ng mga politiko (kinda makes you wonder where your taxes go [hindi pa pala ako taxpayer, kaya wala akong karapatang magkomento ukol diyan]). Maya't maya na naman ang daan ng truck na pinalamutian ng sandamukal na poster (sana nga pati buong windshield tinakpan na rin), at sandamukal na speaker (susme, tatalunin pa sa ingay ang concert ng bamboo o ng kamikazee).

"Ispageting pababa, pababa nang pababa. Pati si [insert name of politician here, preferably 3 syllables. (pero dahil malikhain tayo, kahit dalawampung pantig, pagkakasyahin!)], ibaba na! Ibaba!"

"Boom tarat tarat. Boom tarat tarat. [insert name of politician here, preferably 3 syllables.], 2x, Boom-boom-boom."

"[insert name of politician here, preferably 3 syllables.], 2x, sa buhay ay kailangan. Nang umunlad ang inidoro. [insert name of politician], 2x, sa buhay ay kailangan. Nang mai-flush, inidoro."

'Yan. Ganyang mga makabuluhang political jingle na naman ang ikasisira ng eardrums ng limang milyong katao. Oo, limang milyong katao ang nagkakaroon ng diperensiya sa tainga tuwing may eleksiyon. Hindi pa kasama diyan ang nagmamaneho ng campaign truck, na tinatayang nasa dalawampung katao naman. 'Wag mo nang kontrahin, dahil pautot ko lang 'yang estadistikang 'yan. [PERO, ang mas kataka-taka, bakit pati politiko nagkakaroon ng diperensiya sa tainga, umaatake nga lamang pagkatapos ng eleksiyon? Hmm...]

Dahil nga higit isang buwan na lang at (sana) papasok na naman tayong lahat (puwera sa aming mga wala pang 18, oo bata pa ako!) sa presinto para maglagay ng pangalan ng mga taong inaasahan nating makapagpapabago ng estado ng ating pamumuhay, mga taong inaasahan nating mabubuti ang idudulot sa lagay ng pamamalakad sa gobyerno, tuloy-tuloy na rin ang kanilang pangangampanya para maihalal sa kung saan mang posisyon ang gustuhin nila. [Kamusta ang run-on? :)]

Kaya naman, dahil sa aking sensibilidad para manlait nang manlait, idadamay ko na pati ang mga political ad ng mga nagnanais na iluklok sa puwesto para makapaglingkod sa bayan. Baka makatulong sa pagpili mo ng isusulat mo sa balota.

Hindi ko alam kung sadyang mapanlait lang ako o timang talaga ang mga patalastas ng ilang politiko ngayon. Hay, ewan, basta ito na:

[Note: Hindi porke't nilait ko ang ad, hindi ko na gusto ang politiko. May ilan akong hinahangaan, pero sumakit ang ulo ko sa mga ad nila. Gumamit ng context clues na natutuhan mo sa kindergarten para malaman kung sinu-sino sila. Huwag kang mag-alala, kakaunti lamang naman sila.]

[Note 2: Kung iba ang opinyon mo sa mga ilalagay ko rito, ayos lang. Kung gusto mo, ipagtanggol mo ang manok mo. Hindi naman ako magsusumbong sa nanay ko o sa tatay ko, baka sa tindahan ni Aling Nena lang kita isumbong. Kanya-kanya tayong opinyon. Pero hindi ko sasabihing "Kanya-kanyang opinyon tayo, we are a democratic, free country." No, we're not.]

Unahin na natin si Loren Legarda. Hmm, nakita mo na ba 'yung ad niya? Wala akong masyadong problema sa visuals, pero susme, narinig mo ba nang maigi 'yung kanta?? "Siya lang ang tunay na pag-asa, TANGING si Loren lang.. Kung sa sipag at talino lang naman, TANGING si Loren lang..." Excuse me, walang ibang choice? Tanging siya lang? Hmm, parang hindi yata. Ibig bang sabihin, kapag namatay siya ngayon (knock-on-wood), wala nang ibang pag-asa, wala nang ibang masipag, at wala nang ibang talino? At bakit pa siya sumali ng partido kung TANGING siya lang? Para namang iniwan niyang nakabitin 'yung mga kasama niya. Ewan ko lang..

Isunod na natin si Ping Lacson. May pa-H.O.P.E.-H.O.P.E. pa siyang nalalaman. Pero hindi ko alam, hindi epektibo 'yung acronym niya para sa akin, dahil hindi ko talaga matandaan. At pakinggan ang litanya: "Si Ping ang kinabukasan." Umm, kapareho n'ung nauna, kapag namatay ba siya ngayon (knock-on-wood), wala na tayong bukas? Parang hindi naman. (Pero parang lang 'yan).

Heto pa ang isa: 'yung nagbabandera ng tatak raw niya. Sige lang, "ang tatak [insert candidate name here], sa senado ibalik na, [insert candidate name, pasigaw]!" Nagpunit pa siya ng papel na may apat na letra: E, V, A, at T. At least, may malinaw na balak siyang gawin. PERO, ano 'yun, gan'un lang? Magpupunit lang siya ng papel sa senado? At ang lalong hindi ko maatim, 'yung mga sinaunang bersiyon ng mga patalastas niya. Kung natatandaan mo pa, binanggit niya ang pangalan ng ilang mga kamag-anakan niya na nanungkulan din sa pamahalaan. At ang kasaysayan raw ng senado ay kasaysayan ng tapat na paglilingkod. Sa hindi malamang kadahilanan, 'yun din daw ang tatak [insert candidate surname]. Hmm, ano ba 'yan? Umaasa sa mga naunang kamag-anakan para iangat ang sarili? Parang timang. Ano nga ba kasi ang kaugnayan ng magiging performance niya sa naging panunungkulan ng kamag-anakan niya? Hiniram ba niya at ipinasaksak ang utak nila sa sarili niya? O baka nagpalit-palit sila ng espiritu?

Isa pa ring karumal-dumal 'yung patalastas ng anak kasalukuyang senador, na tumatakbo rin bilang senador. Clue: tunog-buko ang pangalan niya. Natatandaan mo na? Ano ang nakita mo sa patalastas? Malamang sa hindi, ang nakita mo ay 'yung tatay niyang kasalukuyang senador. Sa palpak-palpak kong mga estimasyon, 70% ng duration ng ad, 'yung tatay ang naka-plaster sa TV screen, tapos 15-20%, 'yung anak ng kandidatong wala pang kamuwang-muwang sa ginagawa niya, at 10-15% lamang ng duration ng patalastas ang itinagal ng mukha niya. At, hindi lamang 'yan, may linya pa siya na "Oo, anak, mahal ng tatay ang bansang 'to, higit pa sa kanyang buhay." (Or something to that extent.) Susme! Ewan ko lang ha, pero maniniwala ka pa ba sa ganyang mga pahayag? Sige, ikaw.

Isa pa sa talagang nakakikilabot ay 'yung d'un sa tunog-gulay ang apelyido. Obserbahan: siya raw ang may pinakamaraming patalastas sa telebisyon ngayon. Ibig sabihin, siya ang may pinakamalaking ginastos para sa kampanya. Samantalang ayon sa mga pinagbabasa ko nitong nakaraan, wala naman daw siyang ginawa sa probinsiya niya. Alma nga raw ng mga magsasaka, "[pangalan ng gulay] namin ay lanta, dahil [pangalan ng kandidato] namin ay tan-g-a." (Parang gan'un, 'di ko maalala 'yung tiyak na salitang ginamit. 'Di ko na rin matandaan ang URL, sumangguni sa mahal na patrong google search at baka matiyempuhan mo). Muli, kinda makes you wonder where your taxes go.

Tumungo na tayo sa mismong patalastas. May mga kinontsaba pa siyang karaniwang tao para sa walang kuwentang ad niya. Sa totoo lang, tawa ako nang tawa sa tuwing makikita ko ang patalastas niya. 'Yung mga karaniwang tao, magbabanggit ng pangarap nila; kesyo gusto nilang sumikat para sumikat ang Philippines (huh??), gusto nilang magkabahay, gusto nilang mag-aral, gusto nilang mamalengke, gusto nila ng toblerone, gusto nila ng syota, gusto nila ng walang lamang bote ng C2, gusto nila ng ganito, ng ganyan, et cetera, et cetera, et chusa. Sabay sulpot ni kandidato; parang larong pambata. "Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo. Ako po si [candidate], pro-pinoy!" Excuse me, you may pass! Paciencia biscuits, pero ano ba 'to?! Sige, mangarap tayo nang mangarap nang sabay-sabay! Tara lets! Kung iuupo natin siya sa senado, mangangarap lang ba siya? Mangarap tayong lahat!!!

Heto pa ang isa sa karumal-dumal talaga. 'Yung ad ng parang hose raw kung sumipsip kay (you-know-who). 'Tol!! [Parang masarap palitan ng U at L ang 'T, palagay mo?] Hesus, Sta. Marya, Josep! Sto. Niño, Sta. Inez, Sta. Catalina! Mo. Ignacia, Sta. Cruz, Sta. Claus! Tingnan mo pa ang nasa poster: "Walking 'Tol." Kamusta ka? Ano'ng akala niya sa utol, hindi naglalakad? (Puwera na nga lang kung baldadong talaga). Ayon sa butihin kong ina, may pelikula raw noong panahon ni kopong-kopong na Walking Tall (o Toll, o kung anumang katunog). Sige, pero sana naman nag-iisip 'yung politiko, 'di ba?

Tingnan, lalo pa, ang mga sinaunang bersiyon ng kanyang mga patalastas. May isa d'un, kassama niya si Keanna Reeves at Manny Poohcquiao (pati na rin ang ilang karaniwang mamamayan). Alalahanin kung paano sila nagpakahirap tawagin 'yung chenes; halos magkandatumba-tumba na nga sina Keanna at Poohcquiao. Tapos hayun lang si politiko, lakad lang nang lakad. Narinig siguro 'yung mga tawag. Lilingon sandali, tapos kakaway, sabay talikod. Ewan ko, ganito ba ang gusto natin sa senado? Sa political ad pa lang, mahirap nang abutin. Maabot mo man, titingnan ka lang at kakaway sandali, tapos lalakad na naman nang mag-isa. Hindi ko na talaga alam..

Gusto mo pang mag-lokal? Sige, pero isa lang ang ikinatatakas ng huwisyo ko. Sa Maynila. Nakapasyal ka na ba nitong nakaraan sa Maynila? Kung oo, sigurado ako [oo, SIGURADONG-SIGURADO, kahit saan pa 'yan sa Maynila] na nakita mo na ang mga poster nila. Sa kaliwa, 'yung kasalukuyang nanunungkulan; sa kanan 'yung imamanok niya para pumalit sa kanya. At take note, magkamag-anak sila. Sa naglipanang posters, hindi pagtatakhang maipagkamali sila bilang kambal. Pareho pa ng suot na damit. Grabe. Grabe talaga. Buhat na buhat. Kinda makes you wonder about political dynasties.

Hindi ko alam kung ito na ang lahat ng nilalayon kong malait na ad, dahil ito lang ang pumasok sa utak ko ngayon. Kung may iba pa, sa susunod na lang, dahil hindi ko matandaan ngayon kung alin ang mga 'yun. Pero baka matagalan uli ang susunod kong post, dahil summer na at wala nang masyadong libreng Internet (sa eskuwelahan ko lang itina-type ang lahat ng mga post ko eh.. haha) Pero 'wag mag-alala. Samantalang papalapit ang halalan, pipilitin kong patuloy kayong magambala para maengganyong pumili ng (mahusay) na kandidato.

Friday, March 9, 2007

DARE TO ASK

Wala lang. May mga katanungan lang talagang bumabagabag sa kalooban ko nitong mga nakaraang araw. Puro tanong lang 'to, bunga ng kapraningan at ang katahimikan ng pag-upo sa inidoro.

Pero para magmukhang may silbi, una kong ibibida ang advocacy noon ng Philippine Daily Inquirer:

Dare to ask.

(Wow naman) :)

Sabi nga daw ni Lea Salonga bago siya mag-audition para sa Miss Saigon, "Why not the world?"

Sabi naman ni Romy Garduce bago niya maakyat ang Everest, "How hard can it be?"

Higit sa lahat, 'di malilimutan ang pagtatanong ni Ninoy Aquino bago siya lumipad pa-Pilipinas at mamatay sa tarmac ng airport, "Why can't I come home?"

'Yan ding mga tanong na 'yan ang nakapagpasimuno ng pagbabago. Mga simple, oo, pero nakapagdulot ng mga di-malilimutang tagpo sa kasaysayan ng Filipinas.

Kaya naman, ako naman ang magtatanong. Baka magbago ang takbo ng lipunang Filipino sa mga makabuluhan kong tanong.

[Note: 'Di ko na ilalagay dito ang tanong na "Puwede bang mag-softdrinks kapag coffee break?" Gasgas na kasi. Kaya naman, 'di na ako mag-aaksaya ng espasyo at magpapagod sa pagta-type ng tanong na "Puwede bang mag-softdrinks kapag coffee break?" ]

[Ilan pala sa mga katanungang ito ay inspired ng mga libro ni Bob Ong]

Sino ang nauna, manok o itlog?

Bakit may mga teleseryeng itlog sa ratings? Bakit may teleseryeng manok na manok ang pagkuha ng manonood kahit itlog na itlog naman ang content?

Bakit may mga bulok na teleserye? Bakit ipinagpipilitang gawing artista ang ilan sa mga nananalo sa reality shows na wala namang kaugnayan sa pag-aartista?

E bakit nga ba patok na patok ang reality shows? Reality nga ba ang mga 'yun?

Bakit ako mahilig sa reality shows?

Bakit ka mahilig sa reality shows? Kung hindi ka mahilig, kaya mo bang duraan sa mukha si Big Brother?

Bakit may pausong isa-isa araw-araw ang ipinapasok na housemates? Pabor ka ba rito? Bakit gustong-gusto mong mag-subscribe sa 24/7 channel service?

Bakit kaya nauuso ang 24/7? Bakit ko ito piniling ipasok bilang salita ng taon?

Bakit checked-out ang librong kailangan ko? May makikita ka bang librong "The Dehumanization of Man" ang title? Maaari mo bang ipagbigay-alam ang lokasyon? Puwede ko bang mahiram, sandali lang?

Bakit mahirap sa eskuwelahan? Mahirap ba talagang mag-aral? Kaya mo bang i-reverse psychology at sabihing nasa isip lang ng taong nakaka-D o F ang kahirapan ng mga subject?

Ano kaya ang ipinagkaiba kung hindi ka nag-grade one? Paano mo ba nasabing literado ka ngang tao? May pagkakaiba kaya, bukod sa boring na mga araw kasama ang teacher mo sa English na nagtuturo ng S-TV-IO-DO; boring na Math teacher na nagtuturo ng X+Y=1215125130 at age and geometry problems; boring mong mga recess time kasama ang mga tsismosang kusinera ng canteen; lunch time kung saan may nalaglag na blackboard eraser sa ulo mo, dahil nalimutan mong may inilagay ka palang eraser d'un para sana pambiktima ng mga magbubukas ng pinto; tsismisan sessions tungkol sa kabadingan ng teacher kasama ang barkada; pagnakaw ng tingin sa crush mo noong high school; pagnakaw ng cellphone ng kaklase mo galing sa bag niya? May kabuluhan nga ba ang ganitong nakagawian mong mga bagay dahil sa elementarya at high school?

Ano ba talaga ang distinksiyon ng kursong AB at BS? Bakit may ganyang ka-eklavuhan? Paraan lang ba 'to para makapag-promote ng diskriminasyon?

Bakit talamak ang diskriminasyon? Paano ito napaiigting ng media? Naipapalaganap ba ito ng mga pelikula?

Bakit may mga taong mahilig sa pelikula? Pelikula ni FPJ (sumalangit nawa)? Pelikula ni Panchito? Bakit nagtumpok ang mga lalaki sa isang stall sa Quiapo? Anong pelikula 'yun?

Bakit nauso ang Quiapo? Bakit may pirated DVD sa paligid ng Simbahan? Bakit 'pirated' ang tawag? 'Di ba puwedeng 'chinorva'?

Sino ang nagpauso ng DVD-9? Bakit hindi mo pa alam hanggang ngayon kung ano ang DVD-9?

Ang mura ng DVD ngayon ano? Sa halagang 80 pesos, mayroon ka nang isang bilog na bagay na naglalaman ng sampu hanggang labindalawang pelikula. Sa halagang 40 pesos, mayroon ka nang single DVD, madalas nga lang, walang case. Ang saya 'di ba?

Bakit si Jose Rizal ang nakadukdok sa piso? Gan'un ba siya ka-cheap? Hindi naman 'di ba? Sino ang nagpausong magkaroon ng 200 peso-bill para mailagay ang mukha ng tatay niya rito? Bakit tatlo ang nasa isanlibong piso?

Mukha bang pera ang mga taong naka-imprenta sa pera?

Mukha bang pera ang ilang mga tumatakbo ngayon sa politika? Gusto mong pangalanan natin sila?

Makapal ba ang mukha ng ilang nasa politika na ngayon? Gusto mo rin bang pangalanan natin sila?

Hindi ba dapat iniihaw nang buhay ang ilang mga nasa politika? Willing ka bang mag-provide ng grillers of all sizes? Paki-dala ng mga 4 feet ha, para special 'yung kanya. Ok lang ba sa'yo kung sa'kin na ang uling?

May mga cannibal ba talaga? Paano kaya nila kinakain ang tao? Hilaw? Luto? O half-cooked?

Bakit may half-cooked na pagkain? Masarap ba ang mga ganito? O timang lang talaga 'yung nagluto?

Alam ba ng nagluluto sa inyo ang sustansiya ng kinakain mo ngayon? Alam mo bang nalaglagan 'yan ng buhok niya kanina?

Ano ang silbi ng gulay sa katawan mo, bukod sa sinasabi ng nutritionists? Alam mo ba ang ginagawa ng roboflavin, ascorbic acid, calcium at iba pang minerals sa katawan mo, bukod sa sinasabi ng nutritionists? 'Di kaya mayroon silang conspiracy?

Bakit patok ang conspiracy theories? Mayroon ba silang karampatang aplikasyon sa buhay mo? May conspiracy theories ka bang naiisip? Hindi kaya ampon ka at pinagkakaisahan ng pamilya mo ngayon?

Interesado ba ang pamilya mo sa conspiracies? Interesado ba silang itapon ka sa kalawakan?

Nakapunta ka na ba sa Neptune? Ilang tao na nga ba ang nakapunta sa kalawakan? Si Shaider kaya, nakapunta na? Si Gloria? Pero naniniwala ka sa mga litratong galing sa outer space? Malay mo ba kung conspiracy lang 'yun?

Nakabibingi nga ba ang matataas na lugar? Kung gayon, nakabibingi ba ang altitude sa outer space?

Bakit may mga binging driver? As in binging-bingi?
[True to life stories]:
(1) Pasahero: Manong, bayad ho.
'Di kikibo ang driver. Ngawit na ang nag-aabot. Uulitin ni pasahero ang sigaw.
P (mas malakas): Manong, bayad ho.
'di pa rin kikibo ang driver.
Iba pang pasahero (sabay-sabay): Manong, bayad daw ho.
Driver: Bayad? (kukunin ang 20 peso-bill) saan 'to?
P: Mayhaligue ho, isa lang. [Mayhaligue: isang kalye sa Maynila.]
D: Saan?
P (mas malakas): Mayhaligue ho, isa lang.
D: Ilan?
P: Isa lang ho!
D: Isa lang?
IPP (sabay-sabay): Isa lang raw ho.
pagkalipas ng ilang sandali,
D: Sukli, o.
nang umabot na sa Mayhaligue,
P: Manong, para ho.
'Di titigil ang driver. Uulitin ng pasahero ang sigaw. Mas malakas.
P: Manong, para ho sa tabi!
Tuloy ang pagkaripas ng dyip. Isang kanto na ang inilayo mula sa Mayhaligue.
IPP (sabay-sabay, malakas): PARA NA RAW HO!
Ilang segundo ang tuloy ng pagkaripas bago huminto. Isa't kalahating kanto na ang inilayo, bababa si pasahero:
P (pabulong): Hay nako!
(2)P: Bayad nga ho, o.
'Di kikibo ang driver. Ngawit na ang nag-aabot. Uulitin ni pasahero ang sigaw, mas malakas.
P: BAYAD HO!
Tatanggapin ni manong driver ang 20 peso-bill.
P: Isa ho 'yang Batangas at isang Grand, estudyante pareho. [Batangas: isang kalye sa Maynila; Grand (Central): isang mall sa may Monumento sa Caloocan.]
Patuloy lang ang pagtakbo ng dyip. Walang kibo ang driver at patuloy lang sa pagkaripas.
Maya-maya,
P: Manong, 'yun pong sukli ng bente, isang Batangas po at isang Grand, estudyante.
D: Ha? Saan?
P (mas malakas): Isa pong Batangas at isang Grand. Estudyante.
D: Isang Batangas at?
P+IPP: Grand daw ho.
Lilipas pa ang mahabang panahon, at nang malapit na sa Batangas Street,
P (boses-galit): MANONG 'YUNG SUKLI HO NG BENTE! ISANG GRAND AT ISANG BATANGAS!
D: Grand at Batangas?
P: Opo.
Matagal na panahon uli. Batangas Street na.
D: Sukli, o.
*'Di siguro narinig ni driver na estudyante 'yung dalawa. Kulang ang sukli niya ng apat na piso. Hindi na nagreklamo ang dalawa. Nakakarindi.
**May nagbayad pa uli, dalwang matanda, at isandaan 'yung pera. Ikaw na ang mag-imagine kung ano ang nangyari sa kanila.

Bakit may mga pasaherong 'di na nagrereklamo kapag kulang ang sukli? Bakit may mga driver na kulang magsukli? Masarap ba silang sapakin nang sabay-sabay?

Bakit ma-cheverloo echusa ever ang chenes kemedu? Chakadoo echos chever? Charot?

Nauubusan na ba ako ng tanong? Bakit kaya?

May karugtong pa ba ito? Mapa-praning pa ba ako uli at magtatanong ng sangkaterbang mga tanong?

Ikaw kaya, sasagutin mo ba ang mga ito? Praning ka rin ba?

Dare to ask.

-------
P.S.: Mayroon yatang mga opensibang mga tanong, at nililinaw kong hindi ko layong makapanakit ng damdamin ninuman. Naintindihan mo ba 'tong P.S.? Kailangan pa ba 'to?

Dare to ask.

Tuesday, March 6, 2007

MAHALAGANG LIHAM

Kahapon, natanggap ko na (sa wakas) ang kontrobersiyal (??) na liham na napag-uusapan ng sangkatauhan sa ngayon. Sa palagay ko, napakahalaga nitong liham na 'to para sa kapakanan ng taumbayan [lalo na sa mga botante]. Kaya naman, bilang mamamayan ng Filipinas, minarapat kong ibahagi ito sa mga nagtitiyagang magbasa ng blog ko, bilang tungkulin na rin sa mamamayang Filipino.

[Backgroud muna...]

Harvey Keh is a Xavier alumnus from GS to HS and graduated from Ateneo de Manila in college. He was instrumental in starting the Alay ni Ignacio instructional program in college and the Pathways to Higher Education as well as the AHON Foundation afterwards.

He is a Filipino who's very concerned about our country's future, and one who's actually done a lot to make a positive difference.

Perhaps by reading this simple letter, we can start/continue our own way of making a positive "dent" in our society :)

Ad Majorem Dei Gloriam

(From: Enzo Flojo)

[Heto na.. Heto na.. Heto na....]

[NOTE: Pauso ko lang ang lahat ng naka-bold; para lang ma-emphasize 'yung mensahe. Para sa iyong kapakanan: hindi ko ginawang bold font 'yung mga pangalan para i-endorso sila in any way whatsoever.]


Dear Fellow Filipino,

Good day to all of you! Before I begin my letter... just a disclaimer, for people who know me they know that I love the Philippines very much and I am not really one who rants and complaints to high heavens about what is happening to our country and does nothing about it, in fact, I feel that at my relatively young age of 27, I have done much service to the Philippines by setting up Pathways to Higher Education which has sent more than 500 poor but deserving students to college and AHON Foundation which has already built two public elementary school libraries that have benefitted more than 3,500 students. Yet, after seeing how events in our nation have transpired the past few weeks and talking with some friends, I feel the urge to share with you my own thoughts and feelings.

Over the weekend, we saw the completion of two major political alliances for this coming Senate Elections that has just began here in the Philippines. Now we have two political forces with familiar faces nonetheless on opposite sides of the fences. On one end, you have Tito Sotto and Tessie Aquino-Oreta who were two major stalwarts of the opposition and the FPJ Campaign in 2004 hobnobbing with the woman (Pres. GMA) whom they claimed to have cheated FPJ in the last Presidential Elections. On the other side of the fence, you see Manny Villar, the former house speaker who was actually responsible for impeaching Erap now part of the United Opposition who is led by no less than... Erap himself. Now if you don't see anything wrong with this picture then you must be one of the many Filipinos who have accepted this very sad reality that there is indeed no permanent ideals that our government leaders stand up for but rather they just go where there self-interests can best be served. It is this kind of politics why I no longer wonder why good people like Ramon Magsaysay Awardee Mayor Jesse Robredo of Naga City or outstanding Bulacan Governor Josie Dela Cruz will find it hard or worse, never be elected to national positions. It is with these in mind that I'd like to share with you what are events this coming May elections that will make me consider leaving the Philippines :

1.) If former COMELEC Commissioner Virgilio Garcillano of Hello Garci fame wins in his bid to become Congressman of Bukidnon...seeking to replace a good man no less in incumbent Cong. Neric Acosta... We would really be the laughing stock of the whole world if we allow a man with the reputation of Garci to be one of our so called "Honorable Gentlemen".

2.) If Dancing Queen Tessie Aquino Oreta reclaims her seat at the Senate... I hope that all of us would still remember that dance that she did during the 2001 impeachment hearings after they voted to overrule the decision of then Chief Justice Davide... let us make sure that people like her never make it to the Senate again.

3.) If Richard Gomez becomes a senator... what does he know about making laws? We already have the likes of Bong Revilla and Lito Lapid in the Senate and their performance or lack of it would be reason enough not to elect another actor who has no prior experience in government to the distinguished halls of the Senate.

4.) If Gringo Honasan wins again.... have we not learned our lesson? I cannot believe that just because someone is charismatic then we will just elect him to become one of our senators despite the fact that he has time and again caused so much instability in our country... if we want a military junta similar to that of Thailand... then lets all vote for this guy....

5.) If Manny Pacquiao becomes Congressman of General Santos City... everybody loves Manny the Boxing Champ but Manny the Lawmaker? Lets be realistic here, Manny is our Hero alright* but I think it takes more than just great boxing skills and a desire to serve to be able to make appropriate laws that would help uplift the lives of the many Filipinos who live in Poverty.

6.) If Lito Lapid wins for Mayor of Makati City... I don't like Jojo Binay** as well but Lito Lapid as city mayor of the country's finance and business center?!?! And do you really think he is from Makati and has good plans for the city? The Arroyos asking someone like him to run just goes to show you how much love and concern this government has for our country.

7.) If Chavit Singson becomes a Senator, Illegal Gambling = Chavit... enough said.

Now if all of these 7 things happen during this coming elections then don't be surprised if I decide to leave this country that I love dearly. Like I said during the first part of my letter, I feel that I have done much for this country but I think its time that Filipinos become more vigilant and critical in selecting our leaders for the sake of our future and the generations that will go beyond us. So I appeal to every Filipino who asks what can I actually do for my country... Choose and vote for the right people this coming elections, huwag na tayong magpaloko sa mga kandidatong maganda lang ang jingle o gwapo lang sa mga poster. Let us choose leaders who have a good track record for service and who are genuinely committed towards serving our country.

Manindigan naman tayong lahat para sa ating Kinabukasan at para sa Kapakanan ng ating Bayan!

Thank you very much for your time in reading this letter.

Sincerely,

Harvey S. Keh
Email: harveykeh@gmail.com

--------
NOTES:
*Hindi, HINDING HINDI, ako isa sa mga naniniwala dito. Dahil hindi rin ako naniniwalang nagiging bayani ang nakikipagbugbugan kung kanino. At sino ba naman kasi ang nagpasimula nito? Puro na lang 'karangalan ng bansa' ang namumutawi sa mga bunganga nila. Sa ginagawa ng sangkatauhan ngayon, ano nga ba ang 'karangalan ng bansa'? [Hmmm.. magawan nga ito ng blog post sa hinaharap..]
**Hindi ko masasabing hindi ko gusto si Binay.

--------

Siguro nga, mas marami pang karumal-dumal na politiko kaysa sa kanila, katulad na lang n'ung <*ehem*>. Pero kahanga-hanga na ang ganitong pagbababala para sa isang mamamayan. Kailan nga ba tayo matututo? Hindi rin siguro ako magtataka kung anong mga mangyayari kapag naihalal nga ang lahat ng iyan.

Manindigan na tayo at huwag lang reklamo nang reklamo. Para sa mga botante, bumoto nang mahusay. 'Ika nga sa dakilang paskil sa mga presinto 'pag Mayo, "Vote Wisely." [Botante (sa precinct officer): Umm, 'di po ba bawal ang kampanya sa loob ng presinto? E sino po si Wisely?]

Para sa hindi botante, impluwensiyahan ang botante. Makilahok sa pagbabantay ng boto--hindi dahil pamemeryendahin ka mamaya ni politiko X, o dahil bibigyan ka ng piso ni politiko Y, o dahil motherdearest mo si politiko Z.

Ayon nga sa mala-pelikulang advocacy ng GMA,
Titiyakin kong mabibilang ang isa kong boto.

Manindigan. Makialam. Startalk.

Monday, February 19, 2007

SANDAANG KALOKOHAN

[Paunang-sabi...]

Mukhang matagal-tagal na rin nang huli akong mag-post. Panahon na yata para makapaglagay naman ng bago. Hehehe..

Ang pangunahing dahilan ng kawalang-aktibidad ko ay 'yung pinagpipitaganang English Argumentative Research Paper, na ipinapasa na noong Lunes ng nakaraang linggo (12 Enero 2007)!! Galak na galak ako, bagaman hindi rin ako masyadong natuwa sa papel ko. Ayos na rin; natapos na ang buwan-buwang impiyerno. Hahaha..

Ngayon pa nga lang rin pala, nililinaw ko nang hindi ito panlilibak sa pinanood kong dula noong Biyernes ng gabi. Katunayan niyan, natuwa ako nang sobra d'un sa play. Ang saya. Pagsaludo nga pala sa lahat ng nagtrabaho upang mabuo at maisaayos 'yung dula! :)

[Buweno...]

Noong Biyernes (16 Enero 2007) at Sabado (17 Enero 2007) ng gabi, nagmukha akong.. umm.. pusang gala dahil ginabi na ako sa kalsada at hindi ko pa alam at kabisado ang dapat kong daanan. Nanood kasi ako ng Sandaang Panaginip (sa direksiyon ni Jerry Respeto) noong Biyernes, at natapos ng 9:30 na ng gabi, at wala nang LRT kapag ganoong oras. Samantala, may ASPAC chorva naman noong Sabado, at mga alas-diyes na rin ako nakatakas sa naturang event. Mabuti noong Biyernes kasama ko ang aking butihing ama at nag-dyip na lang kami (tatlong beses papalit-palit) pauwi. Noong Sabado naman, wala talaga akong kasama; para ngang pusang galang naliligaw.

Cubao/Stop 'n' Shop ang una naming sinakyan noong Biyernes, na ubod ng bilis. Parang nakikipaghabulan sa kung anuman. Parang adik 'yung driver. Parang may lakad pa at mahuhuli na siya kung saan man ang paroroonan niya, at mukhang sa impiyerno yata ang destinasyon.

Buti naman, nakarating kami nang matiwasay at malinis (i.e., walang dugo-dugo at hindi pisak ang anumang bahagi ng katawan). Lumipat naman kami ng dyip papuntang Divisoria, at pagdating sa Recto, sumakay naman ng Malinta at bumaba nang buhay at buo malapit sa aming tahanan.

Noong Sabado naman, nanggaling ako sa Kampo Crame, na siyang venue ng pinagpipitaganang ASPAC event. (Ewan ko kung bakit doon, at hindi ko lubos maisip na nanaisin nilang magsagawa ng recollection at reunion sa mismong lugar na sinabugan ng granada noon, na ikinamatay ng isang aide). Inihatid ako ng sasakyang pambarangay sa may sakayan papuntang San Juan, at mula doon, sumakay ako ng papuntang Divisoria, saka naman ang dyip na Letre ang destinasyon.

Pusang gala talaga.

At habang ako'y nangangarag sa kachuvahan ng pagpapalit-palit ng mga sasakyang dyip, minarapat kong tumingin at magmasid-masid na lamang sa labas at tumanaw sa tahimik na tahimik na Kamaynilaan. Ka-utang-utang na loob ang mga nasaksihan ko.

Noong Biyernes, habang tuwang-tuwa ang driver sa pag-co-convert ng dyip niya bilang roller coaster, may nakita akong binatilyong tumatawid (hindi ko alam kung tumatawid lang nga o gagawing pasyalan ang buong kalsada). Ayos. May hawak-hawak na supot na nakadukdok sa bungangaan (i.e., ilong at bibig) niya. Naaninag ko 'yung chenes sa ilalim ng plastic. Hmm, mukhang likidong malagkit na may kabigatan dahil bakas ang bahagyang pagkahila ng gravity sa plastic. Ayos, sige lang, hithit lang. Tumawid ka pa ng kalsada. May pupuntahan pa yata 'yung binatilyo, at may tumpok ng mga bata sa may tabi ng kalsada. Share? Utang na loob.

Pagbaba naman namin ng Recto, may mga binatilyo rin, dalawa yata, pero walang tangan-tangang supot na nakadukdok sa bungangaan. Ang kasama naman nila ay isang pedicab, na may nakapatong nang sako. Samantala, naghahalukay nang todo 'yung dalawang bata sa instant tambakan ng basura sa may kanto ng naturang kalsada. Actually, maraming pook na naging instant tambakan, at mayroon ding mga bata na naghahalukay sa mistulang hundred islands na mga basurahan. Pinaghahanap yata nila 'yung mga lata ng softdrinks o kung anuman, pati yata mga plastic. Malamang ibebenta sa junkshop. Ang saya, ang lawak na ng basurahan natin, nabigyan pa natin ng instant trabaho 'yung mga bata. Utang na loob.

Dahil walang sasakyang masyadong nagdadadaan, nagdesisyon ang aking butihing ama na maglakad papuntang Avenida, marami-rami yatang dyip d'un. Maya-maya, may isang kachuvahan na nakapaso sa tatay ko ng hithit-hithit niyang sigarilyo (ewan ko kung sadya). Parang autistic 'yung tao ('di ko na rin nasiyasat kung babae o lalaki). Parang inatake ng cerebral palsy. May kasama siya, pero hindi yata napansin n'ung kasama niya na nakapaso na nga siya. Buti't hindi na minarapat ng tatay kong batukan o sapakin 'yung tao. Nang makatawid sila, napansin kong parang sinaway n'ung kasama niya 'yung tao, muntik yatang masagasaan or something. Saka naman lalong tumibay ang hinala kong may diperensiya 'yung tao. Ewan ko, naglalakad sila nang gan'un sa dis oras ng gabi, parang 'di alam kung saan pupunta, 'di alam kung saan magpapalipas ng gabi. Utang na loob.

Maliwananag ang Avenida. Aktibo ang bago-bagong gawang parke. Naglipana ang mga tao, especially babae. Hmmm, ano kaya ang gagawin nila sa dis oras ng gabi? Alangan namang mamasyal, lagpas alas onse na. Higit sa lahat, 'di naman kagandahan 'yung mashubang 'parke'. Hmm.. Utang na loob.

Sabado naman, sumakay ako ng dyip papuntang San Juan galing ng Crame. Nakita ko naman 'yung isang ale, pagod na pagod na yata sa pagbebenta ng balut niya, nakasalampak na lang d'un sa may parang plaza. Samantalang may isang lola doon naman sa kabilang banda ng kalsada, solong-solo ang mundo. Hindi ko alam kung kahit isang beses ba ay nagkaroon ng pamilya 'yung matanda. Naman kasi, wala na talagang awa sa katawan, kahit katiting, 'yung kapamilya n'un kung mayroon man. Nand'un lang siya, parang handang-handa nang matulog at humilata sa kalsada, tila ba hinihintay na lang na kunin siya ng Panginoon, o kung sino mang kukuha sa kanya mula sa masalimuot na mundong ito. Hindi ko lubos maisip kung ano ang mangyayari d'un sa lola sa gitna ng kalsada, kapiling ang lahat ng uri ng mikrobyong galing sa ihi, dura at basura nating lahat. Utang na loob.

Pagdating ko sa Recto, may mga bata pa ring naghahalukay ng kung ano sa mga tambakan ng basura. Utang na loob.

Magbunyi at magpalakpakan tayong lahat. Dahil ito, mga bata, ang economic boom.

Boom tarat-tarat. Boom tarat-tarat.
Tararat, tararat.
BOOM BOOM BOOM.

'Ika nga kasi n'ung something sa somewhere,

Filipinos are reaping the rewards of the economic boom, they just don't know it.

[qtd. in theomacproject] :)

Boom tarat-tarat. Boom tarat-tarat.
Tararat, tararat.
BOOM BOOM BOOM.

Mabuti naman at alam mong hindi namin alam.

Sabihin mo na rin pala sa amin ngayon na ang walong milyong piraso ng ginto ay para sa masa at hindi para sa palasyong bakasyunan.
Na kung bubuklatin ang puso mo ay pagmumukha ng masa ang makikita, at para sa masa ang lahat ng ito.

Sandaang panaginip ng taumbayan. Sandaang pangarap ng kachuvahang politiko. Sandaang kalokohan.

Magaling, magaling, magaling.

Utang na loob.

Friday, January 19, 2007

INTERESANTENG LECTURE

Kani-kanina lamang, nanood ako ng isang interesanteng lecture tungkol sa naglipanang mga soap opera. Ang inimbitahang magsalita ay si Jose Maria Bartlolome, Head for Program Analysis chenes ng GMA Network, Inc. Layon ko sanang magamit ang nasabing lecture, upang mas may matutuhan ako at mas lumawig ang kaalaman ko ukol sa topic ko sa English Research Paper. (Ang paksa ko kasi ay tungkol sa mga palatuntunang nagpapalaganap ng tsismisan sa mga personalidad sa showbiz.) Bagaman malayo ang naging pagtalakay niya sa mga ninais ko sanang maging kinahantungan n'ung lecture, ayos na rin dahil nakakatuwa naman at may natutuhan rin naman ako. (Pero gaya ng naitanong ng English teacher ko, at ngayo'y itinatanong ko na rin sa sarili ko, "How will you (I) use that in your paper?" At ang sagot: "Ma.")

Ito 'yung ilan sa mga nabanggit n'ung lecturer na ikinatuwa ko (as in ikinangiti, ikinatawa, at pinagmuni-munihan). Mamarapatin kong ibahagi sa inyo:

--------------------------

Ukol sa pangalang "soap opera":
Ito naman ay matagal ko nang alam. Pero para sa kapakanan ng maaaring makabasa nito at hindi alam kung bakit nga ba pinangalanang "Soap Opera" ang mga seryeng 'yun, ito ang dahilan: sa radyo lamang napakikinggan ang mga ganitong serye noong panahon ni kopong-kopong. At ang mga kompanyang gumagawa ng mga sabon at detergent ang kadalasang tumutustos sa mga gastusin ng mga serye. Kumbaga, sila ang nagtataguyod dito, sponsor. Kaya naman, pinangalanang Soap ang mga Operang iyon. (Sa palagay ko naman, medyo hindi na kailangang ipaliwanag kung bakit "Opera". Mygush.)

--------------------------

'Yun daw mga babae (especially nanay) ang madalas na tumangkilik sa mga nasabing palatuntunan. Sila raw kasi 'yung naiiwan sa bahay para mag-alaga ng bata, maglinis ng bahay na dinudumihan ng bata, at maloka dahil sa mga makukulit na bata. Kung bakit soap opera, dahil raw sa kinapagod-pagod ng buong araw, ito na lang 'yung "tanging konsolasyon" nila para guminhawa naman kahit sandali. Kaawaan niyo na, mga masasamang budhi.. At dahil sa tanging konsolasyong naibabahagi ng mga soap sa kanila, naroon ang posibilidad ng pagkagunaw ng tahanan, sakaling marapating pagdamutan ang nanay ng remote control kung oras na ng paborito niyang palatuntunan. Kapag pinagdamutan mo 'yun, sige ka, 'di ka ipagluluto, 'di ka ipaglalaba.. Mawawasak ang kinabukasan mo.. dahil.. hindi mo pinanood ng soap opera ang nanay mo.

--------------------------

Ang ratings raw kagabi ng Asian Garbage ay bumaba, samantalang 'yung ratings ng 'Di Na Sana Maulit Muli ay tumaas. Dahil raw mamamatay (o namatay) na 'yung Jasmine. Akalain mo nga namang ang bayolenteng Robin Padilla (as always) ay makakatabo ng 41% sa ratings n'ung isang gabi?? (DAW) Ewan ko, pero bumaba raw 'yung ratings na 'yun sa 34% at umangat 'yung isa pang kachuvahang serye sa 33%. (Talo pa rin.. DAW) Pero at least, tumaas ang ratings, dahil nga mamamatay na 'yung bida.

Side-comment: Hanggang ngayon ay nasisiraan pa rin ako ng bait sa kachuvahang seryeng 'yun. Akalain mo ba namang mamatay dahil nasagasaan ng bus?!?! BOBA/BOBO talaga.. At nakita ko kamakailan ang patalastas ng mga susunod na pangyayari. 'Yung Travis ay masisiraan at makikita niya pa rin nang makikita 'yung kaluluwa n'ung namatay na Jasmine. HAY, EWAN KO!! Lahat ng babae akala niya 'yung Jasmine na. Komento: 'Di yata't siya ay adik!! [Pasensya na rin pala at wala akong maisulat na entry tungkol sa Asian Garbage. 'Di ko kasi napanood 'yung first episode. Gusto ko sanang panoorin, para malait, pero marami pa akong kailangang gawin na mas mahalaga nang 'di hamak kaysa sa seryeng 'yun. Noon kasing kapanahunan ng unang episode ng 'Di Na Sana Maulit Muli, wala pang masyadong kailangang gawin..]

--------------------------

May nabanggit rin siya ukol sa 'nature' o kalikasan ng telebisyon sa Filipinas (at kahit yata sa buong mundo). Ang sabi niya, ang kalikasan raw ng telebisyon ay entertainment--makapagbigay-aliw. Oo nga naman. Bakit pa naimbento ang telebisyon kung hindi kailangan ng tao ng aliw? Bakit pa kakailanganin ang mga soap opera, talent search, reality show, at tsismis center kung hindi kailangan ng tao ang maaliw? Siguro, kung mawala (o sadyang tanggalin) ang mga ito, magiging primitibo muli ang buhay. Ano kaya ang gagawin ng tao kung wala ang entertainment na magiting na dinadala ng telebisyon sa ating mga bahay-bahay? Kung mawala na ang entertainment at puro channel4, discovery channel, o TV Patrol-24 Oras Channel na lang ang pagpipilian? Ano kaya ang gagawin ng tao? Siguro, mas aangat ang ekonomiya (??), dahil baka sa trabaho ituon ng mga tao ang kanilang pagkabagot. (Hello, may radyo naman.. Pero, kung mapag-isipan mong mabuti, iba pa rin ang audio-visual na medium.. Hmmmmmm..) O 'di naman kaya, baka umangat ang industriya ng mga mental hospital!!

--------------------------

At ito na ang pinaka-quotable at memorable sa lahat (para sa akin)...

May isang nasabi si Sir Jose Maria tungkol sa lengguwahe, at sa pagsisiyasat kung bakit Filipino na ang nagagamit nang mas malawak ngayon, sa halip na Ingles, sa telebisyon. Ang sagot niya, masa na raw kasi ang nanonood ngayon. Kung baga, noon, class AB lang ang may TV, ngayon, DEFGHIJKLMNÑNGOPQRSTUVWXYZ, at kahit anumang titik pa ang gustuhing ipangalan ng mga kachuvahang tagapagtaguyod ng social classes, mayroon na ring TV. Kaya naman, Filipino na ang ginamit, dahil nga masa na ang manonood. Iba pa rin daw ang talab ng media kung wikang katutubo ang gagamitin--'yun nga naman kasi ang nauunawaan. Ang pinaka-nagustuhan kong bahagi ng talakayang ito ukol sa wika ay nang sabihin niyang:

Pinakamalaking kalokohan 'yung ibinabandera ng pamahalaan. Maski saan ka magpunta, wikang katutubo pa rin ang namamayani. Hindi lahat nakakaintindi ng Ingles, kahit gan'un pa ang sinasabi ng gobyerno. Malaking kalokohan ang ipagpilitan 'yung Ingles.

(Parang gan'un.. 'Di ko uli maalala 'yung tiyak na mga salitang ginamit niya.) :)

Gusto ko 'yung katagang "Pinakamalaking Kalokohan". Take note, 'di lang basta kalokohan, 'di lang din malaking kalokohan, kundi PINAKAmalaking kalokohan ng pamahalaan. Kahit naniniwala akong superlative degree ang lahat ng kalokohan (i.e., lahat ng ginagawa) ng gobyerno, ito 'yung isa sa pinaka-kinasisiraan ko ng bait. Akalain mo nga ba naman kasing ibasura ang Filipino?! Samantalang ibida nang ibida ang Ingles (oo, mahalaga ang Ingles dahil sa globalismo achuchuchu, pero bakit kailangang nasa ilalim lamang nito ang Filipino, at bakit hindi paunlarin nang husto ang sarili nating wika)?!** Ano 'yun?! Kaya siguro mabaho at malansa ang Filipinas (lalo na ang d'un sa bandang Mendiola, at sa lahat ng mga Ingles-Inglesang lugar). Kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit malansa, hay, ewan ko, nasayang lang siguro ang katalinuhan ni Jose Rizal kung gayon.

--------------------------

Kahit na hindi ko man magamit ang anumang nasabi niya sa English Paper ko, ayos pa rin. Marami pa rin kasi akong natutuhan, at 'yun ang mahalaga. Haha...

--------------------------

**Recommendation: "Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan" (by Conrado de Quiros)

--------------------------

P.S.: Inilagay ko itong P.S. Sabado na ng hapon. 'Yung tungkol sa paksa ko sa pinagpipitaganang English Argumentative Paper. Papalitan ko na lang raw 'yung main stand/claim, babaguhin nang kaunti, dahil..basta. At ikinatuwa ko naman kaagad, dahil lahat halos ng nasaliksik ko ay medyo hindi akma d'un sa una kong tesis. Kaya, bunsod ng mga pagbabagong gagawin ko, maaari ko na rin sigurong magamit ang lecture na 'to. :)
Bagaman, hindi ko pa rin gaanong alam kung paano ko babaguhin nang kaunti 'yung tesis. :)

Friday, January 12, 2007

ANG POONG NAZARENO

Kamakailan lamang (9 Enero 2007) ay namalas na naman ng buong Filipinas--at ng buong mundo--ang kapistahan ng Señor Nazareno sa Quiapo, na dinudumog ng santinakpang mga deboto. Napuno na naman ang Quiapo ng mga deboto at ang lugar ay literal na hindi mahulugang karayom. Kapag naghulog ka ng karayom, siguradong makatutusok ka ng tao; hindi lamang ito babagsak sa lupa nang walang natutusok. Wala na kasi talagang espasyo sa pagitan ng mga tao. Tipo bang para kayong magkakamag-anak lahat dahil hindi na kayo nagsawa sa pagbebeso-beso. Dagat na talaga ng tao ang makikita mo, katulad siguro ng nakita n'ung deboto (na siyang nagpagawa ng karo ngayong taon) sa panaginip niya.

Nakaranas na akong makipista sa Quiapo, pero hindi ako nangahas na makisama sa prusisyon dahil masyado pa akong bata noon, siyam na taong gulang lang yata ako, kaya naroon lang kami ng mga magulang ko sa lugar na medyo malayo na rin sa ruta ng prusisyon. Hindi talaga normal ang dami ng tao; sa gayong karaming tao, puwedeng-puwede ka nang magpatalsik ng presidente. Daang libo yata ang nagpupunta doon tuwing kapistahan. Kapag papalapit na ang Nazareno at ang dagat ng mga deboto, tulad ng nararanasan ng nanay ko noong sa may Quiapo siya nagtatrabaho, mararamdaman ang pagdagundong ng lupa. Tila ba higante ang paparating. Kung tutuusin, higante nga naman. Saan ka pa ba nakakita ng Poon na gayon karami ang deboto?

Deboto ng Nazareno ang tatay ko.
Sabi niya, sa Nazareno raw niya ako ipinagdasal, at nang magdasal siya, ilang taon lang yata ang nakalipas ay naipanganak na nga ako. Mula noon, naging deboto na siya ng Nazareno, tuwing Biyernes nagsisimba sa Quiapo, at halos taon-taong nakikipista sa Quiapo. Nang maikuwento ko nga ito sa mga kaibigan kong BrenDa, natuwa sila ng lubos at baka raw sa Nazareno ko nakuha ang kulay ko. (Excuse me, samantala, puro silang mga Chinese kaya ganoon ang kulay nila no! :) Samantalang ako, 25 porsiyento lang ang dugong Intsik, kaya siguro 'di ko namana ang kulay ng Tsina!)

Katulad sa kuwento ng tatay ko ang kuwento ng halos lahat ng deboto ng Poon. Hindi ko naman nilalabanan o kinaiinisan ang ganitong kuwento, dahil kung hindi nagdasal ang tatay ko sa Nazareno ay baka nga hindi ako naipanganak. Naniniwala rin naman ako sa mga himala, at hindi ako sumasang-ayon kay Ate Guy. "May Himala! Ang Himala ay nasa puso ng tao!!"

Pero naman, bakit pa nga ba kailangan ng konkretong himala para maging relihiyoso at tumuloy-tuloy ang pananampalataya sa Diyos? Bakit ba kulang tayo sa paniniwala at pagtitiwala sa Maykapal? Bakit kailangang ispesipikong hiling ang mabigyang katuparan at saka mananampalataya nang lubos? Hindi pa ba sapat para sa atin, upang manampalataya, ang pagkabuhay natin nang matiwasay sa araw-araw?

Siguro nga, kahit na Panginoon na ang pinag-uusapan, hindi pa rin maiaalis sa ating mga sarili, bilang tao, ang maging makasarili. Kailangang mapasaya muna tayo ng iba, bago tayo maniniwala sa kanila. Kung baga, kailangan ng kapalit ang lahat, at pagdating nga siguro sa Diyos, hindi na natin napapansin ang mga biyaya sa araw-araw bilang kapalit
; ordinaryo na nga naman kasi kung ituring ang mga ganoong biyaya. Ang napapansin natin ay iyong mga bagay-bagay na konkreto, kakaiba: mga hiling natin.

Katulad nga ng nabasa ko sa Ang Paboritong Libro ni Hudas ni Bob Ong kagabi,


Hindi pa ba sapat ang pagkumpuni ng iyong katawan sa kanyang sarili tuwing napipilayan o nasusugatan ka?

(Parang gan'un, 'di ko maalala ang tiyak na mga salita) :)

At kung, sakali mang hindi mapagbigyan ang ating mga hiling, at kung sakali mang makaranas tayo ng pagsubok na tila higit sa kaya nating dalhin, alam na natin kaagad kung kanino ibubunton ang sisi. Ayaw kasi natin na nahihirapan tayo; gusto natin, lagi tayong bida. Laging napagbibigyan, hindi natatanggihan. Kung hindi, alam mo na ang ginagawa ng batang nagta-tantrums.

Siguro, napagbigyan ng Nazareno
ang mga hiling ng mga deboto. Pero kung hindi, baka naitakwil na nila ang kabuuan ng simbahan. Kung pumanig sila sa Satanistang mga grupo, at sakaling nangyari ang gusto nilang mangyari, baka si Satanas ang pinag-aalayan nila ng pista ngayon. Maaaring masabing ito'y pagmamalabis, pero... palagay mo? Anu't-ano pa man, masayang isipin na lang na ito'y produkto ng likas na pananampalataya ng mga Filipino. Pero katulad ng mga nasabi ko kanina, tila sa palagay ko ay walang taong likas ang pananampalataya. At itatanong kong muli: Ano sa palagay mo?

Isa pang imahe ang naipinta sa isip ko nang makita ko sa mga pahayagan ang Señor Nazareno. Naalala ko 'yung imahe sa Exodus, ikalawang libro sa Bibliya. 'Yung parte noong kinukuha ni Moises ang sampung utos. Samantalang iyong mga pinaghihintay niya sa ibaba ay nagsisisamba na sa nilikha nilang gintong guya. Naisip ko lang, 'di kaya magkatulad ang mga ito? Tanong: Palagay mo?

Ewan ko. Malay ko. Startalk.

Wednesday, January 10, 2007

ANG BAGONG SERYE

Hay, ito ang magiging kauna-unahang blog entry ko ever!!! :) At marahil, malas nga lamang ang napili kong gawing paksa ng kauna-unahan kong entry...

Kagabi (8 Enero 2007), habang ako ay taimtim na nagbabasa ng mga takda para sa eskwela, ay sabay rin naman akong maluwalhating nanunuod ng telebisyon. Samantalang ligayang-ligaya ako sa katatawanang dala ng H3O sa QTV, ganoon din naman ang kasayahan ko sa pinagpipitaganang bagong serye ng dos.. Ano pa nga ba kundi ang kachuvahang Sana Maulit Muli..

Sa una pa lang, as in trailer pa lang, nadismaya na ako sa mahihiwatigang depektibong pag-arte ng mga piniling gumanap sa nasabing serye. Habang ang iba ay maaaring matuwa ng lubusan, ako hindi. At habang pinanood ko nga ang unang sabak nito sa Primetime, marami sa aking mga haka-haka ang napatunayan.

Kainis talaga.

Una, noong mga bata pa ang mga bida, pumuslit sila sa isang barko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan dahil nagpalipat-lipat ako ng channel. Pero kung anuman iyon, sukat raw bang nagtatatakbo 'yung isang bata sa ibabaw ng barko nang hindi nakikita? Napaka-realistiko naman 'di ba? At ang dami-dami pang trabahador na nagkakarga ng mga dadalihin n'ung barko. Kamusta naman?

Actually, napansin pala 'yung bata, noong hindi pa nakatutuntong ng barko. Pinaalis at haharang-harang daw. Pero n'ung nakasampa na sa barko, 'di na pinansin. Gaya ng nasabi ko, kamusta naman?

Sabi nga lang siguro ni direk.

At tuluyan na ngang nakapuslit ang bata.

Habang ako'y ligalig na ligalig sa namalas kong ubod sa realistikong eksena ay naglipat-lipat muli ako ng channel. At pagbalik ko nga'y nagsimula na naman. Sa wakas, nakarating na sa paroroonan ang dalawang bata (mayroon palang chuvang isa pa na nagtatago rin sa barko). At naghiwalay sila, 'di ko alam kung inampon o kung anuman, at doon na nagsimula ang masalimuot at orihinal na istorya.

Maya-maya lamang, natunghayan ang dalawang batang babae na wiling-wili sa paglalaro ng tsaa-tsaahan. At naikuwento n'ung isa 'yung karanasan sa barko echuvachenes. Siguro nainggit 'yung isa at nakaisip ng maitim na balak. At iyon, sa huli, ay ang magpanggap bilang 'yung batang babaeng isa. ('Yun pala, sumusulat 'yung nakapunta sa Amerika pero hindi na ipinaaabot sa kamay n'ung isang bata na naging katulong na lang).

Hay ewan, basta medyo magulo.

Sabi nga kasi ni direk.

Masasaksihan ang pang-aapi n'ung karakter ni Glydel Mercado sa mga karakter nina Mickey Ferriols at ng kanayang anak na ginampanan n'ung Kim Chiu. Muli, napaka-orihinal ng mga eksenang sa tuwing wala ang asawa n'ung mahaderang donya ay sisigaw-sigawan na lamang 'yung mga longkatuts. Pero, at malaking pero, kapag nariyan na ang pagmumukha ng asawa n'ung mahaders ay bigla-biglang naaambunan ng kagandahang-asal.

Scriptwriter naman ang may sabi.

Kalaunan, bumalik ang kachuvahang karakter na ginampanan n'ung Gerald Anderson sa Pilipinas (sana nga siguro hindi na bumalik, para wala nang istorya 'di ba?). At, nagpanggap na nga 'yung karakter n'ung Erich Gonzales na siya 'yung nakasama niyang pumuslit sa barko.

Para tapusin na ang mga detalye, bandang huli ay nagsilamon ang mga bagong dating na 'kano-'kanoan sa bahay ng mahaders. Sa kabilang banda, nagkukulong ang mga longkatuts sa kusina, naghahanda ng ipalalamon sa mga 'kano-'kanoan. At nang ipalabas na ng nanay longkatuts kay anak longkatuts ang 'fruit salad' ay..

(Nasambit ko na ilang segundo bago mangyari)

Umatake ang kabobahan ni anak longkatutay at natapon ang ubod ng labnaw na fruit salad sa 'kano-'kanoang lalaki (Gerald). Ang kalabnawan ng naturang salad ay para lamang sa pinaghalo-halong gatas, 'yung tipo na sasadyaing itapon kaya huwag nang ayusin ang pagkakagawa. Kung hindi iyon natapon, malamang ibinuhos n'ung mahaders 'yun sa dalawang longkatutay dahil nga sa labnaw.

Realistiko muli.

At lalong nag-init ang ulunan ko sa eksena ng banggaan na siyempre'y sinundan ng slow-motioned na pagtititigan n'ung nagkabanggaan. Sana nga siguro, itak na lang na nakaduro 'yung dala n'ung katulong para nasaksak na 'yung isa, tapos bibitayin siya n'ung dati niyang kalaro, at magkakagulo-gulo na, magkakamatayan at matatapos! YEHEYY!


Ewan ko ba, siguro dito pumapasok 'yung kainisang dala ng mga ubod ng lumang ideya (katulad nga ng sabi ng Filipino teacher ko). Para bang basta na lamang makagawa ng eksenang magtititigan sila habang naka-slow-motion ang lahat at kilig na kilig ang mga punyemas na fans.

Sabi kasi siguro ni direk.

Hay ewan, sana hindi na ito maulit muli. At para mangyari iyon, malamang hindi na ako manonood muli... ahahahaha...