Matagal ko na itong gustong sulatin, medyo mga dalawang linggo na marahil ang nakararaan. Subalit dahil sa dami ng kaechusahan sa eskuwelahan na bumagabag sa mapayapa kong buhay, medyo dalawang linggo ring simot sarap ang oras ko sa pagpapakalunod sa mga kailangang gawin. At dahil magmula kani-kanina'y medyo magwawakas nang panandalian ang mga echusa sa buhay estudyante ko, nakahagilap rin ako sa wakas ng oras para maibalita ang gusto kong ipangalandakan.
Medyo kinilabutan lang kasi ako. Noong ikalabinsiyam ng Enero, kasalukuyang taon, nagdiwang ng ika-labing walong kaarawan ang butihin kong pinsan. Mega selebrasyon, at medyo nagsidalo ang karamihan sa mga kamag-anakan at kakilala.
Muli namang nagtagpo ang tatay ko at ang kanyang friendship na may kaugnayan rin sa debutante (hindi ko matandaan kung tito ba, ninong, kapatid ng pinsan ng kapitbahay ng kapatid ng tita niya, o simpleng kapitbahay lang). Todo inuman, todo kuwentuhan.
Nang umabot na sa puntong tapos na ang programa, medyo chill-chill pa ang mga utaw sa pinagdausan ng event. Pero maya-maya lang rin, mga alas dose ng hatinggabi, nagsimula nang magsiuwian. Pagkatapos magbalot ng mga take-home chibog ng nanay ko (ahahaha), nagkayayaan na rin kaming magpapamilyang umuwi na.
Heto namang tatay ko, nawili sa kaiinom. Mauna na raw kami. Take note, Blumentritt, Maynila, mag-a ala una ng madaling araw. Ang saya-saya 'di ba. Tapos, balikan ang paglalarawan ko sa kalsada sa may amin noong entry ko pagkatapos manood ng PBB Edition 2 Big Night. Perpektong perpekto para sa kung anumang krimen. Pumili ka na sa Robbery, Rape (assuming uli. Hahaha), Robbery with Rape, Homicide o Attempted Homicide, Robbery with Homicide, Murder, Robbery with Rape with Homicide plus Murder, o kahit na anong krimeng binibigyang-kaparusahan ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas at ng Revised Penal Code. Tapos pauuwiin kami ng tatay ko nang hindi siya sasama. Juice ko.
Sa kabutihang palad, humihinga pa ako hanggang sa mga oras na ito at itina-type ang entry kong ito. Anyway, labas na 'yan sa isyung nais kong talakayin.
Nang magyaya kasi akong umuwi na, ipinakilala naman ako ng aking ama sa kanyang kanina pang kakuwentuhan at kainumang friendship. At pagkatapos ng introduksiyon sa kanya, pati na rin sa kanyang anak, sabay nabanggit mula sa kawalan na pupunta ako kinabukasan sa Bilibid para sa pagtatapos ng echusa workshop ng aking organisasyon.
Sabay banggit naman ni kaibigan (paumanhin, hindi ko natatandaan ang kanyang ngalan) ukol sa isang pakiusap. Yaman din lamang at tutungo ako ng Bilibid, pakitanong ko na rin raw kung ano na ang estado ng isang Rey Yap, na dating Mayor ng Misamis, na kaibigan raw niya. Nabilanggo raw kasi ang nabanggit, at nais niya lamang malaman kung ano na ang estado nito, kung nand'un pa rin ba sa Bilibid o nakalaya na. Medyo matagal na rin daw kasi silang hindi nagkakausap, o nagkakakitaan, kaya naman nais raw niyang dalawin kung sakali.
Sa isip ko, mahirap itanong ang ganyang impormasyon. Hindi naman kami sa opisina pupunta, at may nakatalaga lamang kaming programa sa kung ano ang gagawin namin sa loob, at oras ng pagpunta. Pero siguro, susubukin ko na lang usisain sa kung saan bukas. Pero medyo diskumpiyado na akong makukuha ko ang impormasyong kanyang ipinakikiusap, kaya medyo pahiwatig na akong baka hindi ko maitanong. Ang sabi niya, tanong lang naman, pakitanong raw.
Eh 'di kinabukasan na. [Side note: Alas kuwatro pasado na ng madaling araw nakabalik ang tatay ko sa aming bahay.] Punta na kami ng org mates sa Bilibid para sa aming programa. Manaka-nakang pumasok sa kamalayan ko ang ipinakiusap sa akin. Pero dahil mukhang walang mapagtanungan, medyo hindi ko na tinangka pa. Hahanapin ko na lang siguro sa net, kako, baka may matagpuan akong impormasyon. O magdadahilan na lang. O kung anuman. Ewan.
Kinabukasan, naghanap ako sa net, pero sa kasamaang palad, kapag igoo-google ko ang pangalang "Rey Yap," walang lumalabas na mahalaga. Medyo umechos na rin ako ng kung anu-anong keyword, pero wala talaga. Bahala na lang, kako, saka ko na iintindihin kung tanungin ako.
Hindi matagal na panahon ang lumipas, narinig ko na lang sa TV Patrol ang pangalang 'yun, napaslang raw sa pamamaril sa isang korte sa Maynila. Siyempre naroon na ang kilabot moment; kahit hindi ko siya personal na kakilala, siya ang kamakaila'y nabanggit sa akin, kamakaila'y pinahanap sa akin at tinangka kong hanapin kahit na bahagya. Siya ang medyo hindi ko binigyan ng kaukulang pansin, sa pag-aakalang wala namang kung anong magaganap, tapos ngayon dedbol na. Sumalangit nawa.
At heto na ang pagmumuni-muni ukol sa buhay.
Hindi ko alam, pero nagdrama-dramahan lang siguro ako nang mapasaisip ko ang kaikian ng buhay ng tao. Biruin mo nga naman, heto ang prima facie evidence ng matagal na nating naririnig sa kung saan-saan na kesyo lagi raw hindi inaasahan ang mga mabibigat at/o kahit 'yung mga simpleng pangyayari sa buhay. Ni wala kahit saang sulok ng utak at imahinasyon kong malalagutan ng hininga nang ganoon kadali ang taong kamakailan lang ay pinagpaisip ako nang bahagya at pinag-alala sa kung ano ang isasagot ko(sakaling tanungin ako.
Nariyan na rin ang pagmumuning ano kaya ang puwedeng nangyari sakaling naitanong ko nga at napag-alamang wala na sa Bilibid ang taong 'yun noong mga panahong nakalipas, at naghe-hearing na lang sa Maynila. Sakali kayang naibalita ko sa nagtatanong, nagawan kaya niya ng paraang mahagilap kung nasaan na siya? At kung ganoon nga, nagawa kaya niyang kausapin? Nagawa kaya nilang magkakuwentuhan muli pagkatapos ng pagkaputol ng ugnayan? Lahat 'yan nasa lugar na saklaw na lamang ng "sakali," ng "baka." Kahit na kailan nga yata, mahirap ang makipagtunggalian sa "sakali" at "baka."
Well, nangyari na ang nangyari, pero dahil sa nangyari (ikatlong pag-uulit sa salitang "nangyari." Haha.), palagay ko may napulot na naman akong kung ano ukol sa buhay. Ang hindi pagsasayang ng bawat segundo dahil tunay ngang hindi mo alam kung ano ang susunod na kabanata. Ang paggawa ng nararapat at hindi pagpapaliban. Ang pamumuhay nang masaya, dahil bukas makalawa, hindi mo alam kung humihinga ka pa.
Drama.

No comments:
Post a Comment