Kamakailan lamang (9 Enero 2007) ay namalas na naman ng buong Filipinas--at ng buong mundo--ang kapistahan ng Señor Nazareno sa Quiapo, na dinudumog ng santinakpang mga deboto. Napuno na naman ang Quiapo ng mga deboto at ang lugar ay literal na hindi mahulugang karayom. Kapag naghulog ka ng karayom, siguradong makatutusok ka ng tao; hindi lamang ito babagsak sa lupa nang walang natutusok. Wala na kasi talagang espasyo sa pagitan ng mga tao. Tipo bang para kayong magkakamag-anak lahat dahil hindi na kayo nagsawa sa pagbebeso-beso. Dagat na talaga ng tao ang makikita mo, katulad siguro ng nakita n'ung deboto (na siyang nagpagawa ng karo ngayong taon) sa panaginip niya.
Nakaranas na akong makipista sa Quiapo, pero hindi ako nangahas na makisama sa prusisyon dahil masyado pa akong bata noon, siyam na taong gulang lang yata ako, kaya naroon lang kami ng mga magulang ko sa lugar na medyo malayo na rin sa ruta ng prusisyon. Hindi talaga normal ang dami ng tao; sa gayong karaming tao, puwedeng-puwede ka nang magpatalsik ng presidente. Daang libo yata ang nagpupunta doon tuwing kapistahan. Kapag papalapit na ang Nazareno at ang dagat ng mga deboto, tulad ng nararanasan ng nanay ko noong sa may Quiapo siya nagtatrabaho, mararamdaman ang pagdagundong ng lupa. Tila ba higante ang paparating. Kung tutuusin, higante nga naman. Saan ka pa ba nakakita ng Poon na gayon karami ang deboto?
Deboto ng Nazareno ang tatay ko. Sabi niya, sa Nazareno raw niya ako ipinagdasal, at nang magdasal siya, ilang taon lang yata ang nakalipas ay naipanganak na nga ako. Mula noon, naging deboto na siya ng Nazareno, tuwing Biyernes nagsisimba sa Quiapo, at halos taon-taong nakikipista sa Quiapo. Nang maikuwento ko nga ito sa mga kaibigan kong BrenDa, natuwa sila ng lubos at baka raw sa Nazareno ko nakuha ang kulay ko. (Excuse me, samantala, puro silang mga Chinese kaya ganoon ang kulay nila no! :) Samantalang ako, 25 porsiyento lang ang dugong Intsik, kaya siguro 'di ko namana ang kulay ng Tsina!)
Katulad sa kuwento ng tatay ko ang kuwento ng halos lahat ng deboto ng Poon. Hindi ko naman nilalabanan o kinaiinisan ang ganitong kuwento, dahil kung hindi nagdasal ang tatay ko sa Nazareno ay baka nga hindi ako naipanganak. Naniniwala rin naman ako sa mga himala, at hindi ako sumasang-ayon kay Ate Guy. "May Himala! Ang Himala ay nasa puso ng tao!!"
Pero naman, bakit pa nga ba kailangan ng konkretong himala para maging relihiyoso at tumuloy-tuloy ang pananampalataya sa Diyos? Bakit ba kulang tayo sa paniniwala at pagtitiwala sa Maykapal? Bakit kailangang ispesipikong hiling ang mabigyang katuparan at saka mananampalataya nang lubos? Hindi pa ba sapat para sa atin, upang manampalataya, ang pagkabuhay natin nang matiwasay sa araw-araw?
Siguro nga, kahit na Panginoon na ang pinag-uusapan, hindi pa rin maiaalis sa ating mga sarili, bilang tao, ang maging makasarili. Kailangang mapasaya muna tayo ng iba, bago tayo maniniwala sa kanila. Kung baga, kailangan ng kapalit ang lahat, at pagdating nga siguro sa Diyos, hindi na natin napapansin ang mga biyaya sa araw-araw bilang kapalit; ordinaryo na nga naman kasi kung ituring ang mga ganoong biyaya. Ang napapansin natin ay iyong mga bagay-bagay na konkreto, kakaiba: mga hiling natin.
Katulad nga ng nabasa ko sa Ang Paboritong Libro ni Hudas ni Bob Ong kagabi,
(Parang gan'un, 'di ko maalala ang tiyak na mga salita) :)
At kung, sakali mang hindi mapagbigyan ang ating mga hiling, at kung sakali mang makaranas tayo ng pagsubok na tila higit sa kaya nating dalhin, alam na natin kaagad kung kanino ibubunton ang sisi. Ayaw kasi natin na nahihirapan tayo; gusto natin, lagi tayong bida. Laging napagbibigyan, hindi natatanggihan. Kung hindi, alam mo na ang ginagawa ng batang nagta-tantrums.
Siguro, napagbigyan ng Nazareno ang mga hiling ng mga deboto. Pero kung hindi, baka naitakwil na nila ang kabuuan ng simbahan. Kung pumanig sila sa Satanistang mga grupo, at sakaling nangyari ang gusto nilang mangyari, baka si Satanas ang pinag-aalayan nila ng pista ngayon. Maaaring masabing ito'y pagmamalabis, pero... palagay mo? Anu't-ano pa man, masayang isipin na lang na ito'y produkto ng likas na pananampalataya ng mga Filipino. Pero katulad ng mga nasabi ko kanina, tila sa palagay ko ay walang taong likas ang pananampalataya. At itatanong kong muli: Ano sa palagay mo?
Isa pang imahe ang naipinta sa isip ko nang makita ko sa mga pahayagan ang Señor Nazareno. Naalala ko 'yung imahe sa Exodus, ikalawang libro sa Bibliya. 'Yung parte noong kinukuha ni Moises ang sampung utos. Samantalang iyong mga pinaghihintay niya sa ibaba ay nagsisisamba na sa nilikha nilang gintong guya. Naisip ko lang, 'di kaya magkatulad ang mga ito? Tanong: Palagay mo?
Ewan ko. Malay ko. Startalk.

Hindi pa ba sapat ang pagkumpuni ng iyong katawan sa kanyang sarili tuwing napipilayan o nasusugatan ka?

2 comments:
Salamat sa mga komentaryo!! :)
Haha.. Oo, medyo sa kanya ko kinuha (bagaman narinig ko na rin 'yun dati sa kung saan..) Pero para iwas-plagiarism, I cite Sir Jelson as my source.. Tsaka kung saan ko narinig dati, kung sino ang nagsalita n'un, dito ko ina-acknowledge: You are hereby acknowledged as my other source.. :)
watever /../
Post a Comment