Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa konsepto ko ng School Spirit sa season na ito. Sa hindi malamang kadahilanan, hindi kasing sidhi ng pakikialam ko sa mga laro (lalo sa mga larong kontra La Salle) ang naging paki ko sa mga laro ngayong taon. Kung ikukumpara sa mga apat o limang live AdMU-DLSU game plus isang live AdMU- UST plus ilang TV games na napanood ko noong nakaraang taon, ngayon, may isang live AdMU-DLSU at isang TV AdMU-DLSU game lang na nagkaroon ako ng interes at lakas na panoorin.
Gaya ng nabanggit, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung natapos lang talaga nang natural ang panahon ko ng pagiging fan. Hindi ko alam kung dahil nabuwisit lang talaga ako doon sa mga dambuhalang standee na matatagpuan pagpasok mo ng Gate 2. Hindi ko alam kung dahil sa Marketing plus OpMan plus Philo plus dalawang Law plus maraming Org Stuff. Hindi ko alam kung wala lang talaga akong oras, o wala lang talaga akong ticket. Hmm, baka nga dahil wala lang talaga akong ticket. Haha.
Lumabo rin kasing bigla 'yung koneksiyon ko dati. (Hello to you? Kamusta ka na? HAHAHA CHOZ.)
Ngayon pa, kung kailan napakalaki ng tsansang makamit ng aming koponan ang kampeonato. Ngayon pa, kung kailan umabot na naman kami ng Finals. Ngayon pa, kung kailan La Salle ang kalaban. Ngayon pa, kung kailan may propesor akong supermega adik sa mga laro at sa kanyang pagiging Atenista. Ngayon pa, kung kailan mega engganyo ang mundo ukol sa mga pangyayari.
Anu't ano pa man, nami-miss ko ang mga araw na hindi magkandaugaga sa pag-uusisa ukol sa mga ticket, ang mga araw na hindi magkandaugaga sa pagch-cheer para sa aming koponan, ang mga araw na suot ko nang buong pagyayabang ang aking asul na t-shirt, ang mga araw na buong pagmamayabang kaming nagkakantiyawan ng mga kaibigan kong napadpad sa berdeng parte ng mundo.
Suot ko pa rin naman sa araw na ito ang paborito kong UAAP Uniform, bagaman may tastas na sa may kanang balikat dahil sa pagsabit sa Bench/ Billboard sa General Admission ng Araneta. Hayup na Bench/ Billboard.
Isang taon na pala.
Well eniwey, dalawang oras bago ang pinakaaabangang sagupaan,
GO ATENEO, ONE BIG FIGHT!
-------
Now back to Penomenolohiya ng Katotohanan ni William Luijpen. Yak.

No comments:
Post a Comment