Hindi pa nakalilipas ang isang buwan magmula nang bisitahin ko ang Araneta Coliseum dahil sa PBB Big Night, bumalik na naman ako kahapon (26 Hulyo 2007) para sa pinananabikang muling pagtutuos ng magkaribal na unibersidad: ang inabangang UAAP Season 70 Round 1 bakbakan sa basketball ng Ateneo at La Salle.
Suwerte't napadpad pa ako sa Upper Box A, salamat sa isang kaibigan ko noon pang high school na may kakayahang makakuha ng ticket sa mga ganyang mahahalagang okasyon. Nitong nakaraan, medyo nagkagulo ang paunang pagkuha niya ng mga ticket, kaya naman hindi ko na inakalang makapupunta pa ako't makapanonood nang live sa kinasasabikang labanan. Hindi na rin ako pumila nang nagbenta sa eskuwelahan noong martes (24 Hulyo 2007). Pero kahapon, alas siete ng umaga, PE class namin (magkaklase kasi kami), bumungad ang isang magandang balita. Nakahagilap siya ng ticket, at nag-back-out ang dapat sana'y isasama niya, kaya naman nakasabit ako. 'Yun nga lang, kakailanganin kong lumiban ng klase ko sa Psych (130-300PM) dahil kukunin pa mula sa isang mensahero (na nag-aabang sa Coliseum) ang mga ticket. Cut na rin siya (pati 'yung isa niyang blockmate na nakasama namin) ng klase nila sa Com (300-430PM). Last minute na talaga, pero ayos lang. At least mayroon. At isyu mang ituring ang nasabing pagliban sa klase, 'di ba't may mangilan-ngilang mga bagay-bagay sa buhay na mas mahalaga kaysa sa pag-aaral? Chos! Hahaha!
[Hindi ko na siya papangalanan dahil malamang na kumita siya ng hindi bababa sa milyong piso kung piliin siyang tangkilikin ng mga desperadong makakuha ng ticket, at kung pipiliin niyang pasukin ang negosyo ng pag-sa-scalper. Hahaha! Pero salamat pa rin sa pag-imbita, chong! :) ]
Hindi ko alam kung bakit ako nadadamay sa kaechusahang labanan sa pagitan ng dalawang eskuwelahan. Wala naman akong natural na galit sa La Salle. Natural bang pumapasok ito sa katauhan mo kapag pumasok ka sa Ateneo? O sa kabaligtaran, kusa rin bang pumapasok sa katauhan ng mga taga-La Salle ang pakikisangkot sa bakbakang ito laban sa mga Atenista? Hindi rin naman ako tulad ng iba na tatlong buwang gulang pa lamang, miyembro na ng papaslang-ako-para-makanood-ng-laro club. Anu't ano pa man, nadamay na nga ako, e ano pang magagawa kundi makisangkot na nga?
Hayun, hindi pa tapos ang laro ng UST at NU, halos puno na ng mga naka-kulay berde ang kalahati ng Coliseum, at siyempre pa, ang mga dugong bughaw sa kabilang kalahati. At bandang mga alas kuwatro y medya, itinampok na ang isa sa pinakaaabangang laro ng halos lahat ng nilalang, kolehiyo man, elementarya, nagtatrabaho sa Makati o karinderya, o nasa sinapupunan pa lang.
May nahagilap na upuan 'yung blockmate ng kaibigan ko para sa aming tatlo, pero parang wala rin namang silbi. Ayon nga sa narinig ko sa kung saan, ito 'yung larong nagpupumilit makahanap ng upuan ang mga tao, pero tatayo rin lang naman. Oo nga, bukod sa tayo nang tayo 'yung nasa harapan ko, hindi yata talaga mapipigilang mapatayo sa gan'un kahusay na laro. Matigang ba naman sa labanan nang isang taon dahil sa suspensiyon, sino'ng hindi mananabik na makapanood?
Dikit ang laban; nang manood ako ng Bandila kagabi, "dikdikan" ang salitang ginamit. Kung hindi mo napanood, ayyy. Kung napanood mo, ang saya 'di ba? Makalilimutan talaga na mayroon ka pang Long Test kinabukasan, o Paper (at Notecards para sa English paper! Haha!) na kailangan na rin kinabukasan. Tila baga huminto ang panahon, ang pagtakbo ng oras, nang mga oras na 'yun. Kahit nga raw 'yung mga kapamilya ko sa bahay, mega tutok. Special mention, napaaga nang 'di hamak ang pag-uwi ng kapatid ko, na hindi naman kadalasang umuuwi nang maaga.
Dikitan talaga ang score sa bawat quarter, sa memorya kong walang tulong ng MemoPlus o ng Glutaphos, natapos nang pantay, 30-30, noong 1st half. Hanggang sa umabante nang kaunti ang asul, didikitan na naman ng luntian, at sa kadulu-duluhan, nagpantay na naman sa pagtatapos ng 4th quarter. 'Yun nga lang, hindi ko na talaga matandaan ang puntos, 'di ko man lang mahulaan tulad ng unang nabanggit noong 1st half.
Overtime. Karagdagang limang minuto ng kantiyawan, sigawan, at pagkamangha. Akala ko, mauulit ang trahedyang naganap noong isang taon sa Game 3 ng Finals laban sa UST. Bigla kong naalala, pareho pala ang suot kong tshirt kahapon sa suot ko noong isang taon. Kamusta naman, UAAP uniform? Nagbabadya ba? Hindi.
Naungusan ng Ateneo ang La Salle sa Overtime. Dikitan pa rin, hindi lumalayo nang sobra ang lamang, 'di tulad ng trahedyang naganap sa pagitan ng DLSU at UE nitong nakaraang..umm..hindi ko na maalala kung kailan 'yun. Pagkatapos ng hindi mabilang na kantiyawan sa pagitan ng dalawang nag-aalab na kampo ng manonood, pagkalipas ng hindi mabilang na pagsigaw ng "Go Ateneo!" katuwang ng cheer ng kabilang panig, pagkalipas ng hindi mabilang na pagsubo ng kaibigan ko ng Strepsils bilang first aid sa nagbabadyang kawalan ng boses, pagkalipas ng hindi mabilang na hinayang, palakpak, talon, at tuwa, natapos ang laro sa puntos na 80-77, ang ikaapat na panalo naming nag-angat sa estado ng aming basketball team sa ikalawang puwesto, may apat na panalo't isang talo.
Masarap nga yata talaga ang pakiramdam ng nananalo, kaibang-kaiba sa mga karanasan ko sa panonood ng mga laro namin ng basketball noong high school. Lalong kaiba sa pakiramdam noong Game 3 noong isang taon. Naaalala ko pa, nang pauwi ako sakay ng LRT matapos ang 'di kaaya-ayang pangyayari, mega dilaw ang nasakyan ko, at ako lang yata ang naka-asul. Ngayon, masarap dalhin kahit ang malaking support paraphernalia na nakulimbat ko ('yung kamay na nakapormang number 1 tapos sponsored ng Samsung) hanggang bahay (take note, dyip lang ang sinasakyan ko pauwi). At kahit pa medyo pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa kakaibang dala-dalahan ko, keber lang. Panalo naman eh.
Wala na ring pakialam kung may hindi pa natatapos na gawain, o may Long Test pa kinabukasan. Panalo naman eh. Iba talaga ang pakiramdam ng nananalo, at lalong iba ang pakiramdam ng nasa Araneta (panalo man o talo, iba ang saya. Sakay na!) Ramdam na ramdam ang tesiyon. Higit sa lahat, libre ang sumigaw. Mapa-"Go Ateneo!", "One Big Fight!", o "Suspended!", walang makikialam. Hindi katulad ng nasa bahay, na mapasigaw ka lang nang kaunti dahil sa galak o panghihinayang, minsan mukha ka nang ewan, lalo kung walang pakialam sa mga ganyan ang mga kasama mo sa bahay.
Hindi ko talaga masuri ang buong laro dahil una, short-term memory lang ako't hindi ako nakapag-notes dahil sa dikdikang laban, at pangalawa, hindi ako eksperto sa sports. Anu't ano pa man, harinawang naipahatid ko at nailabas ang kasiyahan mula sa naturang pangyayari. At harinawang magpatuloy ang pagkapanalo ng dugong bughaw. We bleed blue.
Ah, basta. Mahusay talaga 'yung laro. Hindi kabagot-bagot. Bawat segundo, katutok-tutok. Makalaglag-baba. Makalaglag-panga. Pagbati sa parehong koponan para sa isang mahusay na laro!
At siyempre pa, 80-77. WIN or lose, it's the SCHOOL WE CHOOSE! Go Ateneo! One Big Fight!
I-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball,
i-shoot mo na ang ball,
ang sarap mag-basketball! (Repeat)
12 comments:
I second the motion chong... tama.. wag mo na isiwalat ang pangalan ng benefactor mo ng ticket kasi baka dumugin sya ng tao.. kahit dinudumog na sya.. matinee idol raw un eh.. anyways... GO ATENEO!!! ONE BIG BIRD!!! est ONE BIG FIGHT!!!!
Repapips! Yak. One Big BIRD? Hahaha! Hay naku, as of press time, may umeechos daw na magrereklamo.. Mga malalabong kausap.. Haha, punyemas talaga.. At kamusta naman 'yang matinee idol na 'yan?? Patawarin nawa ang mga sinungaling.. Harhar! :)
ttssss... talagang magrereklamo sila.. talo kasi eh.. sour graping bitter shit... wahahahahahaaa... sinong sinungaling?? nakoo.. bahala ka.. di na tayo mabibigyan ng ticket nung gwapong matinee idol na un...
Haha! Magreklamo hanggang hukay.. Wahaha! Ayon nga sa naipadala sa akin sa email, "Games are decided on the court, not on the board room." Or something like that.. Haha! Pakisabi sa matinee idol (kunwa) na bukas sa loob kong sumang-ayon sa lahat ng kanyang kasinungalingan.. Sige na, hindi na sinungaling.. Guwapo na talaga.. Basta may ticket.. Wahaha!
hoy bruha! nanood din po ako! hello, may long test lang naman ako sa Fil kinabukasan. and in fairness, hindi ko inexpect na mananalo tayo. hanggang ngayon nga eh in a state of shock pa rin ako! pero hello ulet, kita mo naman, matapos ang game ng admu-la salle, parang nawalan ng gas yung team natin at natalo sa FEU at USTE. punyemas!
Hahaha! Ako man, Long Test ng Histo.. E bakit ba, may ilan talagang bagay na mas mahalaga kaysa pag-aaral 'di ba? Wahaha! [Buti na lang ayos pa rin naman ang kinahantungan n'ung LT ko.. Haha, 'yung iyo, kamusta?]
Oo nga, nawalan ng gas, nawalan ng batirya, kinulang sa Enervon. In short, nagkalat. Hahaha! Hindi ko lang alam, pero parang pagtalo, paglampaso, pambabalahura lang sa DLSU ang pokus ng team natin.. OK namang balahurain sila, basta mabalahura rin 'yung iba.. Wahahahaha!
Hanggang sa UE nitong Linggo lang, tayo ang nabalahura. Tatlong sunud-sunod na pagkatalo. Harinawang mabawi nila.. Anu't ano pa man, sa a dos na ng Setyembre ang muling pagtutuos! Haha!
hello bruha...
nais ko lang ipahayag na may long test nanaman ako na matataon sa muling pagtutuos. ang masaya rito ay magpapakamatay nanaman ako at ang ilang kaibigan ko uoang makapamili ng ticket. punyemas sa mga ibang school na hindi naman kasali eh nakikihati pa.
sa darating na linggo na ito, at nagsasanay na akong kantahin ng buo ang song for mary na hindi ko pa nakakabisa. umaasa akong muli, mauuna akong kumanta ng school hymn.
harinaway magtuloy tuloy na ang paglipad ng mga agilang matagal nang hindi nakatitikim ng ligaya sa larong basketball.
p.s ay sus, di lang pala 1 long test. 2 pala, 1 group report at 2 proyekto. tunay ngang mayroon ibang bagay na mas mahalaga sa pag-aaral. bakit, may magis din naman sa pagsigaw ng "go ateneo" diba?
May tama ka! Magis! Wahahaha! :)
Ako man, mega hell week n'un (9-15 Setyembre).. Dalawang proyekto rin ang nakatakdang ipasa sa linggong 'yun, at may dalawang tumataginting na long test.. Ewan ko na lang..
Hay naku, kani-kaninang umaga lang, mega wasted ang drama namin ng mga kaibigan ko sa Coliseum.. Todo pila kami, at kung kailan napakalapit na namin sa ticket booth, saka naman ipinangalandakan ang kasiya-siyang balita na ubos na raw ang mga ticket nila.. Hanggang ngayon, GRRRR pa rin talaga!! As in GGRRRRRR! GRR! GRRRR! GGGRRRRRRR!!!! Kailan ba maglalabas sa atin at nang makapaghandang makipag-girian sa pila?
PANAWAGAN sa matinee idol na may kakayahang kumulimbat ng ticket: ISAMA MO NAMAN AKO.. PARANG AWA.. Harharhar!! :)
Hay buhay, parang life..
Pare... nakausap ko na ung dakilang matinee idol.. sabi nya.. pati raw sya delikado.. di rin nya sigurado kung makakakuha xa ng tiket.. pero may tiwala ako dun.. eh matinee idol eh
chong.. magbunyi ka na... nakakulimbat ung matinee idol ng tiket uli.. upper a... galing talaga.. pogi na nga, galante pa..
Pasasalamat sa Poong Maykapal at sa kung anu-ano pang mga anito't bathala para sa nakulimbat na ticket! Matinee idol forever! Pakisabi, willing akong magtayo ng fans club para sa kanya! Ahahahaha!
At siyempre pa, 89-87! Go 'Teneo! Ahahaha! [Abangan ang susunod na blog entry ukol sa muling pamamayagpag ng dugong bughaw sa ikalabintatlong laro.. Baka matagalan nga lang dahil supermega HELL week ako ngayon.. Kung masyado nang matagal, kalimutan na lang at ipadala sa kawalan ang ipinangakong blog entry..] :)
Siyanga pala, ihanda na rin natin ang ating mga sarili.. Paganahin na ang imahinasyon.. Nakaaamoy ako ng papalapit na protesta; kung ano na naman ang irereklamo, kailangan nating lahat ng lubhang napakalawak na imahinasyon.. Kakaibang mag-isip ang mga nalulugmok.. Hahaha!
Post a Comment