[Paunang-sabi...]
Mukhang matagal-tagal na rin nang huli akong mag-post. Panahon na yata para makapaglagay naman ng bago. Hehehe..
Ang pangunahing dahilan ng kawalang-aktibidad ko ay 'yung pinagpipitaganang English Argumentative Research Paper, na ipinapasa na noong Lunes ng nakaraang linggo (12 Enero 2007)!! Galak na galak ako, bagaman hindi rin ako masyadong natuwa sa papel ko. Ayos na rin; natapos na ang buwan-buwang impiyerno. Hahaha..
Ngayon pa nga lang rin pala, nililinaw ko nang hindi ito panlilibak sa pinanood kong dula noong Biyernes ng gabi. Katunayan niyan, natuwa ako nang sobra d'un sa play. Ang saya. Pagsaludo nga pala sa lahat ng nagtrabaho upang mabuo at maisaayos 'yung dula! :)
[Buweno...]
Noong Biyernes (16 Enero 2007) at Sabado (17 Enero 2007) ng gabi, nagmukha akong.. umm.. pusang gala dahil ginabi na ako sa kalsada at hindi ko pa alam at kabisado ang dapat kong daanan. Nanood kasi ako ng Sandaang Panaginip (sa direksiyon ni Jerry Respeto) noong Biyernes, at natapos ng 9:30 na ng gabi, at wala nang LRT kapag ganoong oras. Samantala, may ASPAC chorva naman noong Sabado, at mga alas-diyes na rin ako nakatakas sa naturang event. Mabuti noong Biyernes kasama ko ang aking butihing ama at nag-dyip na lang kami (tatlong beses papalit-palit) pauwi. Noong Sabado naman, wala talaga akong kasama; para ngang pusang galang naliligaw.
Cubao/Stop 'n' Shop ang una naming sinakyan noong Biyernes, na ubod ng bilis. Parang nakikipaghabulan sa kung anuman. Parang adik 'yung driver. Parang may lakad pa at mahuhuli na siya kung saan man ang paroroonan niya, at mukhang sa impiyerno yata ang destinasyon.
Buti naman, nakarating kami nang matiwasay at malinis (i.e., walang dugo-dugo at hindi pisak ang anumang bahagi ng katawan). Lumipat naman kami ng dyip papuntang Divisoria, at pagdating sa Recto, sumakay naman ng Malinta at bumaba nang buhay at buo malapit sa aming tahanan.
Noong Sabado naman, nanggaling ako sa Kampo Crame, na siyang venue ng pinagpipitaganang ASPAC event. (Ewan ko kung bakit doon, at hindi ko lubos maisip na nanaisin nilang magsagawa ng recollection at reunion sa mismong lugar na sinabugan ng granada noon, na ikinamatay ng isang aide). Inihatid ako ng sasakyang pambarangay sa may sakayan papuntang San Juan, at mula doon, sumakay ako ng papuntang Divisoria, saka naman ang dyip na Letre ang destinasyon.
Pusang gala talaga.
At habang ako'y nangangarag sa kachuvahan ng pagpapalit-palit ng mga sasakyang dyip, minarapat kong tumingin at magmasid-masid na lamang sa labas at tumanaw sa tahimik na tahimik na Kamaynilaan. Ka-utang-utang na loob ang mga nasaksihan ko.
Noong Biyernes, habang tuwang-tuwa ang driver sa pag-co-convert ng dyip niya bilang roller coaster, may nakita akong binatilyong tumatawid (hindi ko alam kung tumatawid lang nga o gagawing pasyalan ang buong kalsada). Ayos. May hawak-hawak na supot na nakadukdok sa bungangaan (i.e., ilong at bibig) niya. Naaninag ko 'yung chenes sa ilalim ng plastic. Hmm, mukhang likidong malagkit na may kabigatan dahil bakas ang bahagyang pagkahila ng gravity sa plastic. Ayos, sige lang, hithit lang. Tumawid ka pa ng kalsada. May pupuntahan pa yata 'yung binatilyo, at may tumpok ng mga bata sa may tabi ng kalsada. Share? Utang na loob.
Pagbaba naman namin ng Recto, may mga binatilyo rin, dalawa yata, pero walang tangan-tangang supot na nakadukdok sa bungangaan. Ang kasama naman nila ay isang pedicab, na may nakapatong nang sako. Samantala, naghahalukay nang todo 'yung dalawang bata sa instant tambakan ng basura sa may kanto ng naturang kalsada. Actually, maraming pook na naging instant tambakan, at mayroon ding mga bata na naghahalukay sa mistulang hundred islands na mga basurahan. Pinaghahanap yata nila 'yung mga lata ng softdrinks o kung anuman, pati yata mga plastic. Malamang ibebenta sa junkshop. Ang saya, ang lawak na ng basurahan natin, nabigyan pa natin ng instant trabaho 'yung mga bata. Utang na loob.
Dahil walang sasakyang masyadong nagdadadaan, nagdesisyon ang aking butihing ama na maglakad papuntang Avenida, marami-rami yatang dyip d'un. Maya-maya, may isang kachuvahan na nakapaso sa tatay ko ng hithit-hithit niyang sigarilyo (ewan ko kung sadya). Parang autistic 'yung tao ('di ko na rin nasiyasat kung babae o lalaki). Parang inatake ng cerebral palsy. May kasama siya, pero hindi yata napansin n'ung kasama niya na nakapaso na nga siya. Buti't hindi na minarapat ng tatay kong batukan o sapakin 'yung tao. Nang makatawid sila, napansin kong parang sinaway n'ung kasama niya 'yung tao, muntik yatang masagasaan or something. Saka naman lalong tumibay ang hinala kong may diperensiya 'yung tao. Ewan ko, naglalakad sila nang gan'un sa dis oras ng gabi, parang 'di alam kung saan pupunta, 'di alam kung saan magpapalipas ng gabi. Utang na loob.
Maliwananag ang Avenida. Aktibo ang bago-bagong gawang parke. Naglipana ang mga tao, especially babae. Hmmm, ano kaya ang gagawin nila sa dis oras ng gabi? Alangan namang mamasyal, lagpas alas onse na. Higit sa lahat, 'di naman kagandahan 'yung mashubang 'parke'. Hmm.. Utang na loob.
Sabado naman, sumakay ako ng dyip papuntang San Juan galing ng Crame. Nakita ko naman 'yung isang ale, pagod na pagod na yata sa pagbebenta ng balut niya, nakasalampak na lang d'un sa may parang plaza. Samantalang may isang lola doon naman sa kabilang banda ng kalsada, solong-solo ang mundo. Hindi ko alam kung kahit isang beses ba ay nagkaroon ng pamilya 'yung matanda. Naman kasi, wala na talagang awa sa katawan, kahit katiting, 'yung kapamilya n'un kung mayroon man. Nand'un lang siya, parang handang-handa nang matulog at humilata sa kalsada, tila ba hinihintay na lang na kunin siya ng Panginoon, o kung sino mang kukuha sa kanya mula sa masalimuot na mundong ito. Hindi ko lubos maisip kung ano ang mangyayari d'un sa lola sa gitna ng kalsada, kapiling ang lahat ng uri ng mikrobyong galing sa ihi, dura at basura nating lahat. Utang na loob.
Pagdating ko sa Recto, may mga bata pa ring naghahalukay ng kung ano sa mga tambakan ng basura. Utang na loob.
Magbunyi at magpalakpakan tayong lahat. Dahil ito, mga bata, ang economic boom.
Boom tarat-tarat. Boom tarat-tarat.
Tararat, tararat.
BOOM BOOM BOOM.
'Ika nga kasi n'ung something sa somewhere,
[qtd. in theomacproject] :)
Boom tarat-tarat. Boom tarat-tarat.
Tararat, tararat.
BOOM BOOM BOOM.
Mabuti naman at alam mong hindi namin alam.
Sabihin mo na rin pala sa amin ngayon na ang walong milyong piraso ng ginto ay para sa masa at hindi para sa palasyong bakasyunan. Na kung bubuklatin ang puso mo ay pagmumukha ng masa ang makikita, at para sa masa ang lahat ng ito.
Sandaang panaginip ng taumbayan. Sandaang pangarap ng kachuvahang politiko. Sandaang kalokohan.
Magaling, magaling, magaling.
Utang na loob.

Filipinos are reaping the rewards of the economic boom, they just don't know it.
[qtd. in theomacproject] :)
Boom tarat-tarat. Boom tarat-tarat.
Tararat, tararat.
BOOM BOOM BOOM.
Mabuti naman at alam mong hindi namin alam.
Sabihin mo na rin pala sa amin ngayon na ang walong milyong piraso ng ginto ay para sa masa at hindi para sa palasyong bakasyunan. Na kung bubuklatin ang puso mo ay pagmumukha ng masa ang makikita, at para sa masa ang lahat ng ito.
Sandaang panaginip ng taumbayan. Sandaang pangarap ng kachuvahang politiko. Sandaang kalokohan.
Magaling, magaling, magaling.
Utang na loob.
2 comments:
omg!!! ohmygahdomargod! ang astig neto:)
at yes, ang ganda ng sandaang panaginip.
puwede tong objective-correlative of some sort.;p
Ei.. Maraming salamat po sa pagdaan at pag-iwan ng komentaryo! :)
Post a Comment