Tuesday, May 31, 2011

ENGLISH

Because I'm bored, I am going to write in English. The first in the history of kaeklatan. HAHAHA.




It's been a while since I last updated this blog. A lot of things have happened since the elections, the last topic I wrote about. It's been over a year, and the country still awaits to see the concrete, drastic changes that the winning party committed to the general voting populace. Could be the incompetence now being brought to the fore sans (SANS HAHAHA) the dreamy, emotion-filled atmosphere of the 2010 elections when the entire nation raised hopes--to unprecedented and probably dangerous levels--that drastic change will come after a decade of Arroyo rule. Confidence ratings have since plummeted with the apparent lack of action of the seated government regarding pressing issues which it promised to solve in the much-spent-for campaigns. Q1 economic data shows that the economy is slowing down from last year's extraordinary growth levels, possibly indicating decline in investor confidence which soared really high upon assumption of power of the current government. Some analysts are pointing out that the economic slowdown is not critical, and to a certain extent, to be expected given the circumstances of the previous months. Hopefully so. And hopefully, economic upliftment will reach and be felt not only analysts and high-profile investors or even relatively-educated market participants, but more importantly the majority of the country who do not understand those talks about GDP rates and these numbers and percentages that we like to boast about.



Contrary to that previous paragraph, I did not intend this entry to become yet another exposition of a commoner's thoughts on the public sphere.




Yet really, there was not a point when I first opened a notepad document to type away my boredom at the office. Good thing blogger.com is not blocked in my access. It was just that: to type away boredom and possibly whisk away today's stagnation, as efforts to relieve boredom on previous weeks (e.g., inquirer.net HAHAHA, email threads with friends, etc) are proving to become more and more ineffective and desensitizing.




Young and new as I may be in the corporate world, I am starting to think about this capitalist enclosing. Slowly I am starting to feel that the 8:30AM to 5:30PM hodgepodge of excel files, emails, meetings, bosses, more emails, more meetings, etc is becoming more and more a prison cell that Queen declares to be free from someday, Lord! Not to give the impression that I'm stressed out due to very heavy workload. Quite the opposite: I am stressed out because most of the time, I am not doing anything but wait for emails, refresh news sites, and stare at my workstation pretending to look busy (or at least to look like I'm doing something--and writing this surely does the trick hahaha). On occasion, there are meetings, instructions from bosses, and other work-related things, but they come so sparsely that I strongly feel that my mind is surely stagnating. My department talks of a lot of revamping/restrategizing plans, to which I know that I am supposed to do a lot about, but am doing practically nothing. Have I become so incompetent and so stagnated, or even so unmotivated as to not know/not do what to do?




Probably it's the lack of motivation, given that I was thrown into a place that I did not at all envision myself doing/entering. Remnants of bitterness with the lack of bargaining power as to the final assignment after training are probably still present and looming. When then shall I begin recovery and reactivation when I thought to have accepted the turn of events months ago? Songs and literature have been written: we can't always get what we want. But until how long shall I become bound to things I do not want and begin proactively shaping my own life towards what I envisioned, hoped for, dreamed about?




There is technically an answer: 3 years. HAHA or around the vicinity of 138 weeks from the time of this writing. At least for this chapter. But the existential (weh hahaha) questions remain: shall I really begin crawling towards the dream after this 3-year chapter? Or shall this capitalist enclosure soften and dampen my spirits so much as to just want to be confined in its routinary, largely predictable rhythm providing financial gains in regular intervals?




Or the most fundamental questions relevant to this pondering: what exactly is the dream that I hope to move towards? How dare I ask myself when I shall move towards the goal when admittedly, the goal is not clear and defined as yet. But the Philippine Daily Inquirer says: Dare to Ask. HAHAHA.





I probably will have no other course of action really than to follow the preaching of Tambalang Balasubas at Balahura, "to take each day at a time." To live each moment as it comes. Muhammad Ali supposedly said to not count the days but make the days count. But I think I need to hold on to the weekly countdown--presently at 138 and still counting hahahaha.




Tamabalan would ask, why worry about the future when you may not reach tomorrow anymore? Hahahaha. True enough, the certainty of a "future" is not really there.




Really, I just hope to do things I want to do, even while being in this rather alienating condition of the corporate world. If alienation and self-discovery can be done at the same time.




We can only hope and pray.

Tuesday, May 11, 2010

ELEKSIYON 2010

Higit isang taon na yata mula nang huli akong bumisita rito para maglagak ng kung anong nilalaman ng puso't isipan. Bunsod ng katamaran, at kung anu-ano pang dahilan, hindi na ako muling nakabalik at tila naabandona ang mumunting espasyong ito.

Ngayon, isang pagtatangkang buhayin muli ang patay. Haha.

Kalilipas lamang ng isang napakahalagang araw sa kasaysayan ng iniirog kong bansa, ang pinanabikan con todong Halalan 2010. Ito ang tiningala bilang ang araw kung kailan magsisimula ang pagbabago, dala na rin ng walang katapusang pagkamuhi sa kahit na anong ikilos ng papatapos na rehimeng Arroyo. Sabi ng nakararami, malaki ang bahaging gagampanan ng araw na ito (10 May 2010), sa pagbuhay sa bansa at sa partisipasyong demokratikong inaakala nating matagal nang namayapa. Heto diumano ang unang araw ng panibagong yugto, matapos ang halos isang dekadang pamumunong Arroyo. Tunay nga, elementarya pa ako siya na 'yan. Tapos na ako sa kolehiyo, siya pa rin. Ngayon, magbabago na. Ngayon, maiiba na. Daw.

So hayun na nga, mega go to register noon pang Mayo 2009. Todo pananaliksik sa mga kandidato, attend ng forum dito, nood ng debate diyan. Tila nabuhay ang bahaging politikal na minsan-minsan lang nating nakakapiling (mga isang beses sa tatlong taon). Napakaraming kaibigan ang tunay na nag-isip, nagdili-dili, nagmuni-muni, at pumili ng kani-kaniyang kandidatong susuportahan.

Marahil, dahil na rin sa hype ng lahat, ito na ang panahon kung kailan ako nakaramdam ng pinakamatinding libog politikal. Dati-rati naman, nakiki-salimpusa na ako sa mga quick count operations at sa pagtatangkang panatilihin ang animong kabanalan ng boto at balota. Naging semi-partisan na rin ako noong 2007, pero ngayon, naging partisan much ako nang piliing suportahan ang isang kandidato pagka-Pangulo.

Pero parang ang point lang naman talaga ng entry na ito ay isiwalat ang mga ninais kong maluklok--ang laman ng iisang balotang may numerong 745 something something...(nakalimutan ko na rin hahaha), na ipinagpipilitan ng iba na dapat itago at gawing pribado via the ballot secrecy folders na muntik nang magkahalagang higit PhP300.00 ang isa. Kanina pagboto ko, parang binili na lang sa palengke 'yung folders. Keri lang, keber naman ang folders na 'yan. Hahaha.

So ito na nga:

Pangulo:
1. Teodoro, Gilberto, Jr.

Pangalawang Pangulo:
1. Binay, Jejomar C.

Mga Senador:
1. Bautista, Martin D.
2. Bello, Silvestre III H.
3. Biazon, Rozzano Rufino B.
4. Cayetano, Pilar Juliana S.
5. Defensor-Santiago, Miriam P.
6. Enrile, Juan Ponce
7. Hontiveros-Baraquel, Ana Risa
8. Lacson, Alexander L.
9. Lambino, Raul L.
10. Marcos, Ferdinand Jr. R.
11. Roco, Sonia M.
12. Tamano, Adel A.

Party-List Group:
1. Trade Union Congress of the Philippines

Kinatawan ng Distrito:
1. Cabochan, Carlos V.

Alkalde:
1. ABSTAIN

Bise-Alkalde:
1. Vallega, Cherry S.

Mga Konsehal:
1. Abelardo, Alvin E.
2-6. ABSTAIN

So ayun. Sila ang pinaniwalaan kong magdadala ng "pagbabagong" parang kating-kati tayong makamtan ngayong taon. Alam kong may kani-kaniya tayong manok, pero aaminin kong dismayado ako sa naipakikitang partial results ngayon sa TV c/o the first ever automated election counting sa bansa. Pero gulantang rin naman ako sa bilis ng resulta. Haha.

Dismayado ako sa politikang lokal ng Caloocan. Wala kaming choice. Echiverri-Erice vs. team-up ng matagal nang magkaribal na Asistio-Malonzo. At wala akong nakitang may promesa sa mga tumakbong konsehal; para bagang basta magkaroon lang ng posisyon, makatakbo lang ba sa eleksiyon.

Dismayado ako dahil kahit nag-abstain ako sa mayoralty race, dahil wala naman yata talagang deserving sa Echiverri-Asistio feud, may mananalo at mananalo. Malamang si Echiverri 'yun.

Dismayado ako dahil parang hindi man lang pumapasok sa partial counts 'yung nag-iisang city council candidate na nakitaan ko ng malinaw na direksiyon at may nais talagang gawin para sa siyudad. Hindi siya mananalo.

Dismayado ako dahil 'yung congressional candidate ko, nasa likuran din ng karera. Nangunguna ang incumbent na kahit may mga nagawa namang iilan para sa ikabubuti ng distrito, ang claim-to-fame ay ang pagpirma sa HR1109, at pakikipag-giyera kay Vicki Belo ukol sa liposuction.

Dismayado ako dahil iilan sa mga pinaniwalaan kong Senador ang pumapasok. Aapat (Cayetano, Defensor-Santiago, Enrile, at Marcos) lang ang kasali sa Magic 12 as of press time. 'Yung mga talagang gusto ko (Hontiveros-Baraquel, M. Bautista) ay nasa likod-likod. Sabit si Hontiveros; nawawala si Bautista, kagaya ng pagkawala nina Bello, Lambino, Lacson, at Tamano.

Dismayado ako dahil imbes na itong mga taong ito ang pumapasok, nananatiling pasok sa senatorial race ang mga tulad nina Revilla at Lapid.

Dismayado akong nasa ikalawang puwesto si Estrada sa karera pagka-Pangulo as of press time. Dismayado talaga ako. PARANG, ANO BA. ANO BA NAMAN. ANO BA TALAGAAAA.

Dismayado akong si Aquino ang nangunguna. Dismayado akong parang puro simpatiya na lang ang umiiral. Dismayado ako dahil hindi naman talaga siya dapat tatakbo, pero sa isang iglap, nadedo ang ina, at napakarami raw ang nagmakaawang tumakbo siya sa para pamunuan ang bansang ito. Dismayado ako dahil wala pa siyang naipapakitang konkreto, na wala siyang maisagot sa mga kritiko, na parang siya na lang lagi ang banal at tama--na kung sa kampo nila manggagaling ang kritisismo ay lagi nang tama, at kung sila naman ang babatuhin ng kritisismo ay kaagad na "black propaganda." Dismayado akong mas may naisakonkreto pa si Lapid sa kanya sa Senado. Dismayado ako dahil hindi ko lubos maisip kung paano niyang nakuha ang loob ng samabayanan, kung bakit may mahika pa rin ang kanyang pangalan. Dismayado ako dahil hanggang ngayon, hindi ko makalkula kung hanggang saan sa kanya ang purong "kabanalan" at "pagtulong sa bayan" at kung hanggang saan naman ang kahayukan sa kapangyarihan at personal na interes.

Dismayado akong nasa likuran din si Teodoro. Siya ang pinaka-idolo ko sa eleksiyong ito, at siya ang nagbigay-inspirasyon sa akin na kaya pa nating baguhin ang mukha ng politika. Na may kandidato pang may galing at talino, may malinaw na direksiyon, at may kayang ibahaging inspirasyon nang hindi naninira ng iba. Naniniwala akong panahon na ngayon, na mismong ngayon dapat ang simula ng pagbabago katulad ng sinasabi ng lahat ng hype na ito, at hindi na dapat pang ipagpaliban. Dismayado akong mukhang pinalalampas natin si Teodoro.

Dismayado akong parang wala naman palang bearing 'yung mga kampanya at media hype. Akala ko ba "ako mismo," "ako ang simula," "may magagawa tayo?" Sa nakikita ko (maaaring limitado nga ang aking abot-tanaw rito pero) parang wala/hindi naman pala.

Dismayado akong demokrasya ito, na ganito umaarangkada ang demokrasya rito. Oo, dismayado akong iisa lang ang aking boto. Sana puwedeng dalawa, o isanlibo. Hahaha.

Dismayado akong kakailanganin kong tanggapin ang magiging resulta bukas-makalawa. Na kakailanganin kong patakbuhin ang susunod na tatlo hanggang anim na taon ng buhay ko sa ilalim ng pamumuno ng mga piniling ito ng iba, ng mga opisyal na malamang hindi ko naman gusto.

Paano ngayon ang sinasabing "kung hindi ka bumoto, wala kang karapatang magreklamo?" E kung bumoto, pero hindi nanalo ang mga ibinoto, magkakaroon na ba bigla ng karapatan para magreklamo?

Hindi ko alam. Pero gaya nga ng nasabi na, kakailanganin nating lahat na mamuhay sa piniling ito ng iba. Ginusto natin ng demokrasya, o ayan at pagsalu-saluhan natin. Iba't iba nga marahil tayo ng pinanggagalingan; kung minsan masaklap, pero naa-aggregate ang mga interes nating lahat as in LAHAT sa bawat eleksiyong ating dinadaanan. At kung minsan, ang agregasyong ito ay hindi nagiging kanais-nais, at nakadidismaya para sa iba.

Sa huli, mukhang kailanga't kailangang galangin ang kahihinatnan ng pinakabagong agregasyong ito ng ating lipunan. Kung nariyan na ang mga ibinoto ng taumbayan, wala na tayong magagawa kundi maging mabuting mamamayan. At ang paggalang at pagiging mabuting mamamayang ito ay hindi lamang yata nagtatapos sa bulag na pagtanggap ng resulta ng halalan, kundi sa lalong pakikisangkot para sa mga pinaniniwalaang tila nabura at naisantabi ng mga naipanalo ng halalan.

Kumbaga, kung pinaniniwalaan natin ang mga bagay na pinaninindigan ng ating mga kandidato, pero hindi sila mananalo, baka 'yun ang isang biglang-bukas na daan tungo sa lalong aktibong partisipasyong demokratiko bilang mamamayan--ang manatiling nakapanig sa mga halagang nakikitang dapat panindigan, bagaman sa ibang (maaaring mas mahirap na) paraan kaysa kung nailuklok nga sa pampublikong opisina ang kandidatong sinuportahan.

Marahil, ibang-iba nga lang talaga ang inasahan ko sa halalang ito, na nagbubunsod ng pagkadismaya. Pero siguro magandang daan ito para lalong maging mapagmatyag at aktibong mamamayan, (paunti-unti ma'y) tungo pa rin sa mga halagang dating pinaniwalaan. Higit pa rito, ang lalong aktibong partisipasyon para ibiting patiwarik, itali, hawakan sa leeg (a la the Jamby Madrigal commercials) ang mga mananalong ito--mula sa pangulong 'yan hanggang sa mga konsehal na 'yan--para tuparin at totohanin ang mga lumilipad na pangako at platapormang mapangahas nilang inilatag sa kanilang kampanya.

Aantabayanan pa rin natin ang opisyal na resulta ng halalan, na maaaring lumabas na sa mga susunod na araw. Ang bilis nga ng automated. Iba na ngayon! (ang sistema ng pagbibilang, pero luma pa rin ang hitsura ng resulta)

Friday, February 20, 2009

MESSAGE SENDING...

LAGI kang mali magdesisyon. Minsan/madalas, maganda ang kinahihinatnan. Masaya, mahiwaga. ‘Sus, tsamba. Kung babalikan kasi, kung susuriin kasi, mali sa kahit na anong aspeto.

Ngayon ang panahon kung kailan sinasampal ka ng (mga) mali mong desisyon. Pag-iinarte marahil ang dating sa iba, pero kasi sila. E lalong kasi ikaw. Matagal kang nanatili sa abot tanaw kung saan hindi ito ang dapat. Hindi mo kailanman inamin sa sarili mo na nilamon ka rin pala ng ganitong paniniwala. Lagi mong iniisip na hindi, dapat hindi ka gan’un tumingin sa mga bagay. Pero sa katotohanan, dahil sa lahat ng uri ng konteksto, nasalaksak sa utak mo ang “dapat” kahit hindi mo ito (gustong) pinaniwalaan.

Naniwala ka pa na sa lahat ng panahon, bibiyayaan ang pagmamahal mo. Nanalig kang kung mamahalin mo ang isang bagay, susunod ang lahat sa kaayusang animong itinakda. Pero ito, minahal mo naman. Pinili mo pa nga ito kaysa d’un sa isa pa, kaya malamang basura na rin ‘yung isa pa dahil kinalimutan mo ‘yun para dito. Sa pagmamahal na kahit papaano’y sigurado kang inialay mo, ano’ng nangyari?

Mas masaklap, alam mo kasi kung saan ka nagkamali, kung saan ka nagkulang. Pero hindi mo rin naman alam kung saan ka nagkamali at nagkulang sa mismong sitwasyong ‘yun. Hindi mo alam kung may merong itinago ang kawalan ng pinaggagagawa mo. O kung ‘yung “wala” na ‘yun na ang buong meron sa’yo. Baka ikinulong mo lang pala ang pagmamahal na ito bilang isang galaw palabas na sa dulo’y babalik sa sarili. E litsugas, ang hirap namang makipagtunggalian at may mapanghawakan sa lunang saklaw ng “baka” at ng mga walang hanggang tanong.

Pag-iinarte, pero siguro naman meron ka pa ring karapatan. Mamatay ka magdamag, pero dapat bukas buhay ka na uli. Hmm, baka hindi.

Sana na lang, sa kawalang ito, may masulyapan kang meron. Sa pagdanas mo sa kawalang ito, sana matuto kang makita ang mga bagay-bagay sa ibang pananaw.

Makailang-libong beses ko na sigurong ninais iparating sa’yo ‘to. Pero dahil lagi kang nakakatsamba, hindi mo pinapansin. Pupusta ako, malamang sa hinaharap, kalilimutan mo lang ang tanong na ito, kalilimutan ang mumunting pagsulyap sa absurdo, at babalik lamang sa normal na siklo ng pang-araw-araw na pagkabahala. Malamang tsatsambahin ka uli. Kaya pupusta ako na sa pagkakataong ito, message sending failed na naman ito.

Dahil dito, magsimula ka nang kabahan at pag-isipan kung magsisisi ka na ba sa mga desisyong kagagawa mo lang, at simulan mo nang tingnan kung pagsisisihan mo rin sa parehong paraan ang mga desisyong gagawin mo pa lang. Ikaw na rin ang bahalang mag-isip kung magmamahal ka pa rin o ano.

Pero para sumaya ka kahit kaunti, ihahandog ko na lang sa’yo ang awiting ito. Maaaring hindi lahat ng binanggit dito akma, pero sabay na lang nating ialay ito kay Binibining Kimberly Sue Yap Chiu:

Silvertoes
Parokya ni Edgar

‘Wag ka nang mag-alala
Hinding-hindi ako inlab sayo
Bakit ba pakiramdam mo pa yata
Lahat kami ay naaakit mo

Miss, miss, pakitigil lang please
Ang iyong pagpapantasya
Hindi ka na nakakatuwa
Ipapagulpi na kita sa gwardyang may batuta
Aaaaaa...yay yay yah.......

Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ka ganyan
Ang feeling mo ay sabik sa iyo ang lahat nang kalalakihan
Sorry, pagpasensyahan mo na
Mali talaga ang iyong inaakala
Lahat kami ay nandidiri sa iyo
Ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento

Chorus:
‘Di kami na-tuturn on sa kutis mong kulay champurado
‘Di kami naaakit sa labi mong garabucho
O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka 'pinanganak
‘Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama
Siguro nga naman ay may mga mas pangit pa sayo
Pero at least hindi sila nagpapakyut katulad mo
Nakaka-bad-trip ka, nakakairita tuwing kita'y nakikita
‘Di ko alam ba't ang laki ng ulo mo
Mag-ingat-ingat ka, baka ikaw ay sagasaan ko

Refrain:
‘Di kami na-tu-turn-on sa kutis mong kulay champurado
‘Di kami naaakit sa labi mong garabucho
O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka 'pinanganak
‘Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama

O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka 'pinanganak
‘Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama
Aaaaaa...yay yay.....

[emphasis supplied for dramatic and personal expression]

Wednesday, December 31, 2008

SA PAGTATAPOS

Dahil goodbye 2008 at happy new year na maya-maya, ating balikan ang mga naganap sa nagdaang taon ng aking buhay. Hahaha.

Where did you begin 2008?
Sa bahay, nanonood ng new year countdown ng hindi ko na maalalang channel. Tapos palabas-labas dahil mega nakikinood sa mga paputok ng mga kapitbahay.

What was your status by Valentine's day of 2008?
Hindi naman nag-iiba ang status forever.

Did you have to go to the hospital?
Oo, sa Jose Reyes Memorial Medical Center. Hahaha. Mega patingin ng atopic dermatitis, mga Pebrero hanggang Abril. Itinigil ko rin dahil sa kawalan ng oras at resulta. Hahaha.

Did you have any encounters with the police?
Wala naman.

What did you purchase over $500?
Laftaf. :D Hahaha.

Did you know anybody who got married?
Hmm, wala yata. Nabuntis marami. Haha.

Did you know anybody who passed away?
Hmm, Marky Cielo. Didith Reyes. Saka ‘yung tatay ni Gabby Concepcion. Ay pati pala si Manong Gilbert Perez.

What sporting events did you attend?
Isang beses, UAAP AdMU vs. DLSU Round 1 Game 1. Hahaha panalo! :D

What concerts/shows did you go to?
Hmm, wala?

Where do you live now?
Caloocan forever and ever.

Describe your birthday.
Waley. Haha. Normal lang, masaya naman.

What's the one thing you thought you would never do but did?
Wala naman yata.

Any new additions to your family?
Mga pamangkin. Haha.

What was your best month?
Hmm, Disyembre. Saka Nobyembre. Haha.

Who was your best drinking buddy?
Hindi ako lumalagok. Haha.
Made new friends?
Marami. Haha.

Any regrets?
Wala naman yata.

What do you want to change in 2009?
Hmm, sana mas magulo pero mas masaya ang mga kaguluhan. Hahaha.

Overall, how would you rate this year?
Magulo pero MASAYA. Hahaha. Hitik sa kung anu-anong pangyayari.

Have any life changes in 2008?
Oo.

Get a new job?
Hahaha oo! Mega encode.

How old did you turn this year?
Labinsiyam.

Did anything embarrassing?
Marami. Hahaha SHOES.

Get married or divorced?
WUT?

Be honest - did you watch American Idol?
Nadadamay ako sa panonood ng nanay at kapatid.

Start a new hobby?
Mag-bobo talk. WAHAHA.

Are you happy to see 2008 go?

Mami-miss ko ang 2008, pero masaya ako na matatapos ito nang maligaya. May bahagi man sa katauhan kong ayaw pakawalan ang 2008, hindi naman puwede. Move on lang forever, pero mananatiling akin ang lahat ng alaalang iiwan nito.

Drank Starbucks in 2008?
Oo. Haha.

Been naughty or nice?
Pareho. Haha.

What are you wishing for in 2009?

Done something you've regretted?
Wala nga.

Lost someone?
Wala naman.

Cut class?
Oo haha. Maraming beses kay Kang, dahil mega tinatapos ang Marketing paper.

Was involved in something you'll never forget?
Yuh. :D

Cooked a gross meal?
Hanggang pancit canton lang ang niluluto ko, at awa ng Diyos hindi naman nababalahura. Hahaha.

Lost something important to you?
A-Shop Payong na naiwan sa bus ng LS Field Trip.

Got a gift you adore?
Ofkorz.

Tripped over a coffee table?
Hindi naman. Haha.

Dyed your hair?
Ayokong magkulay. Haha.

Came close to losing your life?
‘Di naman.

Went to a party?
Oo. Hahaha.

Read a great book?
Wala. Haha. Hindi palabasa.

2008: FRIENDS AND ENEMIES

Did you meet any new friends this year?
Maraming-marami. :D

Did you dislike anyone?
Hello 1st sem? Hahaha.

Did you grow apart from anyone?
‘Di naman.

Do you have any regrets when it comes to your friendships?
Wala. Masaya eh. Haha.

2008: YOUR BIRTHDAY

Did you have a cake?

Yuh, gawa ng aking ina. Hahaha.

Did you get any presents?
Ay wala yata..


2008: ALL ABOUT YOU


Did you change at all this year?
Siyempre.

Did you change your style?
Saan?

Were you in school?
Yuh, buong taon. Mega summer class kasi at kahit n’ung sembreak, mega paaralan.

Did you have a job?
Org trabaho at gainful employment. Hahaha.

Did you drive?
Wiz.

Did anyone close to you give birth?
Oo, mga kapinsanan.

Did you go on any vacations?
Hmm, bakasyon bang maituturing ang Vigjam? Hahaha.

Would you change anything about yourself now?
Yuh, may dapat pa ring baguhin.


2008: WRAP UP

Was 2008 a good year?

Marahil isa na sa mga pinakamasayang taon ng buhay ko (bilang sabi nga ng kaklase ko sa Philo, hanggang 34 lang raw ako!). Napakaraming nangyari, mula sa LS Days na may unang defense in my college life, hanggang sa summer days na may David Lozada, hanggang OrSem, hanggang 3rd year 1st sem na may LAHAT, hanggang xpres, hanggang ngayon, 3rd year 2nd sem na may Adolfo. Haha.

Do you think 2009 will top 2008?
Well sana. :D

Sa iyong nagbabasa (at sa'yo ring hindi nagbabasa hahaha), maraming, maraming salamat sa nagdaang taon ng samu't saring kaechusahan. Hanggang sa susunod! Harapin natin ang 2009...bukas. Hahahaha. :D

HAPPY NEW YEAR! :D

Thursday, September 25, 2008

Dahil ayoko pang mamilosopiya...

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa konsepto ko ng School Spirit sa season na ito. Sa hindi malamang kadahilanan, hindi kasing sidhi ng pakikialam ko sa mga laro (lalo sa mga larong kontra La Salle) ang naging paki ko sa mga laro ngayong taon. Kung ikukumpara sa mga apat o limang live AdMU-DLSU game plus isang live AdMU- UST plus ilang TV games na napanood ko noong nakaraang taon, ngayon, may isang live AdMU-DLSU at isang TV AdMU-DLSU game lang na nagkaroon ako ng interes at lakas na panoorin.

Gaya ng nabanggit, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung natapos lang talaga nang natural ang panahon ko ng pagiging fan. Hindi ko alam kung dahil nabuwisit lang talaga ako doon sa mga dambuhalang standee na matatagpuan pagpasok mo ng Gate 2. Hindi ko alam kung dahil sa Marketing plus OpMan plus Philo plus dalawang Law plus maraming Org Stuff. Hindi ko alam kung wala lang talaga akong oras, o wala lang talaga akong ticket. Hmm, baka nga dahil wala lang talaga akong ticket. Haha.

Lumabo rin kasing bigla 'yung koneksiyon ko dati. (Hello to you? Kamusta ka na? HAHAHA CHOZ.)

Ngayon pa, kung kailan napakalaki ng tsansang makamit ng aming koponan ang kampeonato. Ngayon pa, kung kailan umabot na naman kami ng Finals. Ngayon pa, kung kailan La Salle ang kalaban. Ngayon pa, kung kailan may propesor akong supermega adik sa mga laro at sa kanyang pagiging Atenista. Ngayon pa, kung kailan mega engganyo ang mundo ukol sa mga pangyayari.

Anu't ano pa man, nami-miss ko ang mga araw na hindi magkandaugaga sa pag-uusisa ukol sa mga ticket, ang mga araw na hindi magkandaugaga sa pagch-cheer para sa aming koponan, ang mga araw na suot ko nang buong pagyayabang ang aking asul na t-shirt, ang mga araw na buong pagmamayabang kaming nagkakantiyawan ng mga kaibigan kong napadpad sa berdeng parte ng mundo.

Suot ko pa rin naman sa araw na ito ang paborito kong UAAP Uniform, bagaman may tastas na sa may kanang balikat dahil sa pagsabit sa Bench/ Billboard sa General Admission ng Araneta. Hayup na Bench/ Billboard.

Isang taon na pala.

Well eniwey, dalawang oras bago ang pinakaaabangang sagupaan,

GO ATENEO, ONE BIG FIGHT!

-------
Now back to Penomenolohiya ng Katotohanan ni William Luijpen. Yak.

Wednesday, June 11, 2008

PAGLILIYAB: IKALAWANG BAHAGI

Pagkatapos nga ng umaatikabong digmaang Log kontra TnT, pormal nang nagtapos ang OrSem 2008. Mag-isa kong tinahak ang malayong daan pa-Aurora dahil nakipaglandian yata si Kim (HAHAHAHA, tama 'di ba? Hahaha.) tapos 'yung si Miguel naman na sana makakasabay ko, biglang naglaho. Samantalang binabagtas ang kahabaan ng Katipunan sa ilalim ng maniningning na mga tala, maraming nasasaisip ang nagpupuyos at nagliliyab kong maechos na damdamin.

Noong OrSem ko (dalawang taon na ang nakalilipas, ang tanda ko na! Hahaha.), naipakilala ako sa kulturang Ateneo, sa kalakarang pangkolehiyo, at sa buhay pagkatapos ng masaya at maalwang mga taon sa paaralang sekundarya. Naipakilala rin sa akin ang pangunahing magiging mga kasama't kaibigan ko sa kolehiyo, ang O3 2010. Pinatikim sa akin ang maaaring kahintnan ng apat na taong gugugulin ko sa pamantasan. Siyempre, enjoy con todo ang lolo ninyo, maraming freebie eh. Maya't maya ang pamumudmod ng maraming bagay. Hahahaha. Pero enjoy rin with TnTs, Logs, at blockmates, bagaman hindi naging panahon ang OrSem ko para makilala ko sila nang lubos at maging close ko sila kaagad. Siguro kasalanan ko na rin, dahil medyo ako ang kusang loob na bahagyang lumalayo sa kanila noong una. Kunwari tahimik at mahiyain. Hahaha.

Sa pangkalahatan, masasabi kong ang karanasan ko sa dalawang OrSem ng buhay ko ay naging mga pagkakataon ng pagkatuto at pagkilala sa maraming bagay. Pero mukhang mas marami akong mababanggit ukol sa katatapos na Liyab: OrSem 2008 Pre-Sesquicentennial (ang haba hahaha).


Pagkatuto

Katulad siguro ng kahit na sinong OrSem volunteer na puwede mong tanungin, may mga bagay-bagay na matututuhan mula sa OrSem. Para sa akin, marami:

Pagkatuto...

…na kahit nakakasawa, nakaka-umay, at nakakapagod ang pagnguya sa Salisbury Beef with Brown Sauce and Edible Fungi (muli, more commonly known as Burger Steak), nakaka-miss din pala. Hahaha. Na tipong kahit ‘yun na paulit-ulit, oks lang pala kasi libre naman. Hahahaha.

...na may mga bagay palang hakot kung hakot sa calories (180 ba naman, at ayon sa ilan kong nasangguni, tinalo pa ang isang cup ng kanin), pero puwede na rin kasi may L-Carnitine naman. Mas mabilis mo rin kahit paanong matutunaw ang 180 calories na sanhi rin ng parehong bagay. At puwede na rin kasi libre naman. Hahaha.

...na kaya pala ng sanlibutan na ngumiti lagi sa isa't isa, kahit sa hindi nila kakilala, nang hindi nangangawit ang facial muscles at hindi inaakusahang may tililing o maluwag ang tornilyo.

Iba kasi ang ngitiang nagaganap sa OrSem. Akala mo, masaya lahat ng tao palagi. Akala mo, walang ginagawa na tipong walang kapagurang nadarama ang mga nilalang. Sa SecMob, medyo requirement ito—na kahit mukha ka nang ginahasa sa katatakbo, kailangan forever smile pa rin. Haha.


...na kaya pala ng mga taong maging bukas sa pakikipagkilala sa mga taong hindi nila kilala; na masaya pala ang pakikipagkilala sa mga bagong tao.

Hindi naman maikakailang isang panahon ang OrSem para sa pakikipagkilala sa maraming tao, kaya hindi ito katatakhan. At siyempre, masaya ring makipagkilala sa ibang tao, new friends kumbaga. May mga bago ka nang makakawayan at masasabihan ng mailap na “hi” tuwing babagtasin mo ang College Lane, ang SEC Walk, EdSA Walk, o kahit saan ka man mapunta.


...na may mga pagkakataon palang may pakialam ang lahat sa isa't isa; na kaya pala nating magtulungan sa paghahanap ng mga taong nawawala, mag-alala para sa mga taong dumudugo ang ilong, nahihimatay, nasusugatan, o kung ano pa man.

...na may mga pagkakataon din palang nararamdaman mo nang lubusan na sulit ang lahat ng ibinigay mo, na walang nasayang sa mga pagod mo, na maligaya ka kasi alam mong nagkasilbi ang ginawa mo.

...na mahusay rin pala ang kakayahan kong magpanggap. Haha.

May ilan kasing nagsulat d’un sa GD na message-message na mature daw ako, mabait, matulungin, welcoming, at tahimik. Hahaha. Hindi naman sa purong panlilinlang, pero nangyari lang ang ilan diyan dahil kailangan sa mga sitwasyon. Kailangan kong magmukhang mature, mabait, matulungin, welcoming, at tahimik dahil Log ako. Hindi naman ako puwedeng maglupasay habang OrSem. Hindi rin ako puwedeng magtaray dahil halwer, bakit ka pa nag-Log kung ganoon? Hindi rin ako maaaring mag-ingay con todo dahil bawal kong i-overpower ang TnTs. Minsan lang mangyari sa akin sa tunay na buhay at sa ilalim ng normal na mga sitwasyon ang mga katangiang ‘yan. Hahahahahaha. Choz lang.


Pagkilala

Magtanong ka uli ng volunteers, o kahit Freshies, at pihadong papatunayan nilang maraming makikilala sa karanasang OrSem. Ako rin, maraming nakilala:

Pagkilala...

...sa hindi iilang Log volunteers.

Ang mga Log tao na nakakasalubong sa kung saan-saan sa tatlong araw ng OrSem na nangingitian ako at nangingitian ko. Ang mga karamay namin bilang Log volunteers—pinagtatanungan sa mga panahong lost kami sa rutang daraaanan, pinagtatanungan kung sila ba ang nagnakaw ng mga pagkain at upuan ng block namin, pinagtanungan sa mga pagkakataong may mga bagay kaming kailangang alamin tungkol sa pagiging Log. Ang galing ng LOG. Go LOG. Haha.


...sa iba pang volunteers mula sa iba't ibang komite.

Hindi ko masyadong nakilala pero sila ang mga taong sinangguni ko nang nawalan ako ng nametag, nang naghanap ako ng CR, nang may itinanong ako na kung anuman.


...sa TnTs ng ibang mga block.

Mga taong sagad hanggang kaluluwa rin ang pataguan ng enerhiya; mga taong bigay-todo sa pagsasayaw at paggabay sa Freshies sa kanilang OrSem. Pagbati sa inyong lahat para sa mahusay na pagtatrabaho.


...sa Log heads.

Ang makukulit na mga taong gumabay sa amin at nagpatag ng landas na daraanan namin. Ang mga taong nagsilbi naming mga sanggunian tuwing makakaranas kami ng mga bagay na hindi normal na nararanasan, at tumutulong sa aming resolbahin ang mga bagay na ‘yun. Muli, GO LOG. Haha.


...sa TnTs ng block P7.

Ang walang katulad na TnTs na sina Guido at Franz.

Si Guido, na kahit may hindi kaaya-ayang nararamdaman (sinisipon/inuubo kasi nang medyo may katagalan na), patuloy pa ring ginampanan ang trabahong kailangang gawin; nagtatakbo pa rin, nag-aasikaso, at nagpapabuhay sa Freshies.

Si Franz, na kahit nakararamdam na ng kapaguran dulot na rin ng init ng panahon at dami ng aktibidades, patuloy pa ring sinikap na pangitiin ang Freshies sa pamamagitan ng pagbabato ng jokes. At go lang siya kahit medyo hirap ang Freshies intindihin ‘yung jokes. Hahaha.

Elibs ako sa inyo; litaw na litaw ang dedikasyon at pagmamahal ninyo sa responsibilidad na iniatang inyong mga balikat. Hanep din sa chemistry. Hahaha. Meant to be pa kasi magka-birthday. Haha.


...sa Log partner ko.

Ang walang kaparis na si Trina.

Malamang sa hindi, nasiraan kaming tatlo ng bait kung hindi dumating ang partner ko para tumulong. Hindi matatawaran ang naging pakikibahagi at pakikisangkot ng partner ko sa OrSem na ito. Kung ako lang ang Log, malamang na kukulangin ang pag-inom ng isang buong bote ng Enervon sa isang araw para asikasuhin ang lahat ng pangangailangan ng Freshies. Kinaya ko ang mga araw nang isang kapsula lang ang nilalagok dahil naroon si Trina.


...sa mukha ng samu't saring Freshie.

Mukha lang, dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na opisyal na makipagkilala sa kanila, hahaha, puwera na ang Freshies ko at ilang Freshies nina Kim at Mark sa O2.


...sa Freshies ko. P7!

Iba ang pagka-game ng block na ito. Sa una, may hiyaan factor pa. Pero nang lumaon, nailabas rin ang tinatagong kulo. Testigo ako sa pagiging bonded ng (karamihan sa) block na ito sa loob lamang ng maikling panahon. Hayop pa sa paglalaro ng Mamera, kahit hindi ko napanood. Mamera champions! Haha.


...sa katotohanang may mga bagay na ayaw mong matapos pero kailangang matapos.

Tunay nga, sa pagtatapos ng digmaang makailang-ulit nang nabanggit, may kung ano sa aking ayaw tanggapin ang mga pangyayari. Tila baga ayaw tanggaping ito na ang katapusan. Gusto ko pang magpa-mob nang magpa-mob, pero wala na. Hahaha. Basta ‘yun na ‘yun.


...sa katotohanang ayaw ko pa pala talagang tumanda.

Kasi ayaw kong dumating ang panahong nakaupo na lang ako sa gumegewang na silya (rocking chair wahahahaha), pinagmamasdan ang mga apo kong naglalaro, habang inaalala ang mga masasayang pagkakataon ng buhay ko tulad ng OrSem na ito. Masakit lang kasing isipin na pagdating ng mga panahong ‘yun, wala na akong kakayahan para bumalik sa mga araw na tulad nito; na sa alaala na lang ako puwedeng magbalik. PERO, ayoko rin naming mamatay nang maaga, kaya gusto ko na rin sigurong tumanda. Hahaha.


...sa katotohanang kung gusto, kayang gawin.

Dito ko lubos na nakilala ang katotohanang kung gusto, kaya naman talagang gawin. Hindi naging masakit sa loob kong mamulat bago mag-alas singko araw-araw para makarating sa eskuwelahan nang medyo maaga-aga. Kahit pa forever late ako sa call time, achievement na rin sa aking gumising nang bago mag-alas singko nang hindi nagrereklamo sa kaibuturan ng aking puso. Iba kasi ang mga araw ng OrSem, tipong lagi kang nananabik pumunta ng CovCourts para masaya uli, tipong lagi kang nananabik sa bawat bagong araw dahil nga gusto mong gawin ‘yung mga gagawin mo.

...sa sarili ko.

Di-hamak na sangkterba ang nalaman ko nang lubos ukol sa aking sarili—bilang Atenista, bilang kaibigan, bilang katrabaho, bilang kuya, bilang tao. Mahirap humanap ng mga salitang maaaring makatumbok sa kung ano ang mga nakilala ko sa aking sarili sa panahon ng pagtatrabaho sa OrSem. Hindi ko mismong mailarawan, kaya sa’kin na lang ‘yun. Haha.

Marami pa akong nais ilahad, pero una, hindi ko maisip sa ngayon; at ikalawa, masyado na kasing overdue ang entry na ito (isang linggo nang late! hahaha), kaya kung hihintayin ko pa ang panahong masasaisip ko na ang lahat, malamang tungkol sa OrSem 2009 na ang sinusulat ng mga tao.

Para kunwari hindi naman sa hindi ko maisip ‘yung mga gusto kong isipin at sabihin, ganito na lang: marami pa akong gustong ilahad pero hindi sasapat ang alinmang salita para buuin ang pagkukuwento sa isang tunay na kakaibang naging karanasan ko sa pagtatrabaho sa OrSem. Oha. Hahaha.

Pero medyo totoo na hindi nga talaga sasapat ang alinmang salita para sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin. Sa mga volunteer, alam kong nauunawaan ninyo ang ibig kong sabihin. (O baka ako lang ‘to? Hahaha.)

Nakarating ako sa bahay ng mga pasado alas dose, matapos ang higit isang oras na paglalakbay sa pamamagitan ng pagsakay sa tatlong magkakaibang jeep. Pagdating ko, tinanong ako ng tatay ko, “Enjoy ka naman?”

Wala akong maisagot kundi isang nagliliyab na OO. Nais kong ilahad ang lahat ng kina-enjoy ko sa OrSem na ‘to, pero natuklasan kong pagkatapos ng tatlong araw, wala na muna pala akong enerhiya para sa pagkukuwento.

Natulog ako, at pagkagising ko ng 8 Hunyo 2008, alas onse pasado na. Tapos na ang panahon ng paggising nang bago mag-alas singko. Wala nang OrSem. Pero paniguradong mananatili ang lahat ng alaalang maibabaon ko mula rito sa loob ng matagal na panahon.

Naging hudyat ang OrSem para malaman kong marami pa pala akong gustong gawin sa nalalabing dalawang taon ko sa mga Paaralang Loyola ng Pamantasan. Medyo napansin kong may bahid ng pagsasayang ang naging unang dalawang taon ng buhay ko rito, pero buti na rin at napag-isip-isip kong nasayang ko nga. At least, mas may kakayahan na akong piliin ang pamumuhay na "hindi nagsasayang ng oras," kahit sa pananaw ko lang, sa natitira pang dalawang taon.

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang NAPAKAHABA ko nang entry, pero hindi ko hahayaang tumulad ito sa kanta ng Parokya ni Edgar na bigla na lang mawawala. Magpapasalamat na lang ako sa mga tao, kahit pa maaaring nakapagpasabi na ako ng pasasalamat sa iba pang bahagi ng entry ko.

SALAMAT

  1. Sa OrCom, na walang katulad ang preparasyong ginawa para maisakatuparan ang Liyab.
  1. Sa Log heads, na walang sawang nagpakapagod para ituwid ang aming mga landas. Lalo sa SecMob heads Van, Sel, at Krizanne, sa paghahanda at pagtulong sa trabaho namin. Mataas lang si Van sa pagkakaangat niya sa OrCom. Haha.
  1. Sa TnTs ko: Guido at Franz, para sa isang masayang karanasan sa OrSem. Walang makahahambing sa energy AT chemistry ninyong dalawa. Hahaha. Isang pribilehiyo ang makatrabaho kayo. Hindi magiging gan’un ang kinahinatnan ng OrSem ng P7 kung hindi dahil sa inyo. Guido, good luck sa ikaapat na taon. Franz, good luck kay VCI. Haha. Babatiin ko na din kayong dalawa ng HABERDAY sa darating na Linggo! Haha. Kuwentuhan tayo minsan.
  1. Sa Log partner ko: Trina, para sa walang kaparis na pagtulong at pag-asikaso sa Freshies. Sa pagsama sa banyo sa mga pagkakataong hindi ako puwede, sa pagpapa-comm sa nawalang cellphone, sa pakikibahagi sa maraming parte ng OrSem. Ikaw ang naging tagapagligtas namin. Good luck kay VCI at kay Rudy Ang. Haha. Kuwentuhan tayo minsan.
  1. Sa Freshies ko: P7, para sa pagiging game sa lahat ng bagay, at para sa aktibong pakikilahok sa OrSem. Sana nag-enjoy kayo, dahil ako, nag-enjoy na kayo ang Freshies ko. Haha. Salamat din na hindi ninyo ako in-OP n’ung O-night, noong mga panahong nakiki-block ako sa inyo. Haha. Kung kailangan ninyo ang tulong ko, huwag kayong mahihiya. Pati ‘pag nagkita-kita tayo sa kung saang bahagi ng paaralan, batiin ninyo naman ako, o. Hahaha. Minsan kasi disoriented ako na ewan, kaya ‘di ko nakikita ang mga tao kahit kaharap ko na. Haha. Kuwentuhan tayo minsan.
  1. Sa Enervon, dahil wala ako rito kung wala kayo. Sponsor ba? HAHAHA.
  1. Sa Panginoon, sa paggabay sa aming lahat sa panahon ng OrSem. Sa pagbibigay ng direksiyon at liwanag. Dahil hindi umulan. Dahil binigyan Mo kami ng enerhiya. Sa lahat. Salamat.

Magkita-kita na lang tayo uli sa CovCourts next year. At siguraduhin nating muli nating mae-enjoy ang lahat ng pagod at enerhiyang ating ibubuhos at ibibigay.

Tunay nga,

NO OTHER UNIVERSITY DOES IT THE WAY WE DO | ADMU

Tuesday, June 10, 2008

PAGLILIYAB: UNANG BAHAGI

[Medyo pangatlong araw na ngayon mula sa mismong pangyayari, kaya paumanhin na lang kung delayed ang mumunti kong entry ukol sa isang pangyayaring maaring habambuhay ko nang babalik-balikan sa alaala. Ngayon lang din kasi nagsimula ang klase, kaya ngayon ko lang maaabuso ang libreng internet. Hahahaha.

Katulad ng mangilan-ngilan ko nang nailagak rito dati, quasi-madramang tagpo na naman ito. Haha.]

Nagboluntaryo ang inyong abang lingkod para sa Logistics ng kadaraos na OrSem 2008, "Liyab." Hindi ko ito nagawa sa nagdaang taon, at dati, wala rin akong nalamang makakasama, kaya hindi ko alam kung bakit ako napa-sign up nang 'di oras. Siguro may nagtakda lang talaga na magboluntaryo ako, kaya 'yun na nga ang naganap.

Pasada muna ng mga naganap sa diretsong walong araw ng OrSem mode. Kailangan ko lang itong isulat dahil ayokong makalimutan sa hinaharap.

Dumating ang pagtatapos ng klase sa nagdaang summer sem, kaya dumating na rin ang inaasahang Log training (31 Mayo at 1 Hunyo 2008), na siyang nagbigay sa aming mga nagboluntaryo ng maraming kaalaman para maging handa sa mangyayaring OrSem.

Nangyari sa training days ang maraming bagay, kabilang na ang pagpapaintindi sa kung ano ang pinasukan naming trabaho, pagpila para sa pag-sign up (sa Log-SecMob ako pumila; 'yun 'yung umaalalay sa TnTs at sumasama sa Freshies at makulit na nagpapa-mob. Haha), pagpapaalala ng heads sa kung ano ang mga dapat at 'di dapat gawin, pagsasanay sa mga dapat gawin sa iba't ibang sitwasyong maaaring maganap sa mismong mga araw ng OrSem (may Log lang at may oras din na kasama ang TnTs), pag-aanunsiyo sa Securities and Mobilization (SecMob) ng hahawakang blocks (sa P7 ako nailagak. GO P7!! Haha), maraming GDs, pagkain ng MARAMING Burger Steak at pag-inom ng Health Tea nang walang anumang lamig (medyo mainit pa nga eh), at siyempre, marami pang GDs. Hindi rin kalilimutan diyan ang naganap sa ikalawang araw ng training, na medyo ritwal sa pagiging Log dahil isinasagawa raw 'yun taon-taon.

Dahil kulang ang mga nagpakitang kaluluwa (tatlong daan mahigit raw ang pumirma noong Marso samantalang higit isandaan lang ang tumungo sa training days), medyo kinailangan naming mag-recruit ng dagdag na mga mabubuting espiritu para tumulong sa paglakas ng aming hanay. Kaya naman, may idinaos na emergency training sa sumunod na araw (2 Hunyo 2008), kung kailan nakilala ko naman ang aking magiging magiting na Log partner.

Sumunod na araw (3 Hunyo 2008), nagkaroon ng isang pangkalahatang assembly para sa lahat ng mabubuting kaluluwang naglaan ng kani-kanilang oras para paghandaan ang OrSem na sasalubong sa mga bagong Atenistang biningwit ng OAA. Nagkaroon ng misa, pinapanood ang walang katulad na O-film, at ipinamudmod ang puting Jollibee shirts na no comment na lang sa itsura ng damit dahil sponsor naman ng chibog forever for three days plus training days ang Jollibee. Hahaha.

Ikalimang araw ng OrSem mode (4 Hunyo 2008), Super Set-Up day. Pumunta ang (halos) buong Log committee para ihanda ang CovCourts na siyang magiging pangunahing tahanan ng OrSem. Medyo wala akong matandaang nangyaring kabanggit-banggit, puwera na siguro sa ultimate struggle sa pagpapa-print ng Log-SecMob Masterfile (na naglalaman ng lahat ng kailangang impormasyon para sa OrSem) sa Alva. Hahahaha. Fast-forward na tayo. Haha.

OrSem na.

Unang araw (5 Hunyo 2008), 6:30AM ang call time namin, pero dahil ako ang dakilang tagasuway sa mga call time, menos diyes para alas siyete ako napadpad ng CovCourts. Hahaha. Reminders mula sa heads, tapos go na kami ni Log partner papunta sa aming mga upuan para maghintay ng Freshies at makisayaw mej kasabay ng aming TnTs. Haha.

Nangyari sa unang araw ang pinananabikang unang parte ng Campus Tours na malalayong tunay mula sa isa't isa ang stops. Ewan ko na lang, kasi hindi pa masyadong magkakakilala ang Freshies, at hindi pa rin nila kami gaanong kakilala, sabay mega hiyaw na lang ako na mag-mob sila. Siyempre, tulad ng mga panahong Freshie ako, minsanan lang kung seryosohin ang pagmo-mob. May ilang Freshie kaming Luneta mode, pero nauunawaan ko naman kasi nga mainit saka nakakapagod. Pero salamat pa rin dahil sumusunod pa rin naman sila, bagaman nahuhuli minsan. Haha.

Pagtapos ng Tours, nagsimula na ang GDs, at medyo mas nagkakilanlan na ang mga nilalang (Freshies, TnTs, at siyempre Logs). Mukha naman silang masaya na naglaro, at tila nagkakilala sila nang medyo mahusay sa aktibidad na ito, salamat sa TnTs na nagplano ng mga lalaruin. Siyempre, 'yung mga consequence ng mga natalo sa mga laro: sayaw sa harap ng ibang block. Pumili ka na lang sa Banana, Chuga, o Pacific Ring of Fire. Haha.

Hindi ko lang malilimutan ang isa sa mga medyo pinakamatagumpay na pagpapa-mob, kasi tumakbo talaga 'yung Freshies ko. Mob ito mula sa GD Room (SEC A 116) pabalik ng CovCourts, at mukhang nabigyan ko naman sila ng motibasyon para tumakbo nang totoo dahil mega sigaw ako na kailangan nilang bilisan dahil pagkain ang naghihintay sa CovCourts. Marami-rami naman ang napatakbo (gutom hahaha), pero MEDYO pa rin ang tagumpay dahil kalahati lang ng block ang sumunod sa akin. Sobrang layo na naiwan n'ung kabilang kalahati. Hahaha.

Sa hapon, relak-relak lang dahil AVRs lang ang destinasyon ng sangkatauhan. Sa Escaler kami nadestino, at masaya dahil ercon. Haha. Pinanood lang ang O-film, nagkaroon ng pagpapakilala ang COA, saka ipinangalandakan ang ika-150 anibersaryo ng minamahal naming/nating paaralan. Pagkatapos n'un, mob back to CovCourts para sa misa. (Pangalawa kong misa sa loob ng tatlong araw.)

Kailangan ko palang banggitin na ang pagkain sa araw na ito ay walang iba kundi.....

Burger Steak. Na naman.

Pagkatapos makalabas ng Freshies, meeting-meeting kunwa ang buong komite para sa mga kailangan at/o dapat pagbutihin para sa susunod na araw. Ipinamudmod na rin ang pulang OrSem shirts care of our official inumin Fab (isang 180-calorie drink PERO may L-Carnitine naman. Ewan ko kung anong kabalintunaan 'yun). Ayaw ko na lang din ikumpara ang itsura ng Fab shirt sa Jollibee shirt dahil matimbang pa rin ang lamantiyan kaysa sa panulak. Hahahaha.

Ikalawang araw (6 Hunyo 2008), marami na namang naganap. Katulad kahapon, alas sais y media ang call time, pero alas siete ako napadpad ng CovCourts. Reminders uli, hintay ng Freshies. Medyo maraming na-late na Freshie. Umalis ako para mag-reg, hindi pa sila kumpleto, may mga sampu pang kulang.

Pagbalik ko, naka-mob out na to GD Rooms, na medyo ikinagulantang ko dahil 8:55AM pa lang, samantalang ang naka-imprenta sa schedule na hawak ko, 9:00AM ang mob out. So eniwey, nakumpleto naman na ang Freshies pagdating ng GD time.

Dalawang oras ang GDs para sa araw na 'yun. So masaya na naman ang Freshies sa mga larong inihanda ng TnTs. Masasabi kong mas nagkakilala ang block sa araw na 'yun, dala na rin ng mga larong tulad ng bahay-baboy-bagyo, kung saan 'di oras akong pinasali. Kinailangan naming tandaan ang kaarawan at high school ng mga tao, pero dahil palyado nga ang memorya ko, wala na yata akong matandaan ngayon. Paumanhin sa mga nakagrupo ko..

Pagkatapos ng larong may blindfold na hindi ko matandaan ang tawag, go na ang block P7 sa SEC Field para sa inter-block kumpetisyon sa larong Mamera. Medyo nagsisisi ako na iniwan nila ang mga gamit nila sa kuwarto, kaya kinailangan kong magbantay. Habang nabubulok ang inyong lingkod sa GD Room na walang katao-tao, nakikipaglaban na ang P7 sa iba pang Management blocks para sa kanilang unang pagkapanalo bilang isang block. Panalo ang block sa Mamera game. Sayang na hindi ko napanood, kaya hindi ko natutuhan ang cheer nila na medyo sounds like sa isang maselang bahagi ng katawang pambabae. Para hindi malaswa, sasabihin ko na lang na sounds like sa isang lugar sa bansang Thailand. Hahaha.

Pagkatapos ng Mamera, lunch uli, at anak ng tinokwa, nawalan kami ng mga silya sa di-malaman at di-mapagtantong kadahilanan. Tuloy, sa sahig sa may likod ng CovCourts napaupo at napakain ang block. p7, MULI AKONG HUMIHINGI NG PAUMANHIN PARA SA NANGYARING ITO.. Pero mukhang buti na lang din na sa sahig sila umupo, dahil mas nagkaroon din sila ng bonding time; mega baraha sila, at kahit semento ang kanilang kinauupuan, mukha naman silang masaya. Gujab, P7! Haha.

Pagkatapos niyon ay isang mahabang talk ng kung sinu-sinong tao sa administrasyon ng eskuwela sa Irwin Theater. Siyempre nakatulog ako. Hahahaha. Tapos, mob back to CovCourts at mob back to Irwin na naman para sa kanilang SOM night. (Siyempre, 'yung pagtulog ko lang ang mahalagang nabanggit ko sa parteng ito ng OrSem Day 2. Wahahahaha.)

Babanggitin ko rin na ang chibog para sa araw na ito ay walang iba kundi.....

Chickenjoy. Sa wakas, kalayaan mula sa Burger Steak! HAHAHAHA.

Ikatlo at huling araw na ng OrSem (7 Hunyo 2008), at sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Parang may kung anong boses na nagdidiktang ayaw ko pang umusad ang oras, na sana ganito na lang palagi. Pero saka na 'to sa part 2 ng entry. Haha. Pasada muna uli ng mga naganap.

Katulad ng nakagawian, alas siete na naman ang oras ng naging pagtapak ko sa CovCourts.Alas otso pa naman ang gates open, so medyo matagal-tagal pa. Haha. Sa umaga, go kami sa Course and Department (CD) Room namin na Leong Auditorium para sa kanilang Course and Departmental Talks. Masaya na naman ako, kasi mabilis ang mob-ing namin. Hahaha. Mukhang mabilis na pagmo-mob lang ang naging kaligayahan ko e noh? HAHA hindi naman.

Medyo delayed ang pagtatapos ng talk ni Mike Tan, kaya kami na rin yata ang isa sa mga pinakahuling block na napadpad pabalik sa CovCourts. Mega walang gana pa ang pagmo-mob ng block na tipong kilometro ang pagitan ng unahan ng block sa hulihan.

Sa kabutihang palad, hindi na kami nanakawan ng silya dahil may label na kada upuan. Haha. Pagkatapos ng lunch, mob to GD Rooms, at ang huling GD para sa OrSem na'to ay 'yung susulat ng mga mensahe para sa bawat tao sa block, at siyempre kasali kaming apat (TnTs at Logs) haha. Pagkatapos n'un, Tours part 2 na.

Ewan lang sa stops ng tours part 2, dahil pagewang-gewang lang kami sa New Brick Road. Tipong tawid-tawid lang talaga. Buti na lang din, para hindi na gaanong nakakapagod. Haha. Pero may Freshie akong dumugo ang ilong, dahil daw yata sa alinsangan ng panahon. Buti na lang at wala namang nangyaring hindi kanais-nais. Medyo struggle lang n'ung hinanap na siya dahil tapos na 'yung tours at nasa CovCourts na kami.

O-night na, at siyempre, maraming bandang nagsitugtog. Hindi lang ako gaanong nakapanood ng buong O-night dahil sa sari-saring rason. Noong una, nakiki-block ako sa block nina Kim at Mark na O2; mega baraha kami. Pero nang lumaon, sa block ko naman ako nakiblock. Haha. Nakakatuwa lang tingnan na magkakasama ang karamihan sa P7 sa O-night. Tapos para akong Freshie nang nanood sa pagtugtog ng Parokya ni Edgar. Haha. Nagsibili pa ang Freshies ng mga damit, tapos nagpalit sila, at 'yung iba sa kanila magkakaparehas pa ng binili. Block Spirit, kumbaga. Haha.

Nakilaro pa ako with the block, at buwisit lang na forever akong talo sa larong nagpapasahan sila ng barya habang nasa gitna ako at kumakanta sila ng "I Wanna Be a Tutubi." (Tama ba 'yung pagkakaalala ko sa kanta? Haha). Ang siste, kailangan kong hulaan kung nakanino 'yung pesteng barya sa pagtatapos ng kanta nila. Sa tatlong beses kong pagsalang sa gitna, walang ni isang tumama sa hula ko. Napasayaw tuloy ako nang 'di oras ng Banana. Hahaha.

May isa pang larong baraha na hindi ko matandaan kung ano ang tawag. Hahaha. Tapos lumabas ako nang matuklasang LIBRE ang pagkain para sa Logs. 'Yun nga lang, alam niyo na siguro kung ano ang nakahatag. Ang walang kamatayang Salisbury Beef with Brown Sauce and Edible Fungi (more commonly known as BURGER STEAK, pinaganda lang namin ang pangalan para hindi nakakasawa. HAHAHA). 'Di na bale, libre naman. Saka masarap naman 'yung Tapa Rice n'ung lunch. nth Burger Steak for OrSem. Haha.

Pagbalik ko, napag-alaman kong may plano palang mag-dinner ang p7 pagtapos ng O-night. Muli, block spirit kumbaga. Haha. So nag-gates open na, at hindi na nila napanood ang pagtugtog ng Urbandub. Medyo kawawa 'yung banda, kasi halos upuan, kaunting Freshies, at maraming Logs na lang ang kinantahan nila. 'Yung iba pa nga, keber na sa kanila dahil mega naghahanda na para sa pinananabikang taunang palaro na Log vs. TnT. Haha.

Sabik na ang lahat, kaya ipinagdasal na magsilayas na ang sponsors para makapagsimula na sa giyera. Hahaha. Nang magsimula na ang digmaan, labo-labo na. Mabilis nasimot ang inihanda naming mga bala, at medyo taghirap sa pagre-refill dahil medyo iisa lang ang gumaganang source/daluyan ng tubig. Gayunpaman, masayang maligo matapos ang tatlong araw ng pagbababad sa tindi ng sikat ng araw. Hahaha. Ewan lang sa'kin dahil wala naman akong natamaan nang direkta; parang lahat ng bala ko daplis-daplis lang sa maraming tao. Gusto kong hanapin 'yung TnTs ko, pero hindi ko matagpuan. Wala naman akong lakas ng loob para sumugod sa TnT base dahil duwag akong maisalaksak at mailublob sa cooler! Hahaha.

Ito ang nagmarka ng pagtatapos ng OrSem 2008, at parang hindi ko mapigilang magdrama. Medyo wala pa palang drama ang entry na ito, sa part 2 na lang 'yung drama. Haha. Masyado na kasing mahaba kung ipipilit ko pang isalaksak dito. Abangan na lang ninyo 'yung Part 2. Hahaha.

Mag-isa kong tinahak ang daan palabas ng paaralan, medyo alas onse lang naman ng gabi. Tatlong jeep ang kailangan kong sakyan para makarating sa paroroonan. Sa mahabang biyahe, medyo hindi ko mapigilang makatulog (dahil hatinggabi na nga) at magbaliktanaw.

...itutuloy...
Hahahaha.