Wednesday, January 10, 2007

ANG BAGONG SERYE

Hay, ito ang magiging kauna-unahang blog entry ko ever!!! :) At marahil, malas nga lamang ang napili kong gawing paksa ng kauna-unahan kong entry...

Kagabi (8 Enero 2007), habang ako ay taimtim na nagbabasa ng mga takda para sa eskwela, ay sabay rin naman akong maluwalhating nanunuod ng telebisyon. Samantalang ligayang-ligaya ako sa katatawanang dala ng H3O sa QTV, ganoon din naman ang kasayahan ko sa pinagpipitaganang bagong serye ng dos.. Ano pa nga ba kundi ang kachuvahang Sana Maulit Muli..

Sa una pa lang, as in trailer pa lang, nadismaya na ako sa mahihiwatigang depektibong pag-arte ng mga piniling gumanap sa nasabing serye. Habang ang iba ay maaaring matuwa ng lubusan, ako hindi. At habang pinanood ko nga ang unang sabak nito sa Primetime, marami sa aking mga haka-haka ang napatunayan.

Kainis talaga.

Una, noong mga bata pa ang mga bida, pumuslit sila sa isang barko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan dahil nagpalipat-lipat ako ng channel. Pero kung anuman iyon, sukat raw bang nagtatatakbo 'yung isang bata sa ibabaw ng barko nang hindi nakikita? Napaka-realistiko naman 'di ba? At ang dami-dami pang trabahador na nagkakarga ng mga dadalihin n'ung barko. Kamusta naman?

Actually, napansin pala 'yung bata, noong hindi pa nakatutuntong ng barko. Pinaalis at haharang-harang daw. Pero n'ung nakasampa na sa barko, 'di na pinansin. Gaya ng nasabi ko, kamusta naman?

Sabi nga lang siguro ni direk.

At tuluyan na ngang nakapuslit ang bata.

Habang ako'y ligalig na ligalig sa namalas kong ubod sa realistikong eksena ay naglipat-lipat muli ako ng channel. At pagbalik ko nga'y nagsimula na naman. Sa wakas, nakarating na sa paroroonan ang dalawang bata (mayroon palang chuvang isa pa na nagtatago rin sa barko). At naghiwalay sila, 'di ko alam kung inampon o kung anuman, at doon na nagsimula ang masalimuot at orihinal na istorya.

Maya-maya lamang, natunghayan ang dalawang batang babae na wiling-wili sa paglalaro ng tsaa-tsaahan. At naikuwento n'ung isa 'yung karanasan sa barko echuvachenes. Siguro nainggit 'yung isa at nakaisip ng maitim na balak. At iyon, sa huli, ay ang magpanggap bilang 'yung batang babaeng isa. ('Yun pala, sumusulat 'yung nakapunta sa Amerika pero hindi na ipinaaabot sa kamay n'ung isang bata na naging katulong na lang).

Hay ewan, basta medyo magulo.

Sabi nga kasi ni direk.

Masasaksihan ang pang-aapi n'ung karakter ni Glydel Mercado sa mga karakter nina Mickey Ferriols at ng kanayang anak na ginampanan n'ung Kim Chiu. Muli, napaka-orihinal ng mga eksenang sa tuwing wala ang asawa n'ung mahaderang donya ay sisigaw-sigawan na lamang 'yung mga longkatuts. Pero, at malaking pero, kapag nariyan na ang pagmumukha ng asawa n'ung mahaders ay bigla-biglang naaambunan ng kagandahang-asal.

Scriptwriter naman ang may sabi.

Kalaunan, bumalik ang kachuvahang karakter na ginampanan n'ung Gerald Anderson sa Pilipinas (sana nga siguro hindi na bumalik, para wala nang istorya 'di ba?). At, nagpanggap na nga 'yung karakter n'ung Erich Gonzales na siya 'yung nakasama niyang pumuslit sa barko.

Para tapusin na ang mga detalye, bandang huli ay nagsilamon ang mga bagong dating na 'kano-'kanoan sa bahay ng mahaders. Sa kabilang banda, nagkukulong ang mga longkatuts sa kusina, naghahanda ng ipalalamon sa mga 'kano-'kanoan. At nang ipalabas na ng nanay longkatuts kay anak longkatuts ang 'fruit salad' ay..

(Nasambit ko na ilang segundo bago mangyari)

Umatake ang kabobahan ni anak longkatutay at natapon ang ubod ng labnaw na fruit salad sa 'kano-'kanoang lalaki (Gerald). Ang kalabnawan ng naturang salad ay para lamang sa pinaghalo-halong gatas, 'yung tipo na sasadyaing itapon kaya huwag nang ayusin ang pagkakagawa. Kung hindi iyon natapon, malamang ibinuhos n'ung mahaders 'yun sa dalawang longkatutay dahil nga sa labnaw.

Realistiko muli.

At lalong nag-init ang ulunan ko sa eksena ng banggaan na siyempre'y sinundan ng slow-motioned na pagtititigan n'ung nagkabanggaan. Sana nga siguro, itak na lang na nakaduro 'yung dala n'ung katulong para nasaksak na 'yung isa, tapos bibitayin siya n'ung dati niyang kalaro, at magkakagulo-gulo na, magkakamatayan at matatapos! YEHEYY!


Ewan ko ba, siguro dito pumapasok 'yung kainisang dala ng mga ubod ng lumang ideya (katulad nga ng sabi ng Filipino teacher ko). Para bang basta na lamang makagawa ng eksenang magtititigan sila habang naka-slow-motion ang lahat at kilig na kilig ang mga punyemas na fans.

Sabi kasi siguro ni direk.

Hay ewan, sana hindi na ito maulit muli. At para mangyari iyon, malamang hindi na ako manonood muli... ahahahaha...

3 comments:

melissa said...

hala.. dnaig mu na c bob ong sa pag gawa ng isang kwento.. hahah.. sana one time bgla mu na lang ibalita sa akin na malapit ng ipublish ang iyong libro... hahha
bibili ako ng 5 copya.. (at san ko naman un dadalin??) hahha..

Anonymous said...

wow! omski! hehe grabe ka manlait! ang sama mo!! waaa! pero ok, saludo parin ako sau sa tagalog mo ang lalim (i've said it before and ill say it again!)u rock man! hehe astig blog mo nuh. hay tama na nga ang mga chuva(bola)! hehe kamusta naman??? newi. ingat lagi n God bless!!!

OMAR said...

Oy Hannahlyn! :) Salamat sa pagdaan... Ganyan talaga, siyempre laitero ako since birth.. Haha..
Late na rin 'to (as in pagkalipas ng ilang buwan) pero salamat sa komentaryo ninyo, meme at monika! :)
Salamat sa pagdaan..