Thursday, January 10, 2008

ISANG TAON

Ang bilis nga naman talaga ng pagtakbo ng panahon. Akalain ninyo, bagong taon na naman. Namaalam na ang 2007, sabay pasok naman ng 2008. Malalaman na lang natin, 2009 na, 2010, and so on, dot dot dot.

Kasabay nito, saktong isang taon na sa araw na ito ang aking minamahal na ryomar.blogspot.com. Isang taon na pala ang lumipas mula nang mairita ako sa isang major kabalahuraang serye, na naging sanhi ng paglikha nitong blog, at pagsulat ng ilan pang 'di malilimutang (OWS?? Hahaha.) entries.

Masaya naman ang nakalipas na unang taon ng aking bloglife, bagaman medyo naiinip yata ang mangilan-ngilan kong tagabasa dahil nuknukan ng tagal bago ako makapaglagak rito ng anumang bago. Minsan kasi, todo-todo ang kaechusahan sa eskuwelahan. Minsan naman, walang maisulat. May mga pagkakataon namang may gusto akong isulat, subalit dulot ng forever sakit na kung tawagin ay "katams," hindi na natatapos magpakailanman at napapanis sa drafts. May humigit-kumulang lima akong ganitong mga nabulok na ideya.

Nakakatuwa lang rin na sa isang taon ng aking blog, pumalo sa limandaan ang bilang ng site counter na nasa kanang bahagi ng pahinang binabasa mo ngayon. Kahit pa sa pagkuwenta ko mga higit dalawandaan at limampu sa bilang na 'yan ang kumakatawan sa mga panahong ako lamang ang bumisita, ayos na rin na may nasa mga dalawandaang napadpad sa blog na ito (kahit 'yung iba hindi naman yata nagbabasa), nang kahit paano marahil ay mabahiran sila ng ma-BrenDa kong pag-iisip. HAHA.

Nai-promote na rin ang balahura kong echos sa blog na ito ng mga mahal na patrong search engine, namely google, yahoo, at may kung ano pang mga iba. Katunayan niyan, hindi iilan ang napadpad rito dahil sa kanilang pananaliksik (kuno). Hayaang ibahagi ko ang search keyword ng ilang mga tao na naging sanhi ng kanilang pagbisita rito:

Jan 10
ano ang depinisyon ng context clues

Jan 9
mga himala ng poong nazareno
nazareno, nanghipo
karinderya instant noodle college
pagpili ng tamang kursong kukunin sa kolehiyo

Jan 7
mga balita ukol sa kawalan ng kubeta ng mga bahay sa pilipinas

Jan 6
ipaliwanag ang kapangyarihan ng wika, ang wika ng kapangyarihan by conrado de quiros

Dec 8
halimbawa ng pagmamalabis o exaggeration

Dec 7
sandaang panaginip balagtas

Nov 28
kadahilanan sa hindi pagtatapos ng mga estudyante

Nov 26
"uaap uniform"

Nov 25
saan nakaharap ang monumento ni jose rizal

Nov 23
branches of copytrade
mga proyekto o naisulat ni francisco balagtas
depinisyon ng context clues

Nov 22
ano ang tamang termino sa pagpunta sa cr
ano ang paksang pangungusap
halimbawa ng liham sa pagliban sa klase

Nov 20
kilalang litanya
depinisyon ng genre sa filipino 2
hindi malilimutang linya sa tv ad

Nov 18
kadahilanan bakit si rizal ang piniling bayani?
glutaphos dosage

Nov 17
kadahilanan ng mga estudyante sa pagliban sa klase

Nov 13
pagsasabuhay ng simpleng pamumuhay

Nov 12
mga kanta tungkol sa hinaharap

Nov 9
karapatang panunuligsa

Nov 7
mga baldadong pinoy na naglalaro ng basketball

Nov 4
background about glutaphos

At mayroon pang hindi ko na nakita ang petsa ng pagbisita:
chenes eklavu meaning

Heto lang ang random reak ko sa mga 'yan. Ikaw na ang bahalang pagtugmain kung saan ko 'yan reaksiyon:
1. Juice ko po!
2. Ano raw??
3. Mukha bang akademiko ang blog ko? Hahaha.
4. Umm, ewan ko na lang.
5. HAHAHAHAHA.

Hindi na rin naisali ang ilan pang mga keyword ng makalumang panahon, dahil para sa huling isandaang bisita lamang ang aking nakalap. Sa madaling salita, may mga mas aliw pang search keywords na nakapagpapunta sa unang 1-400 tao sa blog ko. Kung paano akong natawa nang lubos noon sa mga 'yun, gan'un rin ang pagkakunot ng noo ko ngayon dahil wala na akong maalala kahit na isa. Hmm, tutal naman at marami silang napadaan dito dahil sa glutaphos, gumamit na kaya talaga ako n'un? Hahahaha.

Salamat na rin sa mga personal kong kakilala na patuloy ang manaka-nakang pagdaan dito. Sana nakatulong rin sa inyo ang pagbabasa ng mga sinulat ko, kahit man lang panandaliang aliw (ano 'yan?!?!), pagkabukas ng isip sa mga isyu (well, ayon sa ilan kong narinig) o kung anuman. Sana 'wag kayong magsawa sa pagsuporta.

Mistula lang artistang nagpo-promote ng kung ano eh noh?? Nyahaha.

Isa lang pabati:
HABERDAY
ryomar.blogspot.com ! ! !

Harinawang mas maging matiwasay ang aking bloglife sa ikalawang taon nito. Tsaka na ang 2007 Flashback at/o Happy New Year entry. Katulad ng mga nakaraan, ang pagtapos ng mga 'yan ay dedepende pa rin sa lebel ng ka-busyhan at katamarang mamamayani sa mga susunod na araw.

Babatiin ko na lang rin muna kayo,
MALIGAYA
at
MAPAYAPANG
2008 ! !

(parang ang sagwa ng color combination. WAHAHA.)

3 comments:

Anonymous said...

ahahaha. kmusta nman? tanungan ng bayan ang blog mu ah...
nway, curious lng ako noh, anu nman ang icnasagot mu jan sa mga balahurang ngtatanung sau? nakakatawa tlg!haha

OMAR said...

Hindi ko naman sinasagot. Napapadpad lang sila talaga rito. Baga, subukin mong i-type ang alin sa mga keyword na 'yan sa Google o Yahoo, at baka ilabas nilang Search Result ang isa sa mga isinulat ko.

Obviously, hindi nakatulong sa mga hinahanap ng mga tao ang mga entry ko, kung pagbabatayan ang mga nabanggit na search keyword. Nyahaha.

Paumanhin na lang sa mga napadpad dito na wala namang napulot. Patawad sa pag-agaw ng kaunti ninyong oras, pero sana nakapagbasa rin kayo at may napulot na kahit anong kabalahuraan. :))

jojoemojoe said...

ouch.. i'm sorry to tell you this, i think you must have said from the start that you don't have any connection with the said search things..haha.. out of my curiosity, i read the whole text hoping i can get fruitful information... anyaway, thanks. :)