Sunday, January 1, 2012

2011: IN MEMORIAM

Sabi nila, what doesn't kill you...pesters you. CHOS hahahahaha.

So pagkatapos ng best year of my life (2010) ay dumating ang itinuturing kong worst year of my life so far (2011). At sa lahat ng pagsubok na dinala ng taong 2011 sa buhay ko at sa mga buhay niyo (daming readers? Hahaha), hindi naman tayo natigok o anupaman, kaya asahan na lang nating patuloy lang tayong gagambalain ng mga naturang pagsubok hanggang sa susunod na taon (huwag naman po sana huhu).

Dahil bagong taon ang pinaka-emo na okasyon para sa katauhan ko (pinaka-emotero ako kapag nakakapanood ng fireworks display sa bagong taon haha), pabayaan ninyo ako. HAHAHAHA. Pabayaan ninyo akong magbalik-tanaw sa mga nakakapanibago/nakakairita HAHA/magulong mga pangyayari sa buhay ko ngayong taon.



Enero
-1: Simula ng bagong taon na may napakalaking pag-asa sa hinaharap. Malay ko bang hihinayupakin ako ng taon. Haha.
-3: Balik-"trabaho" matapos ang masasayang holiday; bum pa rin forever haha.
-4: Naisipan ng HR na itatapon niya na lang ako sa Intramuros.
-5: Unang araw sa Intramuros, lunch date with the VP.
-6-7: Time off para asikasuhin ang promo papers; pagwawala sa harap ng mga kaibigan at pagmumukmok like no tomorrow haha.
-10: Opisyal na araw ng pagkakatalaga sa Cash Center, itinapon para italaga sa Makati imbes na Intramuros. Encounters with the real world begin.
-Pagmumukhang timang habang inaaral ang mga gawain at responsibilidad sa Cash Center. Awkwardo Versoza sa mga maraming staff.

Pebrero
-14: Valentine's celebration mayaman mode sa Cravings Katipunan with orgmates. Single life forever. Haha.
-18: Rent in Manila. In fairness to Fredison my high school batchmate. Haha.
-Reunited with my only sport badminton hahaha with friends from different departments. Naks social animal may friends sa ibang department CHOS hahaha.
-Discomfort with the real world begins. And sustained throughout the year hahaha.

Marso
-Medyo marunong na sa mga responsibilidad kung kaya't naoobliga na rin sa labis na gabing pag-uwi.
-28: Pagtatapos sa High School ng butihing kapatid; unang vacation leave bilang isang full-fleged empleyado haha.
-Japan Earthquake at Tsunami. Afraid.

Abril
-16: The Script Live in Manila. Fanboy mode haha.
-21-23: Kuwaresma. At mga maraming pagmumuni ukol sa buhay.
-26: Apat na buwan sa unang assignment sa Makati Cash Center at biglang inanunsiyong malilipat na ako sa Intramuros. Pagkalungkot ulit like no tomorrow dahil sa mga preysyur inaasahang mangyayari sa Intramuros, at dahil sa pagkawalay sa mga tanging malapit na kaibigan sa buong kompanya, my OTP friends. (Uy. HAHA.)
-Pagkadiskubre at pagtaya sa mundo ng Mutual Funds hahahaha.

Mayo
-2: Unang araw ng paglipat sa Intramuros.
-7-9: Cagbalete Island, Quezon experience habang bagyong Bebeng. Alon at hangin like no tomorrow. Naging 3D/2N ang bakasyong dapat ay overnight lang. Unang pagkakataong ma-stranded sa isang isla with matching pag-uga ng kubong tinitirhan. Emergency leave. Hahaha.
-21: Unang diumanong end of the world/rapture c/o FamilyRadio. Nawaley. Haha rescheduled to 21 Okt 2011 daw.
-Super bum office life haha as in bored lang halos araw-araw at 'di malaman ang mga dapat gawin kahit maya't maya ang mga meeting tungkol sa mga gustong gawin ng management para sa department. May pruweba ito sa blog na ito: nakagawa ako ng isang entry habang nasa opisina hahaha.
-Nakayanan ang paglayas nang maaga sa opisina at pagtungo sa kung saan-saan like org and orgmate events sa gabi.

Hunyo
-1: Matapos ang humigit-kumulang isang buwang bum mode, inilipat muli ng assignment sa Intramuros Cash Center.
-Hindi na malaman kung saan ba talagang lulugar/ilulugar. Go with the flow/don't resist anymore/nyemas bahala na sila outlook in life HAHA.
-16: Happy one year of being a trabahador for the company.
-23: Crazy bagyo day kung kailan madaling araw na kami nakauwi. Afraid.
-30: One year of this national government. Ugh.

Hulyo
-14: Simula ng Six Sigma Green Belt training sessions at manaka-nakang "pagtakas" sa buhay sa Intramuros at pagka-reunite sa Makati. Hahaha.
-Inilipat muli mula sa Intramuros Cash Center paakyat ng 5th Floor para mai-assign sa Monitoring. Ikaapat na assignment sa department sa loob ng pitong buwan.
-Singhalan at pagalit galore night dahil sa isang lintikang tanong na hindi nasagot. Haha tapos nag-leave siya ng isang linggo nagkasakit daw. Hahaha.

Agosto
-1: Pagdiriwang ng ika-160 anibersaryo ng butihing kompanya.
-13: Volunteer work para sa Habitat for Humanity sa Pasig bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-160 anibersaryo.
-Pagpapatuloy ng mga depresyon at pagkukuwestiyon kung anyare ba sa buhay ko.
-14: Nakagat ng aso namin HAHAHAHAHA rabies.
-16: Unang sick leave bilang isang full-fledged empleyado dahil pinilit ng inang ipatingin ang kagat ng aso. First out of five shots of anti-rabies vaccine.

Setyembre
-23: Pagtatapos ng mga training session para sa Six Sigma Green Belt. Pagtatapos ng mga masayang pananatili sa Makati.
-27: Pagsalakay ng bagyong Pedring. Pikon na pikon na pikon dahil gabing-gabi nang nakauwi samantalang nagbababagyo. Ikinintal sa utak na hindi na talaga ako makapaghintay sa 2014. Haha.
-28: Pagsisimula ng bagong proyekto ng monitoring unit, pagkawindang kung paanong sisimulan at gagawin nang maayos ang mga ipinagagawa ng pamunuan.
-Good feedback sa umpisa, pero kaagad ding dumako sa complaints galore.
-Crazy US and Philippine Markets. Uy ekonomista. Wahaha.

Oktubre
-Pagpapatuloy ng proyekto at ng complaints galore ukol dito.
-8-10: Ilocos 2011! Ikalawang pagtapak sa Ilocandia sa loob ng dalawang taon with old and new found friends, at unang beses sumakay sa eroplano!! Hahaha. Gotta love Laoag/Pagudpud/Batac/Paoay/Vigan etc again. Bumisitang muli sa mga maraming Ilocandia spots at nanatili sa same hotel kung saan din kami tumuloy last year. Fun fun trip. Ikalawang vacation leave for the year HAHA. Pahinga, pagsasaya, at pagmumuni.
-21: Ikalawang diumanong rapture/end of the world c/o FamilyRadio. Nawaley ulit. Hahaha.
-23: Adidas King of the Road 2011! Found a new love este sport, running.
-30: Jason Mraz Live in Manila!!! Super fanboy mode hahaha.
-31: Pagbisita sa sementeryo. Very serene. Haha.
-Very eventful haha kahit na patuloy lang din ang mga depresyon at pagkukuwestiyon sa kahulugan ng lahat ng ito. Extra late nights and extended stays sa opisina, habang iregular ang mga oras ng pagkain at ni halos walang panahong umihi. Haha windang mode.
-Inanunsiyong ililipat akong muli ng department sa mga susunod na araw, sa Statements Center naman. Go with the flow/nyemas bahala na sila outlook na talaga ito.

Nobyembre
-1: All Saints' Day. 'La lang HAHA.
-9: Ika-22 taong kaarawan. "Mr. Curious well I need some inspiration/It's my birthday and I cannot find no cause for celebration." - J. Mraz.
-21: Supposedly lilipat na ng department pero biglang umatake ang Internal Audit sa aming unit. Afraid. Haha.
-26: Second run for the year: HSBC Fun Run 2011 and an improved PR (WEH FEELING PROFESSIONAL HAHA) from Adidas KOTR.
-29: Twitter post "The longer you delay, the more you suffer. #NoteToSelf" AHAHA #WalaLungs
-Nadiskubre at tumaya sa mundo ng stock trading. Feeling investor hahahaha.

Disyembre
-1: Supposedly project presentation para sa Six Sigma Green Belt, pero naudlot.
-1: Nagsimula na sa paglipat sa bagong department.
-2 to present HAHA: simula na naman ng pagmumukhang timang habang inaaral ang mga gawain at responsibilidad sa bagong mundong ito.
-17: Third run for the year: Don Henrico's Run. Waley at nagkaligaw-ligaw ako dahil sa mga kakulangan nila sa pag-oorganize.
-25: Christmas Day. 'La lang. Hahaha madami nang pamangkin at madami na ulit bata sa angkan.
-31: Last Day of the Year. Emo night habang pinapanood ang mga fireworks display sa TV. At ang onting fireworks din ng kung sinu-sinong kapitbahay. Baby you're a firework, come and show 'em what you're worth. Hahaha.
-Christmas lunches/dinners with the people who matter. Uy. Hahahaha.
-Pag-atake ng bagyong Sendong sa bahaging timog ng bansa. Nakaka-stress sa dami ng biktima.

Pilit ko pang inaalala ang kung anu-ano pang mga nangyari, pero ito na lang ang kaya ng maulyanin kong memorya. Puwede na 'yan comprehensive na rin. Hahaha.

Sa dulo't dulo pala ng taon, kahit ano pang mga uri ng depresyon at angst ay naroon at naroon pa rin ang pakiramdam ng pasasalamat. Dahil nandito pa rin tayo at patuloy na may pagkakataong itama ang mga mali, dahil patuloy tayong may pagkakataong lumikha ng pagbabago sa mundo. Dahil sa pagtatapos ng taon ay napagtatanto pa rin nating napakaraming karanasan pa rin ang nagturo sa atin tungkol sa buhay at sa sarili. Dahil ang lahat ng karanasang iyon ay mapagtatanto nating dapat pa ring ipagpasalamat. At dahil SA WAKAS AY NATAPOS KA NA RING HAYOP NA TAON KA. WAHAHAHA.

So pasasalamat...
-Panginoon, dahil patuloy mo akong tinuturuang magtiwala sa Iyo nang buong puso at hindi sumandig sa aking sariling pang-unawa. Take Me Out of the Dark as my year song. Panalangin ko pa rin ang punto-de-bista, Panginoon. Alam Mo 'yan. Salamat.
-Familia, dahil kahit anong grump ko matapos gabihin like everyday sa opisina ay keri lang kayo at patuloy ang suporta at sinasabayan niyo pa rin akong mag-dinner. Uy famealy day everyday. HAHA.
-OTP 121 Externals, dahil kayo ata ang pinakamahalagang lupon ng kaibigan ko sa taon, sa pagdamay at sa pagsasalo natin sa mga kalungkutan at angst sa mundo. HAHAH. Sa mga kabaliwan natin at cling sessions. Nawa'y mas maigting pa ang ating pagsuporta sa isa't isa sa susunod na taon.
-BOMC Externals, dahil nagkakaintindihan tayo masyado HAHAHA. Gabayan tayo ng Panginoon sa isa na namang taon sa Intramuros.
-BOMC at BPI, dahil kahit bitchessa ka(yo) most of the time ay may manaka-naka kang naituturo sa akin maya't maya. Harinawang magamit ko nga ang mga natututuhan ko sa iyo sa mga susunod ko pang pakikipagsapalaran sa buhay.
-Pan Delicioso +/-, dahil sa Cagbalete WAHAHA. Dahil kayo pa rin ang pinakamaingay na lupon ng kaibigan na meron ako. HAHA salamat sa lahat ng katatawanan at pag-usad natin sa buhay sa taong ito. Nakatutuwang isipin kung nasaan na tayo ngayon mula sa ating pagsasalo noong kolehiyo. Pagpapala sa ating lahat sa pagpapatuloy natin sa pag-usad sa buhay. Sa mas marami pang Cagbalete experience! HAHA.
-ENTA Friends, dahil naipapaalala ninyo palagi sa akin ang mga alaala ng kolehiyo at ang lahat ng kagalingan at kagandahan nito. Uy. Hahaha. Sa mas marami pang mga dula, indie films, mainstream films, at showbiz tsismis na ating pagsasaluhan at isasailalim sa mga kritikal nating panuri. Haha.
-Brenda, dahil patuloy tayong nagsasalo sa pagkakaibigang binuo pa noong High School. Ang saya ring makita kung nasaan-saan na tayo ngayon mula sa ating awkward years sa High School. Haha.
-2011, dahil tapos ka na. CHOS hahaha dahil sa lahat. Sa lahat-lahat ng kahinayupakan mong taon ka. HAHA.

Dear 2012, binugbog ako ng 2011. Maghinay-hinay ka naman. Hahaha. Alam kong marami ka ring dalang pagsubok. Pero patuloy ang ating pag-asa na kahit anupaman ang mga pagsubok na iyong ihahatid ay kakayanin natin at ikayayabong ng ating mga pagkatao't buhay.

Pagpapala ng Panginoon nawa ang ating maging sandig sa ating pagharap sa panibagong taong ito.
Maligaya at Makabuluhang Bagong Taon!

1 comment:

mr hollywood bum said...

Tayo ay magpasalamat sa Poong Maykapal at binigyan nya na naman tayo ng panibagong taon, taon para magpatawad at magmahal. Itatak sana ng mga pinoy yan sa kanilang isip.