[Sa tradisyon ng masinsinang pagsipat sa unang episode ng mga teleserye, inyo ngayong nababasa ang entry na ito. Haha.]
Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagsulat ng anuman sa mumunting espasyong ito, at dahil ugali ko namang manyorba ng kung anu-anong mga bagay-bagay, hayaang isambulat ko ang aking mga pagpapalagay ukol sa bagong seryeng nag-ere ng unang episode kagabi (28 Abril 2008): walang iba kundi ang Maligno.
Marami nang serye ang nagpakita ng kani-kanilang unang episode (dahil kung hindi, malamang wala ang mga seryeng 'yun ngayon), subalit hindi ko kinayang bigyan lahat ng paunang pagsusuri. Hahahaha, "pagsusuri." Marahil dahil marami lang akong pinagkakaabalahan sa mga kapanahunang iyon, o dahil sa imortal na kadahilanang tinamad lang ako. Ngunit bilang tributo kay Direktor Wenn Deramas (A.K.A. Wenn D.) at sa kanyang butihing staff, narito ako para magbigay ng ilang pamumuna. HAHAHAHA, feeling eksperto.
Oh well, e 'di ayun na nga, nagsimula ang isa sa pinaka-inabangan kong serye sa balat ng telebisyon. Una, dahil horror-horroran daw, at mega mahilig ako sa gan'ung mga tipo ng palabas. Ikalawa, dahil baka may pinagkaiba naman ang seryeng ito sa unang handog ng Susan Roces Cinema Collection, na itago natin sa pamagat na Patayin sa Sindak si Barbara. Susmarya kung susmarya, nagsusumigaw at nagpupumilit kasing magpaka-horror ang palatuntunang 'yun. Biruin mong magmukha nang echusa ang Jodi Sta. Maria para lang ipangalandakang isa siyang multo; kesehodang maubos lahat ng uri ng kolorete sa mundo, basta magmukha siyang hindi tao. Sa pananaw ko lang, hindi ba mas malaking hamon para sa aktres na palitawing multo siya kung normal lang ang pagmumukha? At hindi ba mas nasukat ang kanyang husay kung kinaya niyang takutin ang lahat kahit walang nakabudbod sa kanyang pagmumukha? Hindi lang kay Jodi ang pamumunang ito, special mention rin ang paghiyaw dito't diyan ng Kristeta Aquino, na hindi mo maunawaan kung nakakita ba talaga ng hindi pangkaraniwang nilalang, o nahirapan lang maglabas ng kanyang mga kinain. Hindi lang rin ito sa mga nagsiganap, idamay na ang buong staff.
Bago pa ito maging tuluyang rebyu sa kababanggit na teleserye, ang ikatlong pang dahilan kung bakit ko inantabayanan ang Maligno ay dahil nga horror-horroran daw ito.
Sa umpisa pa lang, may napansin na akong medyo maechos para sa aking pananaw. Bakit may demonyong nagsalita? As in VO (voice over) na nagsasalaysay kung ano ang background ng istorya. Kesyo kadiliman kadiliman chenes raw. Hindi pa ba sapat na alam na nga ng santinakpan na horror na nga 'yun? Bakit kailangan mo pang ipagduldulan na may demonyong kasangkot? Parang ipinagdidikdikan lang kasi sa mga manonood na HORROR ITO. SUSPENSE BAGA. NAKAKATAKOT.
Well, 'yun din ang inasahan ko--na nakakatakot nga. Ngunit datapwat subalit, katulad ng mga naunang serye, mistulang naging katatawanan sa akin ang maraming bahagi ng unang episode.
AT ispeysiyal mensiyon din sa sulating ito ang madre-madrehan na lumabas sa mga unang minuto ng palabas. Heto na nga't todo-hagulgol si Rio Locsin dahil kakailanganin niyang iwan ang sanggol d'un sa kumbento. Si madre, ang itinugon, "'Wag kang mag-alala aalagaan namin siya" sa tonong walang kagana-gana ni katiting. Parang hindi sanggol 'yung iiwan. Tila baga nagpaiwan lang 'yung ale ng katiting na kagamitan sa baggage counter ng paborito mong mall. Parang araw-araw lang may nag-iiwan ng sanggol d'un, at wala nang kaso dahil sanay na sanay na sila. Parang hindi hagulgol galore ang ginawa ni Rio Locsin, eh.
Ngayong binabalikan ko, naisip kong hindi ko yata pala naintindihan kung bakit iniwan 'yung bata. Ang naaalala ko lang, may sa demonyo yata 'yung sanggol. Na kesyo may sinalihan raw silang kulto whatsoever na akala nila magpapaahon sa kanila subalit lalo pang nakapagpahamak sa mga buhay nila. Ewan ko, ni hindi nga yata ineksplika nang dibdiban kung ano 'yung kulto, dinaanan lang yata sa isang one-liner, eh sa tingin ko, isa 'yun sa mga ubod ng halagang bahagi na kailangan mong ipaintindi, dahil doon babatay ang kung paano mo ie-establish ang tauhan. Ewan ko lang kung hindi talaga naipaliwanag, o hindi lang ako nakinig dahil abala pa ang utak ko sa pag-analisa ng ginawa ni madre-madrehan.
Nakaranas rin naman ako ng major gulantang sa seryeng ito. Akalain mong sa unang episode nagsimatayan ang maraming tauhan. Nadisgrasya lahat ng karakter nina Rio Locsin, Susan Africa, at Gaspar (asawa ni Simang sa isang lumang panoorin na Jojit raw yata ang unang ngalan). Subalit, bagaman gulantang factor ang bagay na ito, hindi na ako nagulat sa pamamaraan kung paano sila nagsipanaw.
'Yung isang lalaking hindi ko naurirat kung da who, nasagasaan. O sige, hindi ko inasahang may gan'ung pangyayari. Tapos, 'yung iba nagtakbuhang parang mga naulol. So mega taka naman ako kung bakit. At naisip ko nang may mga sisibakin pang karakter. Hayun si Gaspar, nagtago sa pison. May biglang lumitaw na mga taong nakaitim, mistulang may armas, na hinahanap siya. Medyo tan-g-a, kaya hindi siya nakita at nalampasan siya. Pero gaya ng inisip ko na, biglang umandar ang pison at napisa ang kawawang Gaspar.
Muli, bakit parang walang pagpapaliwanag na anuman kung da who 'yung mga nakaitim na nilalang? Bakit parang biglang tinugis ang ating mga bida nang walang anu-ano? Saan nanggaling ang mga 'yun?
Siguro itong susunod na ang highlight ng gabi. Ito namang si Susan Africa, lumuwag yata ang turnilyo. Dumako sa riles at akmang magpapasagasa sa tren. Bigla namang ipinakita sa screen ang unti-unti nang lumuluwag na "Railroad Crossing" sign habang alam ng lahat na may paparating na tren. Inisip ko nang 'yung sign ang makapagdudulot ng kamatayan sa nabaliw na Susan Africa. Ayan na, may tren na, at hayun nga, lumihis ng landas ang tren. Naman, gusto diumanong magpasagasa, pumuwesto pa sa lugar na may likuan ng tren, naiwasan tuloy siya. Pinakita uli ang "Railroad Crossing" sign, at mukhang malalaglag na talaga. Maya-maya, nawala si Susan Africa, napalitan ng pipitsuging computer-generated image, at may bumagsak ring computer-generated "Railroad Crossing" sign, at ito ang kanilang pagpapakita kung paano sinundo ni kamatayan ang karakter. Pagkatapos ng balahura con todong computer animation, may nakahandusay na tila malaking manika, at nakasalaksak ang krus ng "Railroad Crossing" with matching dugo-dugo.
Si Rio Locsin naman, namatay sa kosteng kuba. Pagbalik nila ng isang bata galing sa pagtunghay ng pagkamatay ng kanilang mga kasama, bigla na lamang may sumakmal kay Rio mula sa likod at pinagtataga. Mega hiyaw ang bata, pero hindi ko na alam kung ano ang nangayari sa kanya, pati na d'un sa sanggol na iniwan sa mga madre.**
Siyempre, hindi naman ako nakatutok con todo sa seryeng ito. Lumipat rin ang estasyon sa aming telebisyon sa Channel 5, at nanood kami ng Wow Mali samantalang patalastas pa naman sa Dos. At siyempre rin, pagbalik namin sa Dos, may mga eksena na kaming nalaktawan at hindi napanood. Namulat na lang ako, naroon na si Claudine Barretto sa telebisyon, nagrereport, samantalang ito namang si Rafael Rosell, mega pagnanasa galore sa reporter. Umabot pa sa puntong pinagdidilaan niya 'yung TV screen para lang "matikman," bagaman sa hindi tunay at tuwirang pamamaraan, ang kanyang pinagnanasaan.
Makikita rin ang pagdalaw ng uhaw na uhaw kay Claudine na si Rafael sa opisina ng reporter, na kumakain ng cake sa kakila-kilabot na pamamaraan. Bagaman tila may kulang sa takot reak ng media personality, karapat-dapat mabanggit ang eksenang ito--na para sa akin, umabot sa rurok ng kilabot factor.
Sa bandang katapusan ng unang episode na ito, masasaksihan ang quasi-kontrobersiyal na rape scene sa pagitan ng bidang si Claudine at ng demonyong ginagampanan ni Rafael. Umaatikabo ang naturang eksena, at tila baga sa kauna-unahang pagkakataon, nabiyayaan ng suspense factor ang kaawa-awang seryeng ito. Sinasabing may pinabago ang MTRCB sa eksenang ito, dahil raw tila hindi masyadong pambata ang naturang pangyayari. At malamang na maraming batang nanonood at nag-aanatabay sa seryeng ito. Marahil may punto nga ang MTRCB, pero para sa mga tulad kong humahanap pa ng mas marami (magis, ika nga. Hahaha), sana naging mas agresibo ang naturang pagpapalabas. Hindi naman agresibo as in pagpapakita ng mga hindi dapat na isinisiwalat, pero agresibo sa pamamaraang ramdam mo pa rin ang tensiyon ng eksena, maging ang pagnanasa't 'kahayupan' ng nanggagahasa, lalo ang pasakit na dinanas ng biktima. Sa palagay ko, gusto kong makita 'yung unedited version, dahil mukhang mas makikita ko d'un ang mga elementong ito.
Bawas-bawasan na rin pala sana ang demonyo VOs, dahil nakakasawang ipinagdidikdikan at ipinagduduldulang "HORROR ITO. MATAKOT KAYO."
Sa pangakalahatan, masasabi kong hanga ako sa ginawang pagganap ni Rafael Rosell sa papel ng demonyo. Kita ko 'yung kailangang atmospera ng pagkabaliw-baliwan, at ramdam ko rin ang pagkahayok sa pinaniniwalaan niyang dapat na isagawang misyon.
May kulang kay Claudine sa gabing ito; parang hindi ko pa ramdam kung ano talaga ang dapat niyang ginagampanan. Pero ayos lang, may pakiramdam akong magiging mas matiwasay ang kanyang pag-arte sa mga susunod pang araw.
Mukhang pag-arte na lang rin ang aantabayanan ko sa seryeng ito, dahil umpisa pa lang, medyo batid ko nang sa buong panahong itatagal nito sa ere, walang anumang uri ng katatakutan ang maaari kong maranasan. Pero SANA, bigyan sana sila ng mga espiritu ng sapat na kakayahan para manakot nang walang demonyong nagsasalita bilang VO, nang walang pipitsuging "Railroad Crossing" sign eksena na mauulit, nang walang pisong bigla-bigla na lang aandar nang kusa, nang walang echusang nangyayari samantalang hindi naman nagpapaintindi. Sa palagay ko, ang mga ito ang nangwawasak sa kung anumang katatakutan at kapraningang naiparating sana sa manonood.
Ang hanap ko lang, 'yung seryeng hindi masyadong maechusa sa effects kung alam namang mababalahura lang ang lahat kapag pinilit pang lapatan ng mga kalandian.
Purong pananakot lang, purong panggigimbal. Harinawang maihatid.
-------
**Edit: Sabi ng kapatid ko, si Rafael Rosell na 'yung batang kasama ni Rio nang pinagsasaksak siya. Tapos si Claudine Barretto na 'yung batang iniwan sa kumbento. Hindi ko alam kung anong uri ng anito ang sumanib sa kanya kaya niya naintindihan. O baka ako lang naman talaga ang hindi nakaunawa. Haha.