Sabi nila, what doesn't kill you...pesters you. CHOS
hahahahaha.
So pagkatapos ng best year of my life (2010) ay dumating ang
itinuturing kong worst year of my life so far (2011). At sa lahat ng pagsubok
na dinala ng taong 2011 sa buhay ko at sa mga buhay niyo (daming readers?
Hahaha), hindi naman tayo natigok o anupaman, kaya asahan na lang nating
patuloy lang tayong gagambalain ng mga naturang pagsubok hanggang sa susunod na
taon (huwag naman po sana huhu).
Dahil bagong taon ang pinaka-emo na okasyon para sa katauhan
ko (pinaka-emotero ako kapag nakakapanood ng fireworks display sa bagong taon
haha), pabayaan ninyo ako. HAHAHAHA. Pabayaan ninyo akong magbalik-tanaw
sa mga nakakapanibago/nakakairita HAHA/magulong mga pangyayari sa buhay ko
ngayong taon.
Enero
-1: Simula ng bagong taon na may napakalaking pag-asa sa hinaharap.
Malay ko bang hihinayupakin ako ng taon. Haha.
-3: Balik-"trabaho" matapos ang
masasayang holiday; bum pa rin forever haha.
-4: Naisipan ng HR na itatapon niya na lang
ako sa Intramuros.
-5: Unang araw sa Intramuros, lunch date
with the VP.
-6-7: Time off para asikasuhin ang promo
papers; pagwawala sa harap ng mga kaibigan at pagmumukmok like no tomorrow
haha.
-10: Opisyal na araw ng pagkakatalaga sa Cash
Center, itinapon para italaga sa Makati imbes na Intramuros. Encounters with
the real world begin.
-Pagmumukhang timang habang inaaral ang mga gawain at
responsibilidad sa Cash Center. Awkwardo Versoza sa mga maraming staff.
Pebrero
-14: Valentine's celebration mayaman mode sa
Cravings Katipunan with orgmates. Single life forever. Haha.
-18: Rent in Manila. In fairness to
Fredison my high school batchmate. Haha.
-Reunited with my only sport badminton hahaha with friends
from different departments. Naks social animal may friends sa ibang department
CHOS hahaha.
-Discomfort with the real world begins. And sustained
throughout the year hahaha.
Marso
-Medyo marunong na sa mga responsibilidad kung kaya't
naoobliga na rin sa labis na gabing pag-uwi.
-28: Pagtatapos sa High School ng butihing
kapatid; unang vacation leave bilang isang full-fleged empleyado haha.
-Japan Earthquake at Tsunami. Afraid.
Abril
-21-23: Kuwaresma. At mga maraming pagmumuni ukol sa buhay.
-26: Apat na buwan sa unang assignment sa Makati Cash Center
at biglang inanunsiyong malilipat na ako sa Intramuros. Pagkalungkot ulit like
no tomorrow dahil sa mga preysyur inaasahang mangyayari sa Intramuros, at dahil
sa pagkawalay sa mga tanging malapit na kaibigan sa buong kompanya, my OTP
friends. (Uy. HAHA.)
-Pagkadiskubre
at pagtaya sa mundo ng Mutual Funds hahahaha.
Mayo
-2: Unang
araw ng paglipat sa Intramuros.
-7-9: Cagbalete
Island, Quezon experience habang bagyong Bebeng. Alon at hangin like no tomorrow.
Naging 3D/2N ang bakasyong dapat ay overnight lang. Unang pagkakataong
ma-stranded sa isang isla with matching pag-uga ng kubong tinitirhan. Emergency
leave. Hahaha.
-21: Unang diumanong end of the world/rapture c/o FamilyRadio. Nawaley. Haha rescheduled to 21 Okt 2011 daw.
-Super bum office life haha as in bored lang halos araw-araw at 'di malaman ang mga dapat gawin kahit maya't maya ang mga meeting tungkol sa mga gustong gawin ng management para sa department. May pruweba ito sa blog na ito: nakagawa ako ng isang entry habang nasa opisina hahaha.
-Nakayanan ang paglayas nang maaga sa opisina at pagtungo sa kung saan-saan like org and orgmate events sa gabi.
-21: Unang diumanong end of the world/rapture c/o FamilyRadio. Nawaley. Haha rescheduled to 21 Okt 2011 daw.
-Super bum office life haha as in bored lang halos araw-araw at 'di malaman ang mga dapat gawin kahit maya't maya ang mga meeting tungkol sa mga gustong gawin ng management para sa department. May pruweba ito sa blog na ito: nakagawa ako ng isang entry habang nasa opisina hahaha.
-Nakayanan ang paglayas nang maaga sa opisina at pagtungo sa kung saan-saan like org and orgmate events sa gabi.
Hunyo
-1: Matapos
ang humigit-kumulang isang buwang bum mode, inilipat muli ng assignment sa
Intramuros Cash Center.
-Hindi na malaman kung saan ba talagang lulugar/ilulugar. Go with the flow/don't resist anymore/nyemas bahala na sila outlook in life HAHA.
-16:Happy one
year of being a trabahador for the company.
-23: Crazy bagyo day kung kailan madaling araw na kami nakauwi. Afraid.
-30: One year of this national government. Ugh.
-Hindi na malaman kung saan ba talagang lulugar/ilulugar. Go with the flow/don't resist anymore/nyemas bahala na sila outlook in life HAHA.
-16:
-23: Crazy bagyo day kung kailan madaling araw na kami nakauwi. Afraid.
-30: One year of this national government. Ugh.
Hulyo
-14: Simula ng
Six Sigma Green Belt training sessions at manaka-nakang "pagtakas" sa
buhay sa Intramuros at pagka-reunite sa Makati. Hahaha.
-Inilipat muli mula sa Intramuros Cash Center paakyat ng 5th Floor para mai-assign sa Monitoring. Ikaapat na assignment sa department sa loob ng pitong buwan.
-Singhalan at pagalit galore night dahil sa isang lintikang tanong na hindi nasagot. Haha tapos nag-leave siya ng isang linggo nagkasakit daw. Hahaha.
-Inilipat muli mula sa Intramuros Cash Center paakyat ng 5th Floor para mai-assign sa Monitoring. Ikaapat na assignment sa department sa loob ng pitong buwan.
-Singhalan at pagalit galore night dahil sa isang lintikang tanong na hindi nasagot. Haha tapos nag-leave siya ng isang linggo nagkasakit daw. Hahaha.
Agosto
-1: Pagdiriwang
ng ika-160 anibersaryo ng butihing kompanya.
-13: Volunteer
work para sa Habitat for Humanity sa Pasig bilang bahagi ng pagdiriwang ng
ika-160 anibersaryo.
-Pagpapatuloy
ng mga depresyon at pagkukuwestiyon kung anyare ba sa buhay ko.
-14: Nakagat ng aso namin HAHAHAHAHA rabies.
-16: Unang sick leave bilang isang full-fledged empleyado dahil
pinilit ng inang ipatingin ang kagat ng aso. First out of five shots of
anti-rabies vaccine.
Setyembre
-23: Pagtatapos
ng mga training session para sa Six Sigma Green Belt. Pagtatapos ng mga
masayang pananatili sa Makati.
-27: Pagsalakay
ng bagyong Pedring. Pikon na pikon na pikon dahil gabing-gabi nang nakauwi
samantalang nagbababagyo. Ikinintal sa utak na hindi na talaga ako
makapaghintay sa 2014. Haha.
-28: Pagsisimula ng bagong proyekto ng monitoring unit,
pagkawindang kung paanong sisimulan at gagawin nang maayos ang mga ipinagagawa
ng pamunuan.
-Good
feedback sa umpisa, pero kaagad ding dumako sa complaints galore.
-Crazy
US and Philippine Markets. Uy ekonomista. Wahaha.
Oktubre
-Pagpapatuloy
ng proyekto at ng complaints galore ukol dito.
-8-10: Ilocos
2011! Ikalawang pagtapak sa Ilocandia sa loob ng dalawang taon with old and new
found friends, at unang beses sumakay sa eroplano!! Hahaha. Gotta love Laoag/Pagudpud/Batac/Paoay/Vigan etc again. Bumisitang
muli sa mga maraming Ilocandia spots at nanatili sa same hotel kung saan din
kami tumuloy last year. Fun fun trip. Ikalawang vacation leave for the year
HAHA. Pahinga, pagsasaya, at pagmumuni.
-21: Ikalawang diumanong rapture/end of the world c/o FamilyRadio. Nawaley ulit. Hahaha.
-21: Ikalawang diumanong rapture/end of the world c/o FamilyRadio. Nawaley ulit. Hahaha.
-23: Adidas King of the Road 2011! Found a new love este
sport, running.
-30: Jason
Mraz Live in Manila!!! Super fanboy mode hahaha.
-31: Pagbisita sa sementeryo. Very serene. Haha.
-Very
eventful haha kahit na patuloy lang din ang mga depresyon at pagkukuwestiyon sa
kahulugan ng lahat ng ito. Extra late nights and extended stays sa opisina,
habang iregular ang mga oras ng pagkain at ni halos walang panahong umihi. Haha
windang mode.
-Inanunsiyong
ililipat akong muli ng department sa mga susunod na araw, sa Statements Center
naman. Go with the flow/nyemas bahala na sila outlook na talaga ito.
Nobyembre
-1: All Saints' Day. 'La lang HAHA.
-9: Ika-22 taong kaarawan. "Mr. Curious well I need some
inspiration/It's my birthday and I cannot find no cause for celebration."
- J. Mraz.
-21: Supposedly lilipat na ng department pero biglang umatake ang
Internal Audit sa aming unit. Afraid. Haha.
-26: Second run for the year: HSBC Fun Run 2011 and an improved
PR (WEH FEELING PROFESSIONAL HAHA) from Adidas KOTR.
-29: Twitter post "The longer you delay, the more you
suffer. #NoteToSelf" AHAHA #WalaLungs
-Nadiskubre
at tumaya sa mundo ng stock trading. Feeling investor hahahaha.
Disyembre
-1: Supposedly project presentation para sa Six Sigma Green
Belt, pero naudlot.
-1: Nagsimula na sa paglipat sa bagong department.
-2 to present HAHA: simula na naman ng
pagmumukhang timang habang inaaral ang mga gawain at responsibilidad sa bagong
mundong ito.
-17: Third run for the year: Don Henrico's Run. Waley at
nagkaligaw-ligaw ako dahil sa mga kakulangan nila sa pag-oorganize.
-25: Christmas Day. 'La lang. Hahaha madami nang pamangkin at
madami na ulit bata sa angkan.
-31: Last Day of the Year. Emo night habang pinapanood ang mga
fireworks display sa TV. At ang onting fireworks din ng kung sinu-sinong
kapitbahay. Baby you're a firework, come and show 'em what you're worth.
Hahaha.
-Christmas
lunches/dinners with the people who matter. Uy. Hahahaha.
-Pag-atake
ng bagyong Sendong sa bahaging timog ng bansa. Nakaka-stress sa dami ng
biktima.
Pilit
ko pang inaalala ang kung anu-ano pang mga nangyari, pero ito na lang ang kaya
ng maulyanin kong memorya. Puwede na 'yan comprehensive na rin. Hahaha.
Sa
dulo't dulo pala ng taon, kahit ano pang mga uri ng depresyon at angst ay
naroon at naroon pa rin ang pakiramdam ng pasasalamat. Dahil nandito pa rin
tayo at patuloy na may pagkakataong itama ang mga mali, dahil patuloy tayong
may pagkakataong lumikha ng pagbabago sa mundo. Dahil sa pagtatapos ng taon ay
napagtatanto pa rin nating napakaraming karanasan pa rin ang nagturo sa atin
tungkol sa buhay at sa sarili. Dahil ang lahat ng karanasang iyon ay
mapagtatanto nating dapat pa ring ipagpasalamat. At dahil SA WAKAS AY NATAPOS
KA NA RING HAYOP NA TAON KA. WAHAHAHA.
So pasasalamat...
-Panginoon, dahil patuloy mo akong tinuturuang
magtiwala sa Iyo nang buong puso at hindi sumandig sa aking sariling
pang-unawa. Take Me Out of the Dark as my year song. Panalangin ko pa rin ang
punto-de-bista, Panginoon. Alam Mo 'yan. Salamat.
-Familia, dahil kahit anong grump ko matapos
gabihin like everyday sa opisina ay keri lang kayo at patuloy ang suporta at
sinasabayan niyo pa rin akong mag-dinner. Uy famealy day everyday. HAHA.
-OTP 121 Externals, dahil kayo ata ang
pinakamahalagang lupon ng kaibigan ko sa taon, sa pagdamay at sa pagsasalo
natin sa mga kalungkutan at angst sa mundo. HAHAH. Sa mga kabaliwan natin at
cling sessions. Nawa'y mas maigting pa ang ating pagsuporta sa isa't isa sa
susunod na taon.
-BOMC Externals, dahil nagkakaintindihan
tayo masyado HAHAHA. Gabayan tayo ng Panginoon sa isa na namang taon sa
Intramuros.
-BOMC at BPI, dahil kahit bitchessa ka(yo) most of
the time ay may manaka-naka kang naituturo sa akin maya't maya. Harinawang
magamit ko nga ang mga natututuhan ko sa iyo sa mga susunod ko pang
pakikipagsapalaran sa buhay.
-Pan Delicioso +/-, dahil sa Cagbalete WAHAHA.
Dahil kayo pa rin ang pinakamaingay na lupon ng kaibigan na meron ako. HAHA
salamat sa lahat ng katatawanan at pag-usad natin sa buhay sa taong ito.
Nakatutuwang isipin kung nasaan na tayo ngayon mula sa ating pagsasalo noong
kolehiyo. Pagpapala sa ating lahat sa pagpapatuloy natin sa pag-usad sa buhay.
Sa mas marami pang Cagbalete experience! HAHA.
-ENTA Friends, dahil naipapaalala ninyo palagi sa akin
ang mga alaala ng kolehiyo at ang lahat ng kagalingan at kagandahan nito. Uy.
Hahaha. Sa mas marami pang mga dula, indie films, mainstream films, at showbiz
tsismis na ating pagsasaluhan at isasailalim sa mga kritikal nating panuri. Haha.
-Brenda, dahil patuloy tayong nagsasalo sa pagkakaibigang binuo pa
noong High School. Ang saya ring makita kung nasaan-saan na tayo ngayon mula sa
ating awkward years sa High School. Haha.
-2011, dahil tapos ka na. CHOS hahaha dahil sa lahat. Sa lahat-lahat
ng kahinayupakan mong taon ka. HAHA.
Dear
2012, binugbog ako ng 2011. Maghinay-hinay ka naman. Hahaha. Alam kong marami
ka ring dalang pagsubok. Pero patuloy ang ating pag-asa na kahit anupaman ang
mga pagsubok na iyong ihahatid ay kakayanin natin at ikayayabong ng ating mga
pagkatao't buhay.
Pagpapala
ng Panginoon nawa ang ating maging sandig sa ating pagharap sa panibagong taong
ito.
Maligaya at Makabuluhang Bagong Taon!