Sa totoo lang, pahabol lang ito para nakadalawang entry man lang ako sa buwan ng Enero. Hahaha.
Heto ang isang pagtatangkang tumula, isang pagtatangkang ipahayag ang nararamdaman sa mga nakalipas na araw sa pamamagitan ng sukat at tugma. Medyo may katagalan na ito, ngayon ko lang mailalagak rito. Para eksakto, 19 Enero 2008, 10:10AM sa LRT V. Mapa Station ko ito natapos. Nakatutuwa lang balikan na may puwede palang maging produkto ang kautakan ko habang bumibiyahe. Hahahaha.
Babala: Medyo ma-dramang tagpo ito a la MMK care of Charo Santos, o Magpakailanman care of Mel Tiangco. Hahaha.
---------------------------------
KAPAGURAN
Sa mga ganitong kapanahunan:
Maraming katanungang
Hindi mo alam kung paano tutugunan;
Nakalilito kahit na kailan.
Akala mo malakas ka na,
Akala mo kabisado mo na't bihasa
Ka na sa pakikitungo sa problema.
Subalit lahat iyon ay akala lang pala.
Ramdam ko ang sikat ng liwanag;
Subalit hindi tagos ang sinag
Sa puso kong nangangalap
Ng kabuluhan at pangarap.
Nakapapagod rin palang makinig sa mga echusa ng mundo,
Kahit anong tapang at lakas siya ring maglalaho.
---------------------------------
Sa ngayon, mas nabubuhayan na akong muli. Marahil nga, hindi lamang talaga maiiwasan ang mga pagkakataong malulugmok tayo sa kapaguran o kalungkutan. Lahat siguro tayo nakaranas na ng ganyang moment. Pero siyempre, hindi maaaring habambuhay tayong malugmok at hindi makausad mula sa kalungkutan.
Mabuti't unti-unti na akong nanunumbalik sa dati kong anyo mula sa pagbabagong-anyong ito. Medyo nabahala ako dahil kahit tanungin mo pa ang kung sinu-sinong nakakikilala nang lubos sa akin, hindi naman madalas na umabot sa ganyang puntong makagagawa pa ako ng kaechusahang tula dahil sa kapaguran at kalungkutan. Harinawang patuloy kong mahanapan ng kahulugan ang mga kasalukuyang patuloy na nagaganap sa buhay ko, kahit gaano pa 'yun nakade-depress.
Kung may dinaranas ka mang kahit anong kaechusahan ngayon, ngiti lang. Keri lang 'yan, kaibigan. : )