Kani-kanina lamang, nanood ako ng isang interesanteng lecture tungkol sa naglipanang mga soap opera. Ang inimbitahang magsalita ay si Jose Maria Bartlolome, Head for Program Analysis chenes ng GMA Network, Inc. Layon ko sanang magamit ang nasabing lecture, upang mas may matutuhan ako at mas lumawig ang kaalaman ko ukol sa topic ko sa English Research Paper. (Ang paksa ko kasi ay tungkol sa mga palatuntunang nagpapalaganap ng tsismisan sa mga personalidad sa showbiz.) Bagaman malayo ang naging pagtalakay niya sa mga ninais ko sanang maging kinahantungan n'ung lecture, ayos na rin dahil nakakatuwa naman at may natutuhan rin naman ako. (Pero gaya ng naitanong ng English teacher ko, at ngayo'y itinatanong ko na rin sa sarili ko, "How will you (I) use that in your paper?" At ang sagot: "Ma.")
Ito 'yung ilan sa mga nabanggit n'ung lecturer na ikinatuwa ko (as in ikinangiti, ikinatawa, at pinagmuni-munihan). Mamarapatin kong ibahagi sa inyo:
Ito 'yung ilan sa mga nabanggit n'ung lecturer na ikinatuwa ko (as in ikinangiti, ikinatawa, at pinagmuni-munihan). Mamarapatin kong ibahagi sa inyo:
--------------------------
Ukol sa pangalang "soap opera":
Ito naman ay matagal ko nang alam. Pero para sa kapakanan ng maaaring makabasa nito at hindi alam kung bakit nga ba pinangalanang "Soap Opera" ang mga seryeng 'yun, ito ang dahilan: sa radyo lamang napakikinggan ang mga ganitong serye noong panahon ni kopong-kopong. At ang mga kompanyang gumagawa ng mga sabon at detergent ang kadalasang tumutustos sa mga gastusin ng mga serye. Kumbaga, sila ang nagtataguyod dito, sponsor. Kaya naman, pinangalanang Soap ang mga Operang iyon. (Sa palagay ko naman, medyo hindi na kailangang ipaliwanag kung bakit "Opera". Mygush.)
--------------------------
'Yun daw mga babae (especially nanay) ang madalas na tumangkilik sa mga nasabing palatuntunan. Sila raw kasi 'yung naiiwan sa bahay para mag-alaga ng bata, maglinis ng bahay na dinudumihan ng bata, at maloka dahil sa mga makukulit na bata. Kung bakit soap opera, dahil raw sa kinapagod-pagod ng buong araw, ito na lang 'yung "tanging konsolasyon" nila para guminhawa naman kahit sandali. Kaawaan niyo na, mga masasamang budhi.. At dahil sa tanging konsolasyong naibabahagi ng mga soap sa kanila, naroon ang posibilidad ng pagkagunaw ng tahanan, sakaling marapating pagdamutan ang nanay ng remote control kung oras na ng paborito niyang palatuntunan. Kapag pinagdamutan mo 'yun, sige ka, 'di ka ipagluluto, 'di ka ipaglalaba.. Mawawasak ang kinabukasan mo.. dahil.. hindi mo pinanood ng soap opera ang nanay mo.
--------------------------
Ang ratings raw kagabi ng Asian Garbage ay bumaba, samantalang 'yung ratings ng 'Di Na Sana Maulit Muli ay tumaas. Dahil raw mamamatay (o namatay) na 'yung Jasmine. Akalain mo nga namang ang bayolenteng Robin Padilla (as always) ay makakatabo ng 41% sa ratings n'ung isang gabi?? (DAW) Ewan ko, pero bumaba raw 'yung ratings na 'yun sa 34% at umangat 'yung isa pang kachuvahang serye sa 33%. (Talo pa rin.. DAW) Pero at least, tumaas ang ratings, dahil nga mamamatay na 'yung bida.
Side-comment: Hanggang ngayon ay nasisiraan pa rin ako ng bait sa kachuvahang seryeng 'yun. Akalain mo ba namang mamatay dahil nasagasaan ng bus?!?! BOBA/BOBO talaga.. At nakita ko kamakailan ang patalastas ng mga susunod na pangyayari. 'Yung Travis ay masisiraan at makikita niya pa rin nang makikita 'yung kaluluwa n'ung namatay na Jasmine. HAY, EWAN KO!! Lahat ng babae akala niya 'yung Jasmine na. Komento: 'Di yata't siya ay adik!! [Pasensya na rin pala at wala akong maisulat na entry tungkol sa Asian Garbage. 'Di ko kasi napanood 'yung first episode. Gusto ko sanang panoorin, para malait, pero marami pa akong kailangang gawin na mas mahalaga nang 'di hamak kaysa sa seryeng 'yun. Noon kasing kapanahunan ng unang episode ng 'Di Na Sana Maulit Muli, wala pang masyadong kailangang gawin..]
--------------------------
May nabanggit rin siya ukol sa 'nature' o kalikasan ng telebisyon sa Filipinas (at kahit yata sa buong mundo). Ang sabi niya, ang kalikasan raw ng telebisyon ay entertainment--makapagbigay-aliw. Oo nga naman. Bakit pa naimbento ang telebisyon kung hindi kailangan ng tao ng aliw? Bakit pa kakailanganin ang mga soap opera, talent search, reality show, at tsismis center kung hindi kailangan ng tao ang maaliw? Siguro, kung mawala (o sadyang tanggalin) ang mga ito, magiging primitibo muli ang buhay. Ano kaya ang gagawin ng tao kung wala ang entertainment na magiting na dinadala ng telebisyon sa ating mga bahay-bahay? Kung mawala na ang entertainment at puro channel4, discovery channel, o TV Patrol-24 Oras Channel na lang ang pagpipilian? Ano kaya ang gagawin ng tao? Siguro, mas aangat ang ekonomiya (??), dahil baka sa trabaho ituon ng mga tao ang kanilang pagkabagot. (Hello, may radyo naman.. Pero, kung mapag-isipan mong mabuti, iba pa rin ang audio-visual na medium.. Hmmmmmm..) O 'di naman kaya, baka umangat ang industriya ng mga mental hospital!!
--------------------------
At ito na ang pinaka-quotable at memorable sa lahat (para sa akin)...
May isang nasabi si Sir Jose Maria tungkol sa lengguwahe, at sa pagsisiyasat kung bakit Filipino na ang nagagamit nang mas malawak ngayon, sa halip na Ingles, sa telebisyon. Ang sagot niya, masa na raw kasi ang nanonood ngayon. Kung baga, noon, class AB lang ang may TV, ngayon, DEFGHIJKLMNÑNGOPQRSTUVWXYZ, at kahit anumang titik pa ang gustuhing ipangalan ng mga kachuvahang tagapagtaguyod ng social classes, mayroon na ring TV. Kaya naman, Filipino na ang ginamit, dahil nga masa na ang manonood. Iba pa rin daw ang talab ng media kung wikang katutubo ang gagamitin--'yun nga naman kasi ang nauunawaan. Ang pinaka-nagustuhan kong bahagi ng talakayang ito ukol sa wika ay nang sabihin niyang:
Pinakamalaking kalokohan 'yung ibinabandera ng pamahalaan. Maski saan ka magpunta, wikang katutubo pa rin ang namamayani. Hindi lahat nakakaintindi ng Ingles, kahit gan'un pa ang sinasabi ng gobyerno. Malaking kalokohan ang ipagpilitan 'yung Ingles.
(Parang gan'un.. 'Di ko uli maalala 'yung tiyak na mga salitang ginamit niya.) :)
Gusto ko 'yung katagang "Pinakamalaking Kalokohan". Take note, 'di lang basta kalokohan, 'di lang din malaking kalokohan, kundi PINAKAmalaking kalokohan ng pamahalaan. Kahit naniniwala akong superlative degree ang lahat ng kalokohan (i.e., lahat ng ginagawa) ng gobyerno, ito 'yung isa sa pinaka-kinasisiraan ko ng bait. Akalain mo nga ba naman kasing ibasura ang Filipino?! Samantalang ibida nang ibida ang Ingles (oo, mahalaga ang Ingles dahil sa globalismo achuchuchu, pero bakit kailangang nasa ilalim lamang nito ang Filipino, at bakit hindi paunlarin nang husto ang sarili nating wika)?!** Ano 'yun?! Kaya siguro mabaho at malansa ang Filipinas (lalo na ang d'un sa bandang Mendiola, at sa lahat ng mga Ingles-Inglesang lugar). Kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit malansa, hay, ewan ko, nasayang lang siguro ang katalinuhan ni Jose Rizal kung gayon.
--------------------------
Kahit na hindi ko man magamit ang anumang nasabi niya sa English Paper ko, ayos pa rin. Marami pa rin kasi akong natutuhan, at 'yun ang mahalaga. Haha...
--------------------------
**Recommendation: "Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan" (by Conrado de Quiros)
--------------------------
P.S.: Inilagay ko itong P.S. Sabado na ng hapon. 'Yung tungkol sa paksa ko sa pinagpipitaganang English Argumentative Paper. Papalitan ko na lang raw 'yung main stand/claim, babaguhin nang kaunti, dahil..basta. At ikinatuwa ko naman kaagad, dahil lahat halos ng nasaliksik ko ay medyo hindi akma d'un sa una kong tesis. Kaya, bunsod ng mga pagbabagong gagawin ko, maaari ko na rin sigurong magamit ang lecture na 'to. :)
Bagaman, hindi ko pa rin gaanong alam kung paano ko babaguhin nang kaunti 'yung tesis. :)
--------------------------
P.S.: Inilagay ko itong P.S. Sabado na ng hapon. 'Yung tungkol sa paksa ko sa pinagpipitaganang English Argumentative Paper. Papalitan ko na lang raw 'yung main stand/claim, babaguhin nang kaunti, dahil..basta. At ikinatuwa ko naman kaagad, dahil lahat halos ng nasaliksik ko ay medyo hindi akma d'un sa una kong tesis. Kaya, bunsod ng mga pagbabagong gagawin ko, maaari ko na rin sigurong magamit ang lecture na 'to. :)
Bagaman, hindi ko pa rin gaanong alam kung paano ko babaguhin nang kaunti 'yung tesis. :)
2 comments:
naman, tama ka na kasuklam-suklam an mga palatuntunang ayaw q ng banggitin ang kasumpa-sumpang titulo. Bkit nmn kc pilit na ipinagduldulan ang mga taong ito upang gumanap sa npakagandang SERYE na may npkagandang konsepto?? bkt ndi na lamang humanap at nagpaaudition ng karapat-rapat na artista?? bkt ndi na lamang kumuha ng produkto ng star circle or talent center?? san nga ba nggaling ang mga yan qnd sa loob lamang ng bahay ni kuya?? Anu bng natutunan ng jasmine na yan sa loob ng bahay ni kuya?? ang pagkanta ng peng you, (na "pang yu" ang basa ni agentx44 leading lady)at nang dhl sa pgmamagaling sa ibang lenggwahe, e minarapat niang esplikahin ang ibig sbhin ng naturang awitin, ngunit datapwat subalit! ULTIMO MGA PILIPINONG NAG-AARAL SA CHINESE SCHOOL, MASKI PURONG PINOY, alm na mali ang pageesplika ng jasmine na yan! ANG AKING KAIBIGAN /KAKLASE sa dlsu, hawig nia ang jasmine nyan. ngunit itinuturin niyang kamalasan ang pgkakahawig nla dhl nga sa d katanggp-tnggp na katanganhan sa pgeesplika! Sa pagkamuhi q sa teleseryeng yan, 'na mjo 50 beses lng nmn nlang prinopromote sa isang araw bgo ito naipalabas' pinanunuod q na lmang ang atlantika. Mas ggs2hin q png mgpauto sa mga special effects, kysa sa unawain qng drama, comedy, o horror ba ang pnanunuod q. sna'y minarapat ng estasyon na kumuha ng magaling at talentadong mga artista. hindi ung humugot na lng cla ng kung sinu man at pinipilit nilang paartehin! Sana'y minarapat na lamang nilang kunin si maja salvador! da d hamak nmn na magaling umarte! d aq fan ni maja, pro compared to sa jasmine nyan! lalamunin lng nia yan sa akting! d nmn kc lht ng sikat, e may talento sa pag-arte. kya sana'y wag na nilang ipagpilitan!! ung sa isang katapon-tapong serye na ipinagmamalaki ng kbilang estasyon, na pngbibidahan ng former ibon/superhero, juice q! ANU BA! MAGSAWA NA NGA!! wala na ba silan ibang artista!! ANU B NMN YN! AT, TMA DW BNG PAIKUTIN ANG ISTORYA SA QNG ANUMANG KAYAMANA EKLAVU NA MAY KINALAMAN PA DW KUNO ANG ATING MGA BAYANI?? my katotohanan nga nmng mtaas ang ratings ng naturang palabas. Pero d un dhl sa dekalidad ang serye. ito ay dhl lamang sa walang mapagkaabalahan ang mga tao, at wala clang ibng mpagtytyagaan maliban d2!
ukol naman sa iyong hinagpis sa pagiitsapwera sa lenggwaheng Pilipino, wala aqng maikokomentary. Dhl blewala lng qng mgkomentaryo pa aq. Masyado ng laganap ang pagsasantabi sa ating srling lenggwahe. Pra anu pa na pgaksayahan ng panahon ang paksang ito?? sna lmang maunawaan ng mga tao ang kahalagahan ng ating sriling lenggwahe.
bukod sa dlwang kasumpa-sumpang serye, mrn p aqng idadagdad na ksuka-suka rn! anu dw b itong pngpipilitan ng estasyong ito na pasuotin ng malasailor-moon ng mga artista?? anu bng kaeklavuhan ang pagsasabuhay sa napakapangit na magnanakaw sa imahe ng npakagwapo ntng papang si rg??
pro na lmang kaeklatan ang mga plinaplano nla. San tutungo ang lokal na teleserye?? tiyak na pagsasawaan ito ng tao oras na matauhan sila at manunawaan nilang pro kalokohan ang mga palabas na ito! wag magtaka qng mgcng nlng tau isang arw na sinusuka na ng sambayanang pilipino ang mga gwang pinoy.
sige lang, pagpatuloy nila ang pggwa ng gn2ng mga basura. oo nga't may ipinagmamayabang na effects, pro anu b nmn ito pg kinumpara m sa iba? mas mgnda pa ung sa us nung 80s kysa sa mga gngwa ntn ngaun. qng mamarapatin nilang pasiyahin ang mga manunuod. pag-igihihn muna nila ang pnagmamayabang nialng effects. AT, sna lng ay may basehan na ang pagpili nila sa artista! wag lng un mgnda ang katawan at pinasisikat ng kung anumang bahay! ayusin nla at suriing mabuti ang mga gaganap!!!
jn ngtatapos ang aking komentaryo sa iyong naunang pahayag...=)
Pagkalipas ng ilang buwan, ngayon lang ako nagreply sa komentaryo mo! Grabe, todo-lait ka rin! Mabuhay ang kapisanan ng mga laitero't laitera! Hahaha.. Pero nakakainis naman talaga 'di ba?! Tama ka, huwag na tayong magtaka kung isang araw, isinusuka na ng sangkatauhang Filipino ang gawang Pinoy, kung ganito lang rin ba kasi nang ganito.. Tumino-tino nga sila! =)
Post a Comment